Feya Reigh's POV
Nandito kami ngayon sa mansion nina Imma. Aaminin kong may tampo pa rin ako sa kanya kaya nagagawa ko siyang tawagin ulit sa nakagawian kong tawag sa kanya 'Imma' .
Hanggang ngayon hindi pa rin siya humihingi ng tawad sakin. Naiintindihan ko naman dahil hindi ko sinasabi sa kanya kung bakit ako nagtatampo. Wala kasi akong balak kausapin siya. Gusto kong siya mismo ang umalam sa kasalanan niya. Hmp!
Nga pala, nandito kami ngayon sa mansion dahil under investigation pa rin yung bahay ko. Tanging mga caretaker lang ang nandon kasama ang mga pulis. Napag-alaman kong nakakulong na si Kel at hinding-hindi na makakalaya pa.
Sinabi rin na kailangan niya munang dalhin sa mental hospital dahil sa sinabi ni Rayvick na meron siyang problema sa pag-iisip na hindi ko naman lubos akalain. Wala talaga sa itsura niya na baliw siya.
"Magandang umaga sa iyo, hija. May hinahanap ka ba? " tanong sakin ni Nay Belen.
Sinarado ko yung ref at hinarap yung nagsalita.
Napayakap ako sa kanya ng mahigpit dahil namiss ko siya ng todo. Matagal ko rin siyang hindi nakita at nakasama. Ang laki na ng pinagbago niya. Mas lalong dumami ang wrinkles sa mukha niya at nababakas na talaga ang kanyang katandaan.
Bumitaw ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya.
"Kamusta na po kayo? "
"Maayos pa rin ako dito. Ikaw ba hija? Tumataba ka ngayon. " biro niya.
Napangiwi naman ako. Ganon na ba talaga ko kataba? Natural lang naman di ba dahil buntis ako? Hindi pa kasi niya alam at malalaman niya na rin bukas sa birthday ni Tito Dennis. Sa isang malaking hotel ito gaganapin. Isang engrandeng selebrasyon ang mangyayari bukas.
"Natutuwa akong makita po ulit kayo. Ang pangalawang nanay ko, haha. " masaya kong sabi.
"Nako hija, nabalitaan ko ang nangyari sa bahay mo. Mabuti at walang nangyaring masama sa iyo. " pag-aalala niya.
"Dumating po si Rayvick, yung kaibigan ko po. " banggit ko.
Napangiti naman siya. Giniya niya ako papunta sa counter. Nakita ko kung anong pinagkakaabalahan niya. Gumagawa siya ng cookies ngayon na hugis mga puso.
Ano kayang meron?
"Kaarawan ngayon ng bunso kong anak. Hiniling niya sakin na regaluhan ko raw siya ng cookies na ako ang mismong nagbake. Anim na taon na siya ngayon pero aakalain mong teenager na kung magsalita. " masaya niyang sabi.
Natuwa naman ako. Iba pa rin talaga kung pinaghirapan mo mismo ang ireregalo mo. Sa panahon kasi ngayon ay pumunta ka lang sa mall meron ka ng mabibili. Napaka-memorable ng gift kung mula sa puso at pinagpaguran.
"Pwede po ba akong tumulong? Gusto ko rin siyang regaluhan. "
"Bakit hindi? Matutuwa iyon kung may ibang magreregalo sa kanya. "
Nilibot ko ang mata ko at nkita ko ang isang shape na star. Naalala ko tuloy ang niregalong kwintas sakin nin Mama't Papa na hanggang ngayon ay suot ko pa rin. Pakiramdam ko kasi na nandito sil mismo sa kwintas na ito at nagagabayan nila ko.
"Itong star na lang ang gagamitin ko para maiba naman. "
Napaghalo-halo na pala ni Nay Belen yung mga ingredients kaya ihuhulma na lang namin. Nagpatuloy kami sa paggawa hanggang sa makarami kami. Sa tingin ko ay mabibigyan pa namin ang mga nandito sa bahay at pati na rin si Madam Villa na nagpapahinga ngayon sa sala. Wala naman ang kambal at si Tito Dennis dahil nga inaasikaso nila ang reception para sa kanyang 46th birthday. Baka gabihin daw sila sa pag-uwi mamaya. Masasabi kong walang puwang ang salitang matanda sa kanya dahil tila kuya lang siya kung tignan kapag magkakasama sila. Napakaganda ng kanilang lahi.
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...