CHAPTER 19: Championship

801 16 0
                                    

Eirro Wayne's POV! 

 Natapos ang laban at tinanghal pa rin akong overall champion. Kahit na masama ang loob ko dahil wala ang alalay ko ay nagpatuloy pa rin ako.

Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi talaga siya kawalan. Sino ba siya para maging lakas ko? Hamak na alalay! Tsk! Tsk! Tsk! 

"Congrats bro, champion na naman. " sinalubong ako ni Kirro na sobrang lawak ng ngiti.

Akala ko wala akong pamilyang manonood sa laban ko pero nagulat ako nang makita sila sa harapan ni Dad.

First time in ever na nanood sila ng laban ko. Hindi ko naman sila nabigo dahil always champion ako. Wala talagang makakatalo sa galing ko. 

 "Congrats anak. " 

 "Mm. " tanging sagot ko.

 Porket nagdrama na sila sakin ay magiging nice na ko sa kanila. Sila kaya ang sumira sa buhay ko. Lalo na yang Kirro na yan, mang-aagaw na kapatid. Himalang pinagpaliban muna ni Dad yung work niya para sakin. Ibang klase! 

 "Grabe ka pre! Second place lang ulit ako. " nakangusong sambit ni James. 

 "You deserve it, jerk. " natatawa kong sabi sa kanya. 

Wala akong ibang ginawa kundi ngumiti sa mga camera na nakaharang sa dinaraanan ko. Nakalimutan kong live nga pala ang laban at napapanood sa TV.

Tss! Marami na naman silang tanong sakin! Natapos ang interview at panay papicture sakin ng mga fans ko.

Nauna na sila Dad para daw makapaghanda dahil kailangan daw ng big celebration sa pagkapanalo ko. Himala. Pero atleast naramdaman kong proud na proud sakin si dad. 

 "Pano ba yan pre, wala na tayong mga susunod na laban. Balik aral na naman. " 

"Akala mo lang! Hindi ba't dalawa dapat ang event ngayon? Sabi ko na nga ba yung PAO ang mag-aadjust e. Hahaha. " 

 "Gustong-gusto mo talaga ng swimming kesa studies noh? " seryoso niyang tanong. 

"Buhay ko na ang pool. Dito lang ako sumasaya. Besides, nag-aaral rin naman ako. " 

 "Sige par, tawag na ko ng mommy ko. Mukhang may bago akong condo dahil nanalo ako. " 

"Kapal mo! Second place ka lang naman! Pano pa kaya pag champion! " 

 "Hahaha siguradong may gift din sayo pamilya mo. " sigaw niya mula sa malayo. 

Natahimik ako saglit. Meron nga ba? Paniguradong sariling pera ko na naman ang gagastusin ko para bilhan ako ng sarili kong reward.

Bumiyahe na ako pauwi sa mansyon. Hinapon nga ako dahil inasikaso pa yung price ko at may conference pa. Kapagod talaga maging athlete.

Nagulat ako sa nadatnan ko sa mansion. Sa unang pagkakataon ay nagkaron ako ng bisita. Pero hindi ko pa kaclose at ang iba ay hindi ko kakilala. Sino ba ang nanalo si Dad o ako kasi puro katrabaho niya ang nandito.

 "Congrats, Ejercito jr. Wala ka pa ring kupas. " bati sakin ng isang lalaking nasa mid-40s na ata ang edad. 

"Thanks, sir. " tipid kong sagot. 

 Nagpatuloy ako sa pag-entertain sa bisita ni Dad. Konti lang din ang mga kakilala ko and the rest ay puro business partner na ni Dad.

Ngayon lang umingay ng ganito sa mansion at dahil pa sa akin. Iba talaga ang feeling kapag may family kang susupport sayo.

Lumalim ang gabi at napansin kong wala pang Alien ang nagpapakita sakin. 

 'Nasan na naman kaya ang babaeng yon? ' 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon