CHAPTER 43: Nice Talk

2.6K 80 2
                                    

Feya Reigh's POV

Isang linggo na mula nung nangyari ang pinakamasakit na naranasan ko sa buhay ko. Pinangako ko talaga sa sarili ko na hinding-hindi na ko iinom ng alak kahit kailan. Sinusumpa ko na ang lahat ng alak sa mundo.

Simula rin nung nangyari sakin yon ay walang tigil na sa pag-asar sakin tong si Imma. Kesyo raw na wala naman daw alak sa mundong pinaggalingan ko kaya hindi ako sanay.

May kung ano-ano pa siyang sinabi pero hindi naman ito ang hinihintay ko. Gusto kong marinig mula sa kanya yung tawag niya sakin na ' Alien' . Kahit pa dati na inis na inis ako kapag tinatawag niya ko ng ganun.

Ngayon kasi ay hinahanap ito ng sistema ko. Gusto ko ng tawagin niya kong Alien kahit pa ang weird pakinggan.

Tungkol naman don sa pagsakit ng ulo niya sa ospital ay mabilis namang inaksyunan ng mga doctor. Nagalaw daw ng kaunti ang ulo ni Imma pero hindi naman serious ang lagay niya.

Ilang araw ding inobserbahan ang lagay niya bago siya palabasin ng ospital. Wala ngang bukang bibig si Sir Zayne kundi sorry dahil sa nagawa niya. Hindi naman daw niya sinasadya.

Walang humpay na sermon ang inabot niya kay Sir Dennis at Madam Villa. Hindi siya nagdamdam don bagkus ay binantayan niya na lang ang kambal niya. Nangako siyang magiging mabait na siya rito.

Nakakatuwa nga dahil ilang araw ding umabsent si Sir Zayne para kay Imma. Sa totoo lang ay isang beses lang sumakit ang ulo nito. Nababanas na nga siya sa pagiging OA ng pamilya niya dahil pina-confine pa siya sa mismong ospital din pinag-admit-an ko.

"Ang lalim ng iniisip mo ah. " gulat sakin ni Abby.

Pareho kaming busy sa pagkalikot ng cellphone namin. Kakatawag lang sakin ni Kylie at nangangamusta siya. Nakakainggit nga dahil isa na siya sa mga namamalakad ng kompanya ng ninong niya.

Wala naman akong mabalita na maganda tungkol sakin. Sinabi ko naman na alalay pa rin ako at malungkot siya dahil don. Balak pa naman naming mangibang bansa this April.

"Hoy! " tawag sakin ni Abby.

Nakataas ang kilay ko siyang tiningnan.

"Bakit ba? "

"Hinahanap ka ng amo mo sakin. Pumunta ka raw sa kanya. "

Nawawalan ng pasensya ko siyang tinignan.

"Na naman? " inis kong tanong.

Tinaas-taas niya lang ang kilay niya bilang sagot.

"Puntahan mo na! Bulyawan ka na naman non! " pananakot niya.

Napabuga ako ng hangin sa inis.

"Kakautos niya lang sakin kanina e! Sa totoo lang kakapahinga ko pa lang! Ano ba ko? Robot na walang kapaguran? " reklamo ko.

"Pwede ba, sa kanya ka mag-reklamo at wag sakin! Tsupi na! "

Padabog akong bumangon sa kama ko at mabigat ang mga hakbang kong tinungo sa kung saan man si Imma.

Binabanas talaga ko ng taong to. He's getting into my nerves!

"Bakit na naman ba? " singhal ko nang makarating ako dito sa swimming pool area. Dito ako itinuro ni Manang Jas.

Wala na kong pakielam sa rules niya! Wala na kong pakielam! Note that!

"Bat ka galit? Wala naman akong ginagawa! " bulyaw niya.

Napabuntong hininga ako sa kalokohan niya. Wala nga siyang ginagawang nakakasakit sakin pero nakakapagod na bagay ay meron. Maya' t maya niya ko kung utusan at hindi na makatao yon para sakin. Ano ako robot? Hindi napapagod?

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon