CHOOSE
Para siyang mababaliw habang tinatanaw niya ang unting-unti pag-alis ng taxi na inokupa ni Rhoda. Gustuhin man niya pigilan ito ayaw naman niyang maging komplikado ang lahat. Nakapagdesisyon na ito at habang siya naguguluhan pa!
Oh,Constell..alam mo kung ano ang gusto mo. Ano ba ang kinatatakot mo?!
"Wala akong kinatatakot.." mariin niyang bulalas . Unti-unti na din nababalot ng takot at kahungkagan ang puso niya habang natatanaw ang paglayo ng taong nagpatibok sa puso niya.
Mariin niya ikinuyom ang mga palad. Aaminin niya sa sarili na nahihirapan talaga siya mamili. Nag-iwan siya ng pangako sa Starry Temple sa lahat na babalik siya pero..pero mas malaki ang kagustuhan niyang manatili rito..kasama ang kasintahan..at ng magiging anak nila.
Naduduwag ba siya? Pinasok niya ito. Nagpasakop siya sa kahinaan iyun qt ngayon hindi niya mapanindigan?!
Tila kasingkulay at kasingningning ng mga bituin sa kalawakan na bumaha sa alaala niya ang mga masasayang araw na kasama niya ang dalaga. Ang mga araw na kasama niya ito na nagpangiti sa kanya at nagbigay pa lalo ng kulay sa buhay niya. Lahat na iyun ay sunod-sunod na dumaloy sa alaala niya.
Hindi lamang iyun tila nag fast forward ang lahat kasama ang kasintahan at ng kanilang anak na magkakasama sila ng masaya. Tila ba iyun ang mundo niya na kapiling ang mga ito.
Oo..ang mga ito na ang magiging bagong mundo niya. Ang magiging bagong tahanan niya.
Saka lamang siya natauhan ng makitang wala na sa paningin niya ang ilaw ng taxi sa gitna ng madilim pang paligid.
Mabilis na lumabas siya ng kwarto at walang pag-aanlinlangan na hinabol niya ang sinakyan ng kasintahan.
Nakapili na siya!
Ito ang pag-ibig na pinili ng mga tulad niya. Kung pipiliin niya bumalik sa totoo niyang mundo sigurado siya na wala ng ningning ang buhay niya.
Mabilis naman naabutan niya ang taxi at dahil may kakaiba siyang kakayahan bigla na lamang siya sumulpot sa harapan ng sasakyan na agad naman nakapagpreno ang nagulantang na driver na iyun.
Papasikat na ang araw sa likuran bahagi niya at mas lalo lumiwanag ang paligid ng lumabas ang dalaga na may luha sa mga mata.
"C-Constell.."lumuluhang nitong sambit sa pangalan niya.
Mabilis na lumapit siya rito at kinulong ang luhaan nitong mukha sa pagitan ng mga palad niya at mataman na pinakatitigan ito.
"Pakiusap,huwag mo akong iwan..hindi ko kaya mawala ka sakin,Rhoda.." saad niya at wala na siyang pakielam kung gaya nito ay aagos din ang mga luha niya.
Lalong napaiyak ang dalaga. Bakas sa luhaan nitong mga mata ang hindi pagkapaniwala sa sinabi niyang iyun.
"I-ikaw..ikaw ang pipiliin ko. Hindi kita iiwan..hindi ako aalis,ayoko..hindi ko kayang umalis at iwan ka..kayo,"saad niya sa hirap na pananalita dahil sa pagpipilit na huwag mapaiyak. Kapag hinayaan niyang umiyak siya baka hindi na niya masabi ang dapat niyang sabihin na paniniwalaan nito.
"C-constell.."paghagulhol na nito.
Mahigpit na niyakap niya ang kasintahan na malakas na umiiyak sa balikat niya.
" S-sabi ko..s-sayo huwag mo akong pipigilan eh,"saad nito sa gitna ng pag-iyak nito na kinangiti niya habang masuyo na hinahaplos ang buhok nito.
"Pinigilan kita..dahil hindi ko kaya mawala ka sakin,"madamdamin niyang saad habang patuloy siya sa paghaplos sa buhok nito. Pinatakan ng halik ang gilid ng nuo nito.
Luhaan pa rin ito na dumistansya sa kanya. "P-paano na sa inyo? Ang tungkulin mong pagiging bituin?"naluluha pa rin nitong turan.
Masuyo niya itong nginitian. "Mauunawaan nila.."saad niya.
"T-talaga bang..ako..kami pinipili mo?"lumuluha pa rin nitong saad. Mababanaag pa rin sa luhaan nitong mukha ang pangamba at pag-asam.
Agad siya tumango. "Totoo..mahal na mahal kita..kayo ng magiging anak natin," aniya sabay ng pagtama ng sikat ng araw ang pagsakop niya sa nakaawang na mga labi ng dalaga na agad naman tumugon sa kanya ng puno ng pagmamahal.
Alam niya na tama ang pinili niya. Na alam niya na sa simula pa lang ng maramdaman na niya na minamahal na niya ito ay ito ang pipiliin niya.
Na magiging masaya siya sa piling ng kanyang bubuoin pamilya.
Ang kanyang bagong mundo at tahanan.
