CHAPTER 64: SUCCESS

2.9K 92 9
                                    

One and half month later...

Feya Reigh's POV

"Ma'am saan ko po ilalagay to? "

Nag-angat ako ng tingin sa empleyado ko. Hawak niya ang patong ng mga papeles.

"Pakilagay na lang doon sa table. " utos ko.

"Sige po, ma'am. "

Muli akong bumalik sa ginagawa kong pag-check sa binigay na proposal sakin.

*Tok! Tok! Tok!

Nabaling ako sa pinto at hinintay kung sino ang papasok dito. Bumungad ang masayang mukha ni Troy.

"Bespar! Magpahinga ka naman! Subsob ka na sa trabaho e. " wika niya.

Pinasadahan niya ang mga patong-patong na papeles sa table ko. Nalukot ang mukha niya at parang siya pa ang napagod e tinignan niya lang naman.

"Iwan mo na ako kung wala kang matinong gagawin. " usal ko.

"I hate you! Hindi na kita kilala! " madrama niyang sabi.

Inilapag ko ang ballpen ko at tumayo. Lumapit ako sa kanya at binatukan siya.

"Alam kong aayain mo na naman ako sa kung saan. Mas mabuti nang unahan kita. " sabi ko.

Matamis akong ngumiti sa kanya. Pinaupo ko siya sa sofa.

"Pano ba naman kasi! Wala ka ng oras samin simula nang maging CEO ka! "

"Where's Kylie? Siya na lang ang isama mo. "

"Ayoko nga! Sawang-sawa na ko sa pagmumukha non! "

Natawa ako. Pano ba naman, isang linggo na rin simula nung maging sila ni Kylie. Walang araw na hindi sila magkasama kaya ayan, sawa agad sa isa't isa. Ni hindi na nga siya nagpaligaw kay Bespar e.

"Sumama ka na kasi samin! Minsan lang yun! " pilit niya.

Nang-aasar akong umiling sa kanya.

"Marami pa kong kailangang asikasuhin. " nawawalan ng pasensya kong sabi.

"Palagi ka naman maraming inaasikaso e! "

"Next time na lang, okay? Promise, sagot ko na yung outing natin. "

"Tsk! Ano pa bang magagawa ko kung ayaw mong paawat? " sumusuko niyang sabi.

Pinanood ko siyang tumayo at magpagpag ng damit. Batid kong aalis na siya kaya tumayo na rin ako para ihatid siya sa pintuan.

"Si honey na lang isasama ko. "

"Tama yan para mapag-usapan niyo na rin yung kasal niyo. " panunuya ko.

"Sige dito na ko. "

Hinatid ko siya ng tingin paalis sa office ko. Papasok na sana ako nang maaninagan ko si Miss Zandra, ang may-ari ng kompanyang ito na inilipat niya na sakin. Matanda na kasi siya at hindi niya na kaya ang trabaho. Kasama niya palagi ang personal nurse niya.

"Good afternoon, Miss. "

Nakipag-beso ako sa kanya. Iginiya ko siya papasok sa loob. Magkatapat kami ngayon sa sofa.

"Balita kong may client na gustong makipag-negosasyon sayo. " panimula niya.

"Yes, miss. Inaasikaso ko na ng tungkol don. Don't worry. " magalang kong sabi.

Katulad ni Troy ay naagaw din ng atensyon niya ang mga paperwork ko. Kahit sino nga naman ay mapapatingin dyan dahil sa dami.

"Hija, magpahinga ka rin minsan. Ipaubaya mo sa sekretarya mo ang ibang gawain. " nag-aalala niyang sabi.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon