PREGNANT
Aminin man niya o hindi pero lagi siyang nasasabik sa tuwing aangkinin siya ni Constell. Maraming beses na may nangyari sa kanila at hindi niya pinagsisihan na ibigay rito ang kanyang sarili kahit na walang kasiguruduhan ang relasyon nila ng binata lalo pa't alam niyang lilisanin na nito ang mundo niya. Na babalik ito sa mundo na pinagmulan nito. Ang totoo nitong tahanan.
Sa tuwing sumasagi sa isip niya ang nalalapit na pag-alis nito agad siyang nakakaramdam ng lungkot,pangungulila at kahugkagan. Pakiramdam niya sa oras na tuluyan na itong mawala hindi na magiging kumpleto pa ang buhay niya.
Ngunit kailangan niya pa rin harapin ang realidad na walang permanente sa mundong ito pero sa isip at sa puso niya mamanatiling nakaukit roon ang pangalan ni Constell Uno.
Pagkamulat ni Rhoda ng umagang iyun agad siyang nakaramdam ng pagkahilo. Wala na sa tabi niya si Constell marahil nasa labas ito at nagja-jogging gaya ng nakasanayan nitong gawing araw-araw at hindi naman siya makasama dahil hindi niya talaga kayang gumising ng maaga..lalo pa nga't mag-uumaga na din na tigilan siya ni Constell.
May kung anong pait na papaakyat sa lalamunan niya kaya nagmamadaling tinungo niya ang banyo. Agad na dumukwang siya sa lababo at inilabas ang nasa loob ng tyan niya. Sapo ang ulo ng tumigil na siya sa pagsusuka. Napatitig siya sa salamin. Nahihilo pa rin siya at nanlalamig ang buo niyang katawan.
May sakit ba siya? Pero hindi naman siya nilalagnat o ano?
Matagal siyang nakipagtitigan sa harapan ng salamin at biglang pumasok sa isip niya ang isang katanungan na pilit niyang winawaksi.
Buntis ka,Rhoda?!
Napaawang ang mga labi niya. Agad na kinalkula niya kung kailan siya huli dinatnan at saka lamang niya natanto isang buwan na siyang delay at isang buwan na madalas na may mangyari sa kanila ni Constell..ng walang proteksyon.
Mariin siyang napapikit ng mga mata ng muli siya atakehin ng hilo ng mawala agad siyang naligo upang mahimasmasan ang sarili.
Gusto pa rin niyang makasiguro. Kailangan niyang magpa-check up.
Paano kung buntis talaga siya? Sasabihin ba niya kay Constell?
Agad na nangamba siya sa huling tanong na iyun.
Sa tingin mo,Rhoda..kapag ba sinabi mong buntis ka na siya ang ama..aalis pa kaya siya?
Na pipiliin ka niya at tatalikuran niya ang tungkulin nito bilang isang bituin sa mundo nila?
Mariin siyang napailing. Hindi niya alam!
"Morning,"bigla pagyakap nito sa kanya mula sa likuran niya.
Pumihit siya paharap rito pero nanatiling nakapulupot pa rin sa kanya ang mga braso nito.
Pinilit niya na maging masaya. Matamis na nginitian niya ito.
" Ayos ka lang ba? Namumutla ka?"agad na puna nito.
Bigla siyang kinabahan!
"Anemic na siguro ako..ikaw kasi umaga na tayo natutulog!"pabiro niyang sabi sabay iwas ng mga mata rito.
Natawa naman ito sa sinabi niya. "Masisisi mo ba ko? Nakakaadik ka kasi," nakangisi nitong tugon.
Siya naman ang natawa sa kapilyuhan nito.
"Hmm,baka need ko ng Vitamins kaya..punta ako ng doktor para maresetahan ako ng dapat na inumin?" maingat niyang saad.
"Sige..sasamahan kita," agad nitong sagot.
"Ahm,kung ako na lang kaya?"kinabahan siya bigla.
Pero baka naman nagkakamali ka lang,Rhoda!
Napatiim ng tingin sa kanya ang binata na kinailap ng mga mata niya.
"Baka kasi..hindi mo gusto sa ganun lugar..alam mo na lugar yun ng may mga sakit saka baka hindi mo magustuhan dun kahit nga ako ayoko nagpupunta sa ganun kasi parang nakakasuffocate yung amoy,"paliwanag niya na sinasabayan niya ng pilit na tawa.
Lame excuse,Rhoda!
"Sasamahan kita," pinal nitong saad. Seryoso ang anyo.
Wala na siya nagawa kundi hayaan ito na samahan siya.
Bahala na.
"Congratulation,you are pregnant,isang buwan na ang dinadala mo,Ma'am.." nakangiting anunsyo ng babaeng doktora.
Agad na napabaling siya kay Constell.
Bakas sa gwapo nitong mukha ang gulat at hindi pagkapaniwala. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Dapat kasi pinilit niyang siya na lang ang nagpunta ng ospital!
May kung anong pangamba na lumukob sa kanya pero nanaig pa rin ang saya na magkakaanak na siya.
Hindi maikakaila na masaya siyang malaman na may iiwang magandang alaala sa kanya si Constell.
Mahirap. Pero para sa kanila iyun lamang ang mag-uugnay sa kanila ng binata.
Gusto ni Rhoda makaramdam ng inis dahil...kahit papaano umaasa siya na matutuwa ito.
Sila ang gumawa nito dinadala niya hindi ba dapat kahit papaano makaramdam ito ng saya?
Pero alam mong hindi dapat lalo pa nga hindi siya tagalupa!
Nakagat niya ang pang-ibaba labi at pasimpleng sinulyapan ang binata na tahimik lang nagmamaneho ng sinasakyan nilang kotse nito.
Lihim niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at binaling na lamang ang atensyon sa labas ng bintana.
Gaya ng mabilis na nadadaanan nila ay ganun din kabilis nagpapalit-palit ang emosyon sa dibdib niya at alalahanin sa kanyang isipan.
Ito ba ang magiging dahil upang maging komplikado ngayon sa pagitan nila ni Constell?