Chapter 17

2.8K 113 1
                                    

GOOD MORNING KISS

Hindi na niyang maitatanggi pa na talagang in love siya sa Alien na yun.

Constell,Rhoda!

Natawa siya sa pagtatama ng isip niya sa kung anong dapat na itawag niya rito. Constell. Her star.

Kahit hindi nito sinabi na wala iyun katugon alam niyang gusto nito ipagpatuloy lamang niya ang damdamin niya para rito. Nadismaya siya,oo pero sa bandang huli nauunawaan niya. Hindi niya ito kauri kaya siguradong bago lamang para rito ang ganun emosyon.

Napangiti siya at nasa ganun anyo siya ng madatnan siya ng lalaking nagpapangiti sa kanya.

"Ahm,Good morning," biglang nailang niyang saad.

Hay naku,Rhoda..nahiya ka pa! Nakapag-i love you ka na nga sa kanya tapos nag kiss pa kayo!

Biglang nag-init ang mukha niya ng maalala ang halikan nila ni Constell pagkaraan niyang magconfess rito.

"Anong iniisip mo? Namumula ka?"pukaw nito sa kanya na lalong nagpailang sa kanya rito.

" Uh,wala naman.."pag-iwas niya ng mukha rito.

"Hmm..ako naiisip ko yung halikan natin kagabi," biglaan nitong sabi na kinasinghap niya sabay tingin rito.

Nakangisi ito sa kanya. He tease her!

Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"G-ganun..?" nautal niyang saad. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Lumapit ito sa kanya na may ngisi pa rin sa mga labi. Hindi siya nakagalaw at natanto na lang niya hapit na siya nito padikit sa katawan nito. Umuklo ito at bumaba ang bibig nito sa tapat ng tainga niya.

Nagtaasan ang balahibo niya ng tumama ang mainit nitong hininga sa balat niya. Mariin niyang naipikit ang mga mata.

"Where's my good morning kiss,my sweet Rhoda?"nanunudyo nitong turan pero seryoso sa sinabi nito.

Napamulat siya at napahigit ng hininga. Pinagtapat nito ang kanilang mga mata. Madilim at mataman na nakatitig sa kanya ang mga mata nito.

Sinapo nito ang kabilang pisngi niya at masuyong humahaplos ang hinlalaki nito sa pang-ibabang labi niya. Awtomatikong napaawang ang mga labi niya at lalong nagdilim ang mga mata nito na ngayon ay titig na titig roon.

"Pwede ko bang makuha ang good morning kiss ko?" paanas nitong saad na hindi inaalis ang mga mata nito sa mga labi niya.

Napalunok siya at saka..biglang uminit ang paligid? O siya ang nag-iinit?

"My sweet Rhoda.." pukaw nito sa kanya.

Sinalubong niya ang mga mata nito. Mabagal siyang tumango at agad naman sinunggaban nito ang mga labi.

Agad na may umalpas na ungol sa bibig niya ng siilin siya nitong ng halik na sabik na sabik sa pag-angkin sa mga labi niya.

Napakapit siya sa batok ng binata dahil lumalalim na ang pinagsasaluhan nilang halik at talaga naman nakakapanghina ng tuhod ang halikan nila.

Hindi niya alam kung gaano katagal sila naghalikan naputol lang yun ng kapwa na sila hindi makahinga.

"Hindi ako magsasawang na tikman ang matamis mong mga labi,my sweet Rhoda," anas nito sa tapat ng mga labi niya.

Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya. Lalong nag-init ang pakiramdam niya.

Cold water, please!

"I'm sure may nahalikan ka ng babae?"panghuhuli niya rito.

Aba,aba! Nagseselos ang Rhoda!

Natawa ito ng mahina.

"Maniwala ka man sa hindi. Ikaw ang unang halik ko,my sweet Rhoda..ngayon ko lang natikman ang sinasabi nilang matamis na halik at..sayo ko lamang iyun natikman," matapat nitong sagot na kinangiti niya.

"Okay..naniniwala naman ako sayo," aniya na pinipilit na ikubli ang kilig na nararamdaman.

Natatawang muling inangkin nito ang mga labi niya.

She got bored. Wala siya magawa. Nasa labas naman ng bahay si Constell sabi nito maglilibot lang ito pero sana pala sumama na lang siya para naman malibang siya.

Bakit hindi ka sumunod sa kanya?

Agad na pinatay niya ang laptop at ipinatong sa kama niya. Mabilis na lumabas siya ng silid niya at hinanap si Constell. Hindi siya sure kung saan eksakto ito naroroon pero pagkalabas pa lang niya natanaw niya ito sa may talahiban. Sa likod ng bahay.

Nakaupo ito sa isang kawayan na nakalatag sa lupa.

Nahihiya siya lumapit pero gusto niya malibang.

Napalingon sa kanya ang binata. Kumaway ito at sumenyas na lumapit siya rito.

Pabebe ka pa,go na. Punta ka na sa forever mo!

Kagat-labi at malakas ang kabog ng dibdib niya na mabagal na tinahak niya ang talahiban papunta sa kinauupuan ni Constell.

Nahihiyang ngiti ang pinukol niya paghinto niya sa harapan nito.

"Upo ka dito,"anito sabay tapik sa kawayan na upuan.

Agad naman siya tumalima at umupo sa tabi nito. Nanatiling ubod ng bilis ang tibok ng puso niya.

"Kanina pa nga kita hinihintay eh,"untag nito sa kanya na kinalingon niya rito.

"Ha?"

Nginisihan siya nito. Nakatukod ang palad nito sa gilid ng mukha nito habang nakatitig sa kanya.

"Sabi ko kanina ko pa hinihintay na sumunod ka sakin,"pag-uulit nito.

"Bakit naman?"kalmante niyang tugon pero hindi deretso ang tingin niya rito.

"Bakit? Kasi mas maganda na magkasama tayo rito,"tugon nito.

Tumikwas ang isang kilay niya na sinalubong na niya ang mga mata nito na nangingislap sa pagkamangha.

Hindi niya alam kung para saan iyun.

Nanunudyo.

Mahusay talaga ang Alien nito.

"Bakit hindi mo ko inaya kanina? Paano kung hindi ako sumunod,e di namuti na ang mga mata mo kakahintay sakin?"sita niya rito na kinatawa nito.

"Kasi alam ko na susunod ka..hindi mo kaya kayang mawala ako sa paningin mo,"nanunudyo nitong tugon na kinalaki ng mga mata niya.

Huli ka,Rhoda.

"Binabasa mo ang isip ko?"akusa niya rito.

Ito naman ang nanlaki ang mga mata at pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"I swear,no..tinigila ko na yan. Hindi ko na binabasa ang nasa isip mo,"sagot nito sa kanya.

"Sure ka?"paniniyak niya rito.

Umiling ito. "Sure,isang daan porsyento!"anito.

Tumango-tango na siya kahiy hindi siya masyado kumbisido sa sagot nito.

"Maniwala ka! Hindi na talaga,"giit nito.

"Oo na..naniniwala na ako sayo."aniya.

Napasinghap siya ng abutin nito ang kamay niya na nakatukod sa gilid ng hita niya.

"Thank you.."sinsero nitong sabi.

Nginitian na niya ito ng ubod ng tamis saka ibinaling niya ang mga mata sa unahan.

Umihip ang panghapon-hangin at sabay-sabay na nagsisayawan ang mga talahib.

Ramdam na ramdam niya ang kapayapaan ng paligi at kakuntentuhan habang hawak pa rin ng binata ang kanyang kamay.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon