Feya Reigh's POV
Tatlong araw na simula nang magtapat ako kay Imma. Simula din noon ay nilalayuan niya na ako. Para akong may nakakahawang sakit na kapag nakikita niya ay kaagad siyang lumilihis ng daan.
Ibang-ibang na ang turing niya sakin ngayon. Mas lumala dahil hindi niya ako pinapansin. Parang hangin lang ako sa paningin. Kahit dapuan niya man ng tingin ay kaagad ding iiwas at aalis. Halatang-halata na iniiwasan ako.
Mabuti na lang talaga at may mga kasama na ako dito. Miski sila ay napapansin din na nilalayuan ako ni Imma. Halatado nila pero ni isa sa kanila ay walang nagtanong sakin kung bakit.
Tila sanay na sila sa ganitong set-up namin ni Imma. Ganito rin naman kasi kami dati... pero iba ang ngayon. Mas malayo ito kumpara sa dati. Ngayon pang wala siyang naaalala.
Aminado akong kasalanan ko rin kung bakit niya ko iniiwasan. Hindi ko na kasi napigilan pa.
Alam mo yung feeling na kating-kati ka nang sabihin. Ganun yung na-feel ko that time. Pero bago muna nangyari yon ay nangako na ko sa sarili ko na dapat na kong maging makulit kapag kasama siya. Aalisin ko yung hiya ko kapag kausap siya.
Kaya wag na kayong magtaka kung bakit naging ganon kakulit nung mga araw na yon. Naisip ko kasi na kapag ginawa ko yung bagay ay babalik na kami sa dati.
Yung dati na okay lang sa kanya na barahin at prangkahin ko siya. Akala ko talaga ay tatalab. Nagkamali ako at ngayon ay pinagsisisihan ko yon.
Nag-uumpisa na kong mainis sa sarili ko. Nagulo ko pa ang isip niya. Ang masaklap ay baka makarating kay Madam Villa ang tungkol sa pagsabi ko ng nakaraan kay Imma.
Alam kong pinaka-iingatan nila yon. Pero yung tungkol lang naman sa aming dalawa ang sinabi ko. Wala na akong iba pang nabanggit sa kanya. Kung magtanong man siya, sila na ang bahalang magpaliwanag sa kanya.
Willing din naman akong magpaliwanag kung hahayaan niya ako. Pero mukhang malabo dahil wala lang ako sa kanya ngayon.
"Feya! " tawag sakin ni Abby.
Nandito kami ngayon sa kwarto at nagpapahinga. Kakatapos lang naming maglinis ng sala ngayong tanghali. Oras ng pahinga ngayon ng lahat ng kasambahay kaya wala kang makikita na pakalat-kalat sa buong mansion, pwera na lang kung inutusan talaga ng mga Ejercito.
"Feyaaaa! " muli niyang tawag sakin.
Naiinis na kong humarap sa kanya at ibinaba ang cellphone kong hawak.
"Bakit ba? Ang ingay mo, nakakairita. " banas kong sabi.
"Grabe ka naman! May sasabihin ako sayo! " malawak ang ngiti niya.
Nako mukhang alam ko na to. Siguro ay sinagot niya na yung kanong nanliligaw kuno sa kanya. Di ko nga alam kung niligawan ba talaga siya nun e. Ang alam ko kasi ay wala namang ligawan sa ibang bansa. Date-date lang tapos kayo na agad.
Tch! Ni hindi ko pa nga nakikita sa personal yung kanong yon. Pano ko makikilatis di ba?
"Sabihin mo na Abby, bago ako makatulog. " tamad kong sabi.
"Kami na ni George! As in officially na kami! " kinikilig niyang sabi.
Napangiwi ako sa naging itsura niya. Halatang baliw na baliw sa lalaking yon. Ano na naman kayang gayuma ang binigay niya don at kinahumalingan din siya?
"Magbi-break din kayo soon. "
"Sus! Bitter mo! Kaya ka walang nagiging love life e! " singhal niya.
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...