Chapter 31

3K 114 2
                                    

STARRY TEMPLE

Nagpulong-pulong ang siyam na bituin ng matanggap ang mensahe mula kay Constell Uno.

Hindi inaasahan ng lahat ang naging desisyon ng kapwang bituin.

"Sabi niya hindi siya gagaya sa ibang bituin? Naman..iniwan na niya tayo," komento ng isang bituin.

Alam ng mga ito na si Constell ay isa may paninindigan na ang pag-ibig ay isang kahinaan at hindi ito magpapadaig roon ngunit natalo ito.

Natawa ang ilan maliban sa iba na tahimik lang.

"Isa lang ibig sabihin nito..malakas ang kapangyarihan ng pag-ibig mula sa lupa," anang ng isa.

Kung natibag ng pag-ibig na yun si Constell tunay nga na makapangyarihan ang salitang iyun.

Natahimik ang lahat hanggang sa may bumasag niyun.

"Kayo ba? Sa palagay niyo matutulad din tayo kay Constell?" untag ng naunang nagkomento.

Tila nagdududa na rin sila na baka magaya na rin sila kay Constell.

Wala nakaimik sa katanungan iyun. Lahat napaisip at may kanyang-kanya malalalim na iniisip hanggang sa dumating ang Haring Bituin at ang Reynang Bituin.

Agad na nagsiyukuran ang lahat sa pagbati sa mga ito.

"Nakapili na ang mahal natin si Constell.." umpisa ng Haring Bituin. Mababanaag ang kasiyahan sa makinang nitong anyo. Wala makikita na nadismaya ito sa ginawang pagtalikod ni Constell sa pagiging bituin nito.

"Siyam na lamang kayo ngayon," nakangiti din saad ng Reynang bituin. Gayundin ang makikita sa huli.

Wala nakakibo dahil hindi alam ng lahat kung paano magrereak sa pagpili ng kasamahan na manatili sa lupa.

Hindi nila inaasahan na magagawa iyun ng kapwa bituin nila.

"Nasa kamay niyo ang magiging desisyon niyo gaya ng ginawa ni Constell..masaya kami para sa kanya kahit na ang kapalit niyun ay ang tuluyan pagkawala ng lahat sa kanya bilang isang bituin..isa na lamang siya ngayon ordinaryong tao sa lupa," anang ng Haring bituin. Mahihimigan na nirerespeto nito ang pagpili ni Constell na manatili sa lupa kapiling ang babaeng nagpatibok ng puso nito.

Muli nanatiling tahimik ang lahat. Walang maibibigay na komento. Labis silang namamangha na ngayon.

"Nabawasan na ng isa ang isa sa mga paborito kong bituin," mahinang pagtawa ng Haring Bituin na sinabayan naman ng Reynang Bituin.

Gustong pagaanin ng mga ito ang tensyon na bumabalot sa mga ito. Tunay na hindi inaasahan ng mga ito ang pagtalikod ng isa sa mga kasamahan ng mga ito.

Nagkanya-kanya ng sulyapan ang lahat. Wala pa rin imik.

"Masaya rin po kami para kay Constell..sa amin sampu siya ay may matibay na paninindigan at..." binitin ng isa sa bituin ang sasabihin upang tantyahin kung sasang-ayon ba sa kanya ang lahat at wala naman umimik kaya nagpatuloy ito sa nais nitong sabihin."Natibag yun dahil sa pag-ibig,"pagtatapos nito sa sasabihin.

"Kung ano man ang magiging kapalaran ng bawat isa sa inyo ay susuportahan namin..gusto namin na maging masaya kayo sa pipiliin niyo.."saad ng Haring bituin. Puno ng sinseridad.

" Uhm,sana matagal pa ko bumaba sa lupa,"untag ng isa sa bituin na kinatingin ng lahat rito.

Natawa ang Hari at ang Reyna.

"Hindi natin masasabi kung matutulad ang isa sa inyo kay Constell.." anang ng Reyna. Sinusubok ang bawat isa.q

"Parang..nakakatakot nga ang salitang yun..yung Pag-ibig?" komento na ng isa.

Magiliw na natawa ang Hari at Reyna. "Katapangan at paninindigan..iyun ang pinatunayan ni Constell satin," saad ng Hari.

Nang magpaalam ang Hari at Reyna saka lamang nakahinga ang lahat. Hindi alam ng lahat kung bakit nakakaramdam sila ng tensyon.

"Kinakabahan na ba kayo?" untag ng isa sa lahat.

Napasimangot naman ang lahat.

"Baka ikaw..ikaw ang unang nagkomento ng ganun eh," supla ng isa sa tahimik lang at napakomento dahil sa sinabi iyun ng huli.

"Tss,katapangan at paninindigan. Iyun ang pinatunayan ni Constell!"giit nito at gusto nito isaksak sa kukute ng mga ito na dapat ng tanggapin ng lahat ang ginawa ng kapwa bituin nila.

"Ang sabihin niyo..naging mahina siya. Pinagpalit niya ang pinagmulan niya..tayo..ang starry temple para lang sa isang tao.."komento na ng isa na may pinaglalaban sa buhay. Mahihimigan ang malaking di pag-sang-ayon sa naging desisyon ng kasamahan.

" Wala akong komento dyan..basta ang alam natin hindi niya ipagpapalit ang pagiging bituin niya kung hindi siya masaya,"anang ng isa naman. Positibo nitong komento sa lahat.

Nagsitanguan ang lahat bandang huli.

"Sino na kaya satin ang susunod sa yapak niya?"anang ng isa at isa-isa tinitigan ang mga kapwa bituin nito.

Agad na nagsialisan ang lahat pagkatapos sabihin iyun ng isa. Maliban sa bituin na may pinaglalaban sa buhay.

"Hindi ko tatalikuran ang pinagmulan ko dahil sa kahinaan iyun," mariin nitong saad sabay talikod.

"Uh,sana nga," anang ng bituin na siyang naiwan roon. Sinundan ng tingin ang huling umalis.

Napangisi ito. Masaya siya para kay Constell.

May umusbong na kuryusidad at excitement sa kaloob-looban niya kung talaga bang makapangyarihan ang pag-ibig mula sa lupa.

Napangisi ito.

Kung mapapatunayan iyun hindi siya magdadalawang-isip na piliin ang tagalupa gaya ni Constell dahil alam niyang hindi nito tatalikuran ang tungkulin nito kung hindi ito masaya sa piling ng taga-lupang iyun.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon