MESSAGE
Maagang nagising si Constell at agad na napangiti ng masilayan ang maganda mukha ni Rhoda na mahimbing na natutulog sa tabi niya.
Tanging kumot lang ang takip ng kahubdan nito..at hindi siyang magsasawang angkinin ito ng paulit-ulit.
Maingat na hinalikan niya ito sa balikat at nagpasyang bumangon para magjogging na nakasanayan na niyang gawin.
May kadiliman pa sa labas hindi pa man siya nakakalayo sa pagjogging may liwanag na bigla na lamang sumulpot sa harapan niya.
Dinampot niya ang nagliliwanag na bagay na lumapag sa may damuhan.
Isang liham mula sa Starry Temple.
Patapos na ang iyong misyon..maghanda na sa iyong muling pagbabalik ng Starry Temple.
Napahigpit ang hawak niya sa dilaw na papel na naging normal na papel na lamang ngayon. Hindi siya kumilos. Agad na rumihistro sa kanya ang nalalapit na pagbabalik niya sa tunay niyang mundo.
Paano na si Rhoda? Malapit na niya itong iwan!
Inabot na siya ng liwanag ng pagsikat mg araw pero nanatili lang siya nakapako pa rin sa kinatatayuan niya.
Nang maramdaman ang paggising ng kasintahan doon na siyang nagpasyang bumalik na lamang ng bahay. Wala na siyang ganang gawin ang nakasanayan niya tuwing umaga. Nakakawala ng lakas ang katotohanan na malapit na siyang magbalik sa mundo na kung saan siya nabibilang.
Ang nakasanayan na iyun na alam niyang hahanap-hanapin niya sa pagbalik niya sa starry temple.
Parang bula na nawala ang alalahanin niya ng masilayan ang pinakamagandang babae na nakita niya sa buong buhay niya..ang walang hanggan na buhay niya.
"Morning.." malambing nitong saad sabay halik sa mga labi niya agad na hinapit niya ito payakap sa kanya.
He will miss her..ang init ng yakap nito at ng lahat-lahat rito. Napahigpit ang yakap niya rito.
"Hmm,parang hindi mo ko na-hahug sa higpit ng yakap mo ah?"puna nito sa pabirong sabi.
Hindi siya umimik. Ninamnam lamang niya ang init na nagmumula rito na bumabalot sa kanya. Ang init ng bisig nito na mamimiss niya at hahanap-hanapin niya.
"Bakit hindi ka ata amoy nagjogging?" puna nito na kinatawa na niya.
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib na kani-kanina lamang ay sobrang bigat.
"Naglakad lang ako," pagdadahilan na lang niya ng pakawalan niya ito mula sa pagkakayakap niya.
Nakangiti na tumango ito sa kanya. "Bukas sama ako magjogging,okay?"anito na sinasabayan ng pagtaas-baba ng mga kilay nito.
"Oo naman..sleeping beauty,"nakangisi niyang saad. Alam niyang imposible iyun. Hirap itong bumangon ng maaga at iyun ang isang bagay na nalaman niya tungkol sa dalaga na hindi niya kakalimutan.
Natatawang hinalikan niya ang nakanguso nitong mga labi dahil sa sinabi niyang iyun hanggang sa lumalim iyun at naging mapusok.
They made love again..and again and again.
Madilim na ng magising siya ng araw na iyun hindi niya namalayan na nakatulog pala siya pagkatapos ng mainit na pag-iisa muli ng katawan nila ng kasintahan. Agad na hinanap niya ang dalaga at nakita niya itong nakatayo sa may balkonahe.
Malayo ang tanaw nito at tila kay lalim ng iniisip nito.
Mabilis na sinuot niya ang kanyang pants na nasa paanan lang ng kama at nilapitan ang dalaga. Mula sa likuran nito malambing na niyakap niya ito.
"Malamig dito sa labas," anas niya sa may gilid ng ulo nito.
Napabuga ito ng hangin at pumihit paharap sa kanya.
Napatitig siya sa seryoso nitong mukha.
"May problema ba?" agad na tanong niya rito ng mapansin iyun sa anyo nito.
Mabilis na napadako ang mga mata niya sa kamay nito at natigilan ng makita ang pamilyar na papel.
Mariin siyang napapikit ng mga mata at pagkamulat agad na ikinulong niya sa pagitan ng mga palad niya ang mukha nito.
"Rhoda.."
Kumislap ang mga mata nito. Pinipigilan na huwag tuluyang umiyak ng mga oras na iyun at sumama ang pakiramdam niya sa nakikita niyang lungkot at takot sa mga mata nito.
"Rhoda.."paanas niyang muli pagsambit sa pangalan nito.
Doon na tuluyan tumulo ang pinipigilan nitong luha.
" Pakiusap..ayoko ng ganito,"nagsusumamo niyang saad at gusto niyang sabihin rito na ayaw niyang mahirapan sa pag-iisip habang papalapit ang paglisan niya sa mundong ito.
"M-malapit mo..na a-akong iwan.."garagal nitong saad.
Naninikip ang dibdib niya at nag-iinit na rin ang sulok ng mga mata niya pero pilit siyang nagpakatatag sa harapan nito.
"Ayokong..isipin natin ang pag-alis ko,Rhoda..nais kong isipin muna ngayon ang mga oras na kasama ka..na magkasama tayo. Pakiusap,huwag ka ng umiyak,nahihirapan ang kalooban ko makita kang ganito," nagsusumamo niyang saad.
Nagpahid ito ng luha kahit na pinunasan na niya iyun gamit ang mga daliri niya.
"P-pasensya na. Alam ko naman..alam ko naman mangyayari ito," anito sabay hugot ng malalim na hininga.
"Tama ka! Dapat ienjoy natin ang mga oras na makakasama natin ang isa't-isa," anito na pilit na nagpapakasaya.
Huminga siya ng malalim at pinagdikit ang kanilang mga nuo.
"Gusto kitang makasama habam-buhay," anas niya.
At isa lamang ang paraan para mangyari yun.
"Hindi ko kayang mabuhay ng walang hanggan kung hindi naman kita makakasama.."dugtong niya.
Nanatiling magkayakap sila ng kasintahan. Wala ng salita pa na namagitan kundi ang pakinggan na lamang nila ang sinasabi ng kanila mga puso.
Na iisa lang ang sinabi na sana...hindi sila magkalayo pa habambuhay.
Takot at pangamba ang nararamdaman ni Rhoda pero ano nga ba ang magagawa niya kung kinakailangan na bumalik ni Constell sa mundong pinagmulan nito.
Ang tanging magagawa na lamang siguro niya ay sulitin ang bawat segundo na kapiling pa niya ang binata.