Feya Reigh's POV
10 months later...
"Arghh! Bakit ba ayaw niyang tumigil sa pag-iyak? Lahat na ginawa ko! " reklamo ni Imma.
Pinagmamasdan ko lamang siya habang pinapatahan si Bethany. Pinipigilan kong matawa dahil sa itsura niya. Malapit ng maubos ang inipon niyang pasensya para kay Bethany.
Nakaharap ako ngayon sa kuna ng dalawa pa. Mahimbing silang natutulog na hindi alintana ang iyak ng only girl nilang kakambal.
Yes, two boys and one girl ang isinilang ko. Sina Britt Charles, Barrett Clark and Bethany Clint. Nagkaroon pa kami ng pagtatalo sa pangalan ng triplets. I suggested the first 3 B's and he said na puro nag-uumpisa sa letter C daw ang gusto niya. That's why we merged it. May mga ibig sabihin ang kanilang pangalan na sumakto rin sa pinapakita nilang katangian.
Nakigulo rin si Kirro at ang mga tropa niya sa pagbibigay ng pangalan sa triplets. Hanggang sa napagkasunduan nilang itawag sa tatlo ay Uno, Dos, Tres na ipinagbunyi ng husto ni Kirro na siyang nakaisip na itawag. Wala kaming nagawa ni Imma dahil hindi mapigilan ang bibig nila.
Hinayaan namin silang tawagin na Uno , Dos, Tres ang tatlo. Si Uno ay si Barrett na siyang unang lumabas, si Dos ay si Britt na pangalawang lumabas at ang panghuli ay si Tres na siyang huling lumabas at nag-iisang babae.
Mga mukha silang anghel. Hindi ko pa matukoy kung sino ang kamukha ng tatlo saming dalawa ni Imma. Pero sabi nila nakuha nina Barrett and Britt ang kagwapuhang taglay ng kanilang Daddy. Namana naman sakin ang mata ni Bethany. Kasing puti ng gatas ang kanilang balat. Napakaganda nilang pagmasdan lalo na't kung sama-sama.
Isang buwan na rin mula nung maisilang ko sila. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nananaginip. Sobrang saya na magkaroon ng anak. Tama nga sila. Nakakapawi ng pagod at problema ang mga baby. Naniniwala ako don sapagkat nang dahil sa kanila ay may rason na ang buhay ko. May kwenta na ang buhay namin ni Imma. Napakalaking blessing na ibinigay ng Diyos.
"Mahal, hindi siya tatahimik kung puro ganyan lang ang ginagawa mo. Kailangan mo siyang buhatin. " paliwanag ko.
Tumayo ako at lumapit sa kanila. Hinihiwalay ko kasi ng kuna si Bethany dahil madalas siyang daganan ng dalawa na dahilan ng pag-iyak niya. Baby palang sila pero alam na nilang ibully ang kapatid nilang babae. Hmp!
"Mahal, hindi ko talaga minsan maintindihan ang mga babae. Kayo lang talaga ang nagkakaintindihan. " nagkakamot-ulo niyang sabi.
Pigil ang bungisngis ko habang pinapatulog si Bethany. It's already 12 in the afternoon at kailangan nilang matulog ng tama. Buti si Britt at Barrett ay tulog na.
"Hindi ba sinabi ko sayo, once na umiyak ang baby ay baka puno na ang diaper o kaya gutom. O kaya naman may nararamdaman sila. Isa-isa mo yong titignan hanggang sa malaman mo ang dahilan ng pag-iyak nila. " kalmadong paliwanag ko.
Huminga siya ng malalim. Pinanood niya lang akong isayaw ang anak naming babae. Sa simpleng pagsayaw lang din sa sanggol ay nakakatulog na sila.
"Mommy ka na nga talaga. Pero ako, wala pa ring alam dyan. Alam mo bang nanonood pa ako sa YouTube kung paano mag-alaga ng babies. Hindi ko lang talaga ma-apply ng maayos. " nakanguso niyang wika.
"Maniwala ka, hindi ka papahirapan ng mga anak mo kung alam mo ang gagawin mo. "
Nagpakawala siya ng maraming hangin. Napatitig ako sa kanya. Katulad ko ay namayat din siya. Pano ba naman. Salitan kami sa pagbabantay sa triplets lalo na kung gabi. Sa tansya ko ay tatlong oras lamang ang tulog namin palagi. Sinasamantala namin na kapag natutulog sila ay ganon din ang tulog namin. Napupuyat kami tuwing gabi sa pag-aalaga sa kanila. Nakakapagod at the same time ay masaya. Ito ang masasabi ng may buhay pamilya.
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...