CHAPTER 8: Sam

3.7K 69 0
                                    

Eirro's POV!

Naabutan ko sina dad at Kirro sa sala. Nakatapat sila sa laptop at kahit na hindi ako lumapit ay alam kong may kausap sila sa kabilang linya. Kita sa kanila ang pagkasabik at saya mula sa taong kausap nila. Naglakad ako palapit para makita kung sino man iyon. 

'Bakit sa kanila ay tumatawag siya? Hindi man lang siya nag-abalang kamustahin ako.'

Mapait akong natawa. Ano bang iniisip ko? Kahibangan. Hindi na ako aasang tatawag siya sakin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko. Ni hindi man lang sila nag-abalang lingunin ako kahit na alam kong ramdam nila ang presensya ko.

Damn.

Malakas akong napabuntong hininga matapos maglapat ang likod ko sa kama. Ang sarap sa pakiramdam at nakakaginhawa.

Kinuha ko ang remote na nagco-control sa lahat ng electric device na nandito sa kwarto ko. High class! Pinindot ko ang switch ng speaker. Tumugtog ang paborito kong banda, South Border.

Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil na rin sa pagod. Hinayaan ko na lang ang sarili kong ihele ng kanta.

*

Napabalikwas ako sa magkakasunod na katok mula sa banyo ng kwarto ko.Napakunot ang noo ko. Ako lang naman ang mag-isa dito at wala akong kasama. Panong may kakatok sa pinto ng banyo ko? 

Namalayan ko na lang ang sarili kong nasa harap na ng pinto. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano man ang meron sa loob nito.

Pinihit ko ang doorknob, nakapatay ang ilaw. Tuluyan akong pumasok sa loob. Nagulat ako sa biglang pagsara nito. Madilim at wala akong makita. Nangingilabot ang buong katawan ko,
pinagpapawisan ako ng butil-butil sa noo. Malakas ang paghinga ko hanggang sa sumisikip ang dibdib ko at luluwag ulit. Nahihiwagaan ako sa nangyayari ngayon.

"Sinong nandyan? "

Hindi ko dala yung remote control para magbukas ang ilaw. Hindi ako sanay na pinipindot ang switch kaya nahirapan akong kapain ito sa dilim.

Nakahinga ako ng maluwag nang mahanap ko na ito. Agad ko itong binuksan. Lumiwanag ang buong paligid.

"Shit! "

Hindi ito ang banyo ko. Ang banyo ng nakaraan, ang nakasasaksi sa lahat. Ang banyo na ibanaon ko na sa limot pa at hindi na binalikan. Nasa harapan kong muli at nagpapaalala.

Nangyayari na naman ulit. Pinikit ko ng mariin ang mata ko, iniisip na ilusyon lang ang lahat at hindi totoo. Napasinghap ako nang marinig na ang mga paghikbi.
Napaatras at napakapit ako sa pader dahil sa nakikita ko.

"Don't do this... please.. " umiiyak niyang pagmamakaawa sa lalaki.

Nahilot ko ang sintido ko sa dahil bigla itong kumirot.

"You can't blame me by doing this. It's all your fault! Your fucking fault! "

Nagtiim ang bagang ko. Bumabalik na naman ako sa nakaraan. Paulit-ulit. Magulo, nakakasakit at nakakapanghinang nakaraan. Nakaraan na alam kong hindi ko na dapat pang naaalala.

"S-sorry... but I really love him. "

"Sam... akala ko ako lang? Bakit pinagpalit mo ako? " mapait itong napangit. "Sa kakambal ko pa? "

Tumulo ang luha ko. Ganito pala ako ka-miserable noon. Nakakaawa ang dating ako. Namamayat at halatang walang tulog.

"Eirro.. I'm so sorry. "

'Fuck that sorry, Sam!  I will never ever forgive you! '

Napapikit ako. Hindi ko kaya ang nakikita ko. Kahit pa na isa akong hambog na tao, may kahinaan rin ako.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon