Chapter 7

3.2K 131 1
                                    

Hater

Mariin na ikinuyom ni Rhoda ang mga palad habang pinagmamasdan ang kasweetan ng dalawang tao na kinamumuhian niya. Devine and Jason. Kasulukuyan ang mga ito nasa taping para sa isang commercial. Mas naging popular ang mga ito dahil sa kanya. Mapait siyang napangiti. Nang dahil na naman sa kanya kung bakit ang mga ito masaya at matagumpay sa career pagkatapos niyang mawala.

"Kung nakakamatay lang ang tingin mo sa kanila malamang kanina pa nakabulagta ang dalawang iyun," pagsulpot ni Constell sa tabi niya.

Napasulyap siya rito at tumibok na naman ng ubod ng bilis ang puso niya ng magtama ang mga mata nila. Gaya niya nakasuot din ito ng sumbrero at jacket. Nasa di kalayuan kasi sila kung saan nakahalo siya sa fans club ng dalawa. Nagdisguise siya para hindi siya makilala ng kahit sino. Sumbrero at black leather jacket na mismong si Constell ang bumili para sa kanya.

May ilang kababaihan ang napapatingin sa kanila marahil dahil sa presensya ng binata. Kahit nakasumbrero ito naghuhumiyaw pa rin ang lakas ng dating nito. Lalo lang ito naging gwapo sa getup nito.

"Ahm,excuse me," bigla paglapit ng isang babae na sinundan pa ng dalawang babae.

Agad siya nagyuko ng ulo at bahagyang nagtago sa likuran ni Constell pagkabaling nito sa mga babae.

Inayos niya ang pagkakatakip ng sumbrero sa ulo niya.

"Ahm,pwede po papicture? Para po kasi kayong modelo baka nga po modelo kayo eh," anang ng naunang babae na lumapit sa kanila.

Kinikilig naman ang dalawa pang babae na sumunod rito.

"Ganun ba,hindi,pasensya na hindi ko kayo mapagbibigyan,may sinamahan lang ako rito," tugon ni Constell sa mga ito.

Napangiti siya. May pagkasuplado pala ang alien na 'to!

"Ay ganun po ba,sayang naman po,ang gwapo nyo po kasi eh!" nanghihinayang na saad ng naunang babae.

Hindi na tumugon ang binata sa mga ito bahagya sya napaigtad ng bigla nitong hawakan ang kamay niya.

"Halika na,ayokong makaagaw ng atensyon rito,"yakag nito sa kanya at hinayaan niya na hilahin siya nito paalis roon.

Sumulyap siyang muli sa kinaroroonan ng dalawa. Kasulukuyan na inaayusan na ang mga ito para simulan na muli ang taping.

Muli umusbong ang galit sa dibdib niya.

Isang pagpisil sa kamay niya ang pumukaw sa kanya. Napatingala siya rito. Nakahinto na pala sila sa paglalakad.

" Hindi maganda ang maghigante pero kung tuturuan mo sila ng leksyon dapat sa magandang paraan,"anito.

"Gusto mo bang makitili ako sa mga fans nila?" sarcastic niyang saad.

Tumawa ito. "Ikaw ang numero unong haters nila,bakit hindi mo simulan sa social media?" nakangisi nitong saad.

Naningkit ang mga mata niya. Kung gagawin niya yun dudumugin siya ng mga bashers pero who knows hindi naman siya kilala ng mga ito sakali gawin niya iyun.

"Ghost hater,"anito sabay kindat sa kanya.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan pagkatapos niyang i-tag sa Fan sites ng dalawa ang isang linya ng salita na paniguradong marami magrireak.

*AmIhater*
" May hangganan ang lahat. Masaya man kayo ngayon pero nasa akin pa rin ang huling halakhak"

"Hmm,linya ba yan sa sinusulat mo?"untag sa kanya ni Constell na nakatunghay pala sa laptop niya.

Bago sila bumalik sa bahay nito ay dumaan sila sa condo unit niya para kunin ang mga personal na gamit niya. Mabuti na lang alien ang kasama niya at nabuksan ang pintuan na hindi na kailangan ng susi.

Alien,isang gwapong Alien kahit hindi naman daw ito Alien. Isa daw itong bituin ng buhay.

Iyun ang unti-unti niyang tinatanggap ng sistema niya na may nag-iexist na katulad nito.

"Some words,yes," pagtango niya.

Tumango-tango ito. "Marami na ang nagkomento," untag nito at agad na tinuon niya ang atensyon sa comment box.

Napangiti siya. Marami na nga ang nagreak.

Aaminin niya na may kaba siya nararamdaman sa binabalak niyang paghihiganti. Hindi siya ang tipo na tao na naghihinganti sa kapwa niya. Wala nga siya hiningi na kahit ano kapalit sa dalawa sa nagawa niya sa mga ito. Ito pa kayang paghihinganti na binubuo niya sa isip?

Pero gusto niya maramdaman ng mga ito ang sakit na pinaramdam sa kanyang ng dalawang iyun.

Hindi siya mahina. Ang naging kahinaan lamang niya ay masyado siyang nagtiwala sa mga ito.

Iyun ang bagay na hindi pinahalagahan ng dalawang taong naging parte na ng buhay niya.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon