"Saan lakad natin ngayon? " tanong ni Kylie nang matapos ang klase namin.
"Sorry guys. Pass muna ko, marami akong gagawin. " pagtanggi ko.
Batid kong nagkatinginan sila. Nag-aayos kasi ako ng gamit at hindi ko makita ang ginagawa nila.
"Masama ba pakiramdam mo ngayon? Kanina ka pa walang imik. " tanong nito.
"Ayos lang ako. Wala lang talaga ko sa mood. " matamlay kong wika.
Lumapit sakin si Dex at marahan akong inakbayan.
"What's wrong? Hindi ko man lang nakita ang ngiti mo ngayong araw na to. " malungkot niyang wika.
Mahaba akong napabuntong hininga.
"Wala lang talaga ako sa mood. Uuwi na ko. "
"Hatid na kita. " presinta niya.
Tumango na lang ako at nagpatiuna sa paglalakad. Marami akong nakasalubong na kakilala. Lahat sila ay kinawayan ako, tanging pilit na ngiti lang ang nagaganti ko sa kanila.
"Babe.. "
"Mm? "
"Magpahinga ka pagdating mo sa mansyon. Baka pagod ka lang. "
Tumango ako.
Habang naglalakad ay may lumapit saming pamilyar na babae.
"D-Dexter... "
Namumugto ang mga mata nito, halatang kulang sa tulog. May katabaan na ang katawan niya ngayon.
Sino ba talaga siya at panay sulpot sa harapan namin ni Dex?
"Excuse me miss, nagmamadali kami. " masungit na wika ni Dex.
Kumunot ang noo ko sa inasta nito. Kailan pa siya naging bastos kapag kaharap niya ako? Sa natatandaan ko ay mala-santo siya kapag nandito ako. Asan na?
"Dexter, p-please... " naiiyak na sabi nito.
Afgh! Pinagtitinginan na kami dito! Nakakahiya, gumagawa siya ng eksena.
"Bakit ka umiiyak? May ginawa ba sayo si Dex? Hindi naman kayo magkakilala di ba? " tanong ko.
Iginiya ko siya sa gilid para kausapin. Sumunod lang si Dex na sapul ang kanyang noo at hindi mapakali.
"Paula! Lets go home. "
Isang humahangos na babae ang lumapit samin at kaagad na nilayo samin yung Paula' ng sinasabi niya.
"Kakausapin ko pa sila e. " bulong ni Paula dito.
Tinitigan kami ng babae ng masama. Tumalikod siya ng makuntento siya sa pag usisa samin.
"Hayss.. nasisiraan na ko ng ulo. " problemadong wika ni Dex.
"Sa tingin ko isa siya sa mga naka-fling mo. " walang emosyon kong sabi.
Nagulat ang reaksyon niya pero agad ding nakabawi.
"H-hindi ah! Nagbago na ko. " kumakamot niyang sabi.
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na sa paglakad.
"Text mo na lang ako pag may kailangan ka ahh. " bilin nito nang makarating kami sa tapat ng mansion.
"Sure. Ingat sa byahe. " paalam ko sa kanya.
Hinalikan niya muna ako sa noo bago tuluyang umalis.
Pagpasok palang ng mansion ay mas lalong nag iba ang pakiramdam ko. Bumibigat ang dibdib ko kada hahakbang ako papasok.
'Hey alien, can you please get your ass out of here. '
![](https://img.wattpad.com/cover/156272065-288-k785656.jpg)
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...