Awake
"I-ikaw ba ang sundo ko?" nahihirapan niyang saad. Lumulutang siya sa ere dahil buhat-buhat siya ng isang lalaki na ubod ng gwapo.
Ngumisi ito na tumunghay sa kanya. "Hindi,magandang binibini..nandito ako para bigyan ka ng pangalawa pagkakataon na mabuhay," saad nito. Kahit boses nito ay napakagwapo.
Nagagawa pa niya humanga sa lalaki sundo niya habang nag-aagaw buhay na siya.
"H-hindi..m-mamatay na ko," usal niya.
Lumamlam ang magaganda mata ng lalaki. Tila babae ang pilikmata nito dahil mahaba at makakapal iyun.
"Hindi mo pa oras,magandang binibini,hindi ka mamatay sa bisig ko," tugon nito bago siya tuluyan kainin ng dilim.
Malakas na pagsinghap ang umalpas sa mga labi ni Rhoda kasabay na pagmulat ng kanyang mga mata.
Agad na sumilay sa kanya ang kulay puting kisame. Maliwanag ang paligid. Bahagya pa niya naipikit ang mga mata niya dahil tila ba nasilaw siya sa liwanag na parang kay tagal niyang hindi nakakita niyun.
Nang maiadjust na niya ang vision niya unti-unti siya nagmulat ng mga mata at muling nasilayan ang kinaroroonan niya.
Nasa langit na ata siya. Masaya siya dahil doon siya napunta hindi sa mainit na lugar kung saan napupunta ang makasalanan na tulad niya. Yeah,isang malaking kasalanan sa Diyos ang kitilin ang sarili buhay. O inaasahan niya na doon nga siya sa mainit na lugar mapupunta.
Bumangon siya,gusto niya makita ang totoong langit pero agad din siyang napahiga ng tangkain niya bumangon dahil bigla siya nahilo. Mariin niya ipinikit ang mga mata.
Bakit siya nakakaramdam ng pagkahilo? Hindi ba kaluluwa na siya?
Muli siya nagmulat at sa pagkakataon iyun sa nakabukas na sliding door natuon ang mga mata niya. May kwarto pala sa langit,eh?
Dahan-dahan siya bumangon sa hinihigaan niya ng makabawi siya ng mawala ang pagkahilo niya. Humugot siya ng malalim na hininga at pilit na tumayo bahagya pa siya nanginginig. Nanghihina siya? Bakit ba siya nakakaramdam pa? Di ba nga kaluluwa na lang siya?
Nanatili na lang muna siya nakaupo sa gilid ng kama. Naguguluhan siya. Napakurap-kurap siya ng maramdaman na tumitibok ang puso niya. Umawang ang mga labi niya. Sinapo niya ang sariling dibdib kung saan mabilis na tumitibok ang puso niya.
No..no..
Bigla nagreplay ang sinabi ng gwapong lalaki sa kanya bago siya tuluyan namatay.
"Hindi mo pa oras,magandang binibini,hindi ka mamatay sa bisig ko,"