CHAPTER 21: Bad Influence

791 11 0
                                    

Kylie's POV!  

Yes, ako nga ang best friend forever ni Feya. Her very loyal and honest best friend. I'm also 18 years old like her.  

"Ms. Alarcon, stand up. "

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Ma'am Fernandez. Agad akong tumayo at kinakabahan siyang tinignan. 

'Panay daydream kase! Ayan tuloy! ' 

"Sorry ma'am. " nahihiya kong paumanhin sa kanya.

Pinagtitinginan kasi ako ng mga kaklase ko at hindi ako sanay. Sanay lang ako kapag nagrerecite at hindi ang mapahiya. 

"Anong sorry!? Asan si Ms. De Silva? " galit niyang tanong sakin. 

Bakit sakin siya nagagalit, anong malay ko dun?  

"Ma'am, tinatawagan ko po siya pero hindi siya sumasagot. " bigla akong nalungkot.  

"Batang yun talaga! Hindi na nga pumasok ng dalawang linggo panay pa absent! Akala niya ba ipapasa ko siya kahit na matalino siya? Ang dami niya ng kulang sa requirements! " nagulat ako sa paghampas niya sa table.

Nagsitahimikan yung mga kaklase kong nagdadaldal. 

"May nangyari po kasing hindi maganda sa kanila ni Dexter. " tugon ko. 

"Hala!"
"Break na ata sila. "
"Di pa rin nagbabago si Dexter, womanizer pa rin. "
"Kawawa naman si Feya, first boyfriend niya yun di ba? "  

Nag-umpisa na silang magbulungan lahat. Napalibot ng paningin si ma'am na parang naghahanap ng impormasyon sa mga kaklase ko.

Hayss.. aware ba silang best friend ko ang pinag-uusapan nila?

  "Isa pa pala yang si Dexter Martinez! Wala akong kasalanan kung hindi sila makakagraduate ah! Tahimik! " nagalit na si ma'am nang masapawan na siya ng ingay ng klase.

Umayos ako ng pagkakaupo dahil nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko man lang masagot yung mga tanong nila e ako itong naturingan na best friend.

Nakakainis! Nasan na ba kasi yon si Amag? Ayan na naman siya sa pagkawala niya e! Pagkatapos ay dadarating siya na galing lang sa outing or whatsoever.

Hayss! Kapag talaga ganun nga ang ginawa niya makikipag-friendship over na ko. Ilang beses niya na akong pinag-aalala.

Hindi talaga siya makaintinding may mga taong sobrang nababahala sa bigla niyang pagkawala at hindi na pagpasok ng ilang araw.

Nag-ring na ang bell para sa uwian. Malungkot na naman akong uuwi nito. Wala akong nakakasabay mag-lunch at kakwentuhan pag walang teacher.

Feya Reigh De Silva, naiinis na ko sayo!

~

It's already Friday but still hindi pa rin nagpapakita si Amag ganun din si Dexter. Sobrang nag-aalala na ko sa kanilang dalawa. Paniguradong may nangyaring hindi maganda nung araw na pumunta si Feya sa Hot Way Bar.

Sana pala ay sinamahan ko na lang siya. Halo-halo kasi yung mga naiisip ko e. May posibilidad na nag-outing sila ni Dexter para magdate. Ibang klase kasi yung utak ni Dexter.

Madalas ikuwento sakin ni Feya na inaaya siya ni Dexter sa malalayong lugar para magdate. Siguro nga ay nasa galaan yung dalawang yun.

Pero kilala ko si Feya, mas uunahin niya yung pag-aaral bago ang ibang bagay lalo na kung hindi naman importante. Asan na kaya silang dalawa? Nagkaron tuloy ako ng bagong kaibigan dahil wala si Feya. Grace ang pangalan, boyish wannabe.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon