CHAPTER 79: Please, remember me.

1.5K 33 0
                                    

Feya


Kinaumagahan ay maaga akong nag-ayos ng sarili. Pupunta ako ngayon ng kompanya upang tingnan kung nasa ayos pa ba itong kondisyon. Nagbabalita naman palagi sakin si Sec. Joyce at palagi niyang sinasabi na walang nagiging problema at wag daw akong mag-alala. Sana nga dahil malaki ang tiwala ko sa kanilang lahat.

Hindi na ko kumuha ng driver dahil hindi naman ako baldado at kaya kong ipagmaneho ang sarili ko. Pagkarating sa kompanya ay kaagad akong binati ng mga empleyado ko. Masayang-masaya sila na makita muli ako. Nagkaroon kami ng mahabang pagkukwentuhan bago ko sila pinabalik sa pagtatrabaho.

Nagtungo naman ako sa opisina ko na sobrang namiss ko. Napangiti ako nang makita ang maliit na paso na mayroong halaman na inaalagaan ko. Siguro ay madalas itong diligan ni Sec. Joyce kung kaya't hindi ito nalanta at nasira.

Nakangiti akong nagpaikot-ikot lang sa swivel hanggang sa unti-unting maglaho ang saya sa pakiramdam ko nang maalala ang ginawang pagtaboy sakin ni Imma sa kanyang kwarto.

Kinausap ako ni Doc. Ignacio na wag daw masyadong mag-alala dahil pansamantala lang naman daw ang pagkawala ng alaala niya dahil sa pagkabagok ng ulo niya. Pero hindi nito maaalis ang pagkatakot ko na baka tuluyan niya na akong mabura sa memorya niya. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng sarili ko pag nangyari yon.

Umaasa ako na sa pagpunta ko araw-araw sa kanila ay muli niya na kong maalala. Dahil nahihirapan at nasasaktan ako kada oras na wala na lang ang tingin niya sakin na dati ay puno ng pagmamahal.

Nang masigurong nasa ayos ang kompanya ay nagtungo ako sa funeral home upang muling bisitahin si Tito Dennis. Nasa mansion ngayon sina Mrs. Alliyah at Errie para makapagpahinga. Sina Lola Villa at Kirro lang ang nandito kasama ang tropa niya. May ilang kasambahay dito na tumutulong sa pag-asikaso sa mga nakikiramay.

"Apo, maupo ka sa tabi ko. " utos sakin ni Lola.

Marahan akong naglakad patungo sa kanya at naupo sa tabi niya. Puyat siguro siya dahil panay ang hikab niya. Kung pwede lang ako ang magbantay dito ay gagawin ko pero dahil buntis ako ay hindi ako pwedeng magpuyat.

"Ano po ang sasabihin niyo, Lola? " magalang kong tanong.

Tumingin ako sa mata niya at kita ko kung gaano siya nag-aalala sa kung sino.

"Nabalitaan kong hindi ka na maalala ni Eirro Wayne... miski ang lahat ng kaibigan niya ay nalimutan niya rin. Tanging kami lang pamilya niya ang hindi niya nakalimutan. " malungkot niyang sabi.

Pati pala sina James ay nakalimutan niya?

Lumanghap ako ng maraming hangin dahil mukhang maiiyak na naman ako. Hanggat maaari ay ayokong sumasama ang pakiramdam ko dahil makakaapekto ito sa mga babies ko at ayokong mangyari yon. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit di ko makayanang pigilan ang sakit na nararamdaman ko kada maiisip ko na hindi na ako maalala ni Imma. Wala akong magagawa kundi intindihin siya. Ayoko siyang pilitin na alalahanin ako dahil kahit siya ay mahihirapan.

"Sobra akong nalungkot nang malaman kay Doc. Ignacio na isa ka sa nabura ng kanyang alaala. Hindi ko maintindihan dahil palagi naman kayong magkasama. " ramdam sa boses niya ang lungkot at pag-aalala.

Suminghot ako at napabuga ako ng hangin.

"W-wag po kayong mag-alala... gagawin ko naman po ang lahat para maalala niya ulit ako. "

Hindi na napigil ang luha ko. Nag-uunahan silang tumulo sa pisngi ko. Parang tinutusok ang puso ko. Mauulit na naman ang mga paghihirap ko sa kamay niya. Hindi ko alam ang mga maaaring niyang gawin sakin dahil madalas ay pagbuhatan niya ng kamay ang ilan sa kasambahay. Natatakot ako sa isiping iyon.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon