Chapter 15

2.9K 116 0
                                    

JEALOUS

Magkasama na namili sila sa malapit na groceries stores ni Constell. Overwhelming ang pakiramdam niya kasi ni minsan hindi niya naranasan sa ex niya na samahan siya nitong mamili. Sa tuwing inaaya niya ito magdadahilan ito na pagod at baka daw pagkaguluhan lamang sila. Initindi niya iyun pero ngayon alam na niya ang totoong dahilan.

Mahusay lang ito kumain ng niluluto niya. Bakit ba ngayon lang niya narealize ang mga kapintasan ng lalaking iyun!

Paano masyado kang nabulag sa pagmamahal mo sa kanya? Mahal! Masasabi ba niyang talaga na minahal niya ang gagong yun?

Mas nasaktan pa nga ang ego niya kaysa sa puso niya eh!

"Anong gagawin mo dyan?"untag sa kanya ng boses na iyun.

Napukaw siya sa tanong ni Constell at agad na nabitawan niya ang isang pack ng baby diaper. Agad na napahiya siya ng tumawa ang gwapong alien sa kanya.

"Biglang lumipad yang isip mo? Hindi ba dapat inienjoy mo ang pamimili? Sabi mo kanina ito ang unang beses na may kasama kang mamili?"sita nito sa kanya na may panunudyo sa boses nito.

Napabuntong-hininga siya. " Oo nga eh..pasensya na."napapahiya niyang tugon rito.

Lihim siyang natigilan ng kunin nito ang kamay niya at hindi bitawan hanggang sa umusad muli sila sa pamimili. Napangiti na lang siya.

Ganitong feelings ang hindi niya naramdaman kay Jason!

Oo,ngayon lang din niya natanto na sa tuwing hahawakan ng lalaking iyun ang kamay niya parang wala lang. Walang kakaibang init na gumagapang sa balat gaya ng nararamdaman niya ngayon habang hawak ni Constell ang kamay niya.

Nauna na sa cashier si Constell dahil may nakalimutan siyang bilhin ng makakuha agad na bumalik siya pero natigilan siya ng madatnan na may kausap na magandang babae si Constell.

Namumungay ang mga mata ng babae. Nanliit ang mga mata niya sa nakitang paghanga ng babae para kay Constell.

Ito naman Alien na 'to. Nakikipag-usap naman na tila matagal ng magkakilala!

Are you jealous,Rhoda?!

Oo! Nagseselos ako!

Biglang lumingon sa kanya si Constell. Lumapit siya rito na tila balewala lang sa kanya ang nakita niyang iyun.

Kailanman hindi siya nagselos ng ganito noon sila pa ni Jason!

"Sana pumayag ka,Constell..nangangailangan talaga kasi kami ng bagong modelo at matutuwa ako na makatrabaho ka if ever na makapagdesisyon ka," malambing na saad ng babae.

Napataas siya ng kilay. So,modelo pala pero talent scout din ang peg?

Inabala niya ang sarili sa pag-usisa sa pinamili nila. Nakapila pa rin kasi sila. Hinayaan lang niya ang mga ito kahit na gusto niyang umalis na sa harapan niya ang babae.

"Hmm,depende kung papayagan ako," anang ni Constell.

Nanatiling wala sa dalawa ang atensyon niya. Patingin-tingin sa kung saan-saan huwag lang makita na naiinis siya sa mga ito.

"Bakit? May agent na ba nakakuha sayo?"tila malungkot nitong saad.

Pinigilan niya ang sarili na mapaismid. Ngayon lang niya natanto na maarte pala magsalita ang babae.

Napaigtad siya ng bigla na lang siya akbayan ni Constell. Napaawang ang bibig niya ng sulyapan niya ito.

"Itong girlfriend ko kasi medyo strict sakin. Siya lang ang pwede magdesisyon para sakin," nakangiting saad ni Constell habang nakatitig sa kanya.

Hindi niya napigilan ang mapangiti. Bigla na lang nilipad ang selos niya sa ginawa nitong iyun.

Taas-noo na hinarap niya ang babaeng na nakamaang sa kanila.

"Oh well,sorry,dear..hindi ko siya papayagan,pasensya na. Medyo selosa kasi ako eh," aniya na lalong kinamaang ng babae.

Natawa si Constell sabay halik sa gilid ng noo niya.

Umusad na ang pila kaya naiwang nakamaang pa rin ang babae.

"I know you are truly jealous,my sweet Rhoda.."bulong nito sa kanya.

Sinimangutan niya ito. Natawa naman ito. "Gusto kong pagiging selosa mo," nakangisi nitong saad.

"Ewan ko sayo," aniya pero napangiti naman siya.

Deny ka pa,Rhoda.

Feeling teenager,ganun?

Hindi na napalis ang ngiti niya at tinataasan naman niya ng kilay ang binata kapag nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya habang nakangisi ito.

Alam niyang ang ngisihan iyun. Natutuwa ito sa nakikitang reaksyon niya.

Inirapan niya ito na kinatawa nito at hindi naman siya pumalag ng abutin nito ang kamay niya at hindi bitawan.

Napakapossessive.

Gusto mo naman,Rhoda.

Hindi ba iyan ang gustong-gusto mo gaya ng mga lalaking character mo sa mga sinusulat mo?

Ayan na nagkakatotoo na at ang Alien na yan ang tumutupad na isa lamang pantasya sayo!

Lihim siyang napabuga ng hangin.

Isang katangahan talaga na hindi niya nakita sa Jason na yun ang katangian na hinahanap niya!

Hindi kaya nagayuma lang siya nito para magamit siya?

Hiyang-hiya siya ngayon sa sarili niya kung bakit nagawa pa niyang mag-isip na sana mamatay na lang siya dahil sa sakit na dinulot ng walang kwentang lalaking iyun!

Yeah.

Kaya magpasalamat ka sa Alien na yan dahil ang dami niya pinamulat sayo!

Ngingisi-ngisi sa kanya si Constell habang isa-isa nito nilalagay sa back compartment ang mga pinamili nila siya naman tinataasan niya ito ng kilay bilang ganti.

"Bakit nakangisi dyan?"sita niya rito ng hindi na niya matiis ang inaakto nito.

"Wala naman..di ka ba kinilig kanina?"tugon nito.

Kinunot niya ang noo. "Bakit naman? Kunwari lang yun di ba para mataboy yun girl na yun?"tugon niya sabay halukipkip rito.

Tumawa ito ng mahina na tila duda ito sa sagot niya.

"Okay.."tatango-tango nitong turan at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng pinamili nila.

"Pero obvoius naman nag-eenjoy ka na kausap siya eh,"maya-maya saad niya.

Saktong sinara na nito ang back compartment ng sinabi niya iyun at pumihit ito paharap sa kanya.

"Hmm? Nagseselos?"nanunuri ang mga mata nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Hindi ah,selos ka dyan! Halika na nga baka matraffic na tayo sa daanan,rush hour na oh,"pag-iwas niya sa panunudyo nito.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng talikuran niya ang binata.

Naulinigan niya ang pagtawa nito.

Sinimangutan niya ito ng makasakay na ito sa likod ng manobela.

"Drive ka lang dyan. Idlip lang ako,"aniya sabay pikit ng mga mata niya.

Mahina pagtawa muli nito ang narinig niya mula rito.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon