HUG
Mula ng aminin niya sa sarili na gusto niya si Constell,ang Alien na yun ay nawala na sa isip niya ang dalawang taong nanakit sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba na gustuhin niya ang isang tulad nito gayun alam niyang magkaiba sila ng pinagmulan.
Yes,nagsink in na sa utak niya kung anong klaseng nilalang si Constell Uno. Ang nilalang na nagbigay sa kanya ng pangalawang buhay.
Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Nilingon niya ang pintuan. Hindi pa nakakabalik ang binata mula ng magpaalam ito sa kanya at ngayon nagugutom na siya dahil gusto niya sabay sila maghapunan. Sinabi naman niya sabay na sila magdinner na palagi naman nila ginagawa.
Sinulyapan niya ang suot na relo. Pasado alas y ocho na. Napabuga siya ng hangin. Nangalumbaba siya.
Sanay naman siya kumain mag-isa pero mula ng makilala niya si Constell nagbago ang lahat.
Nasanay na siyang kasalo ito lagi sa pagkain. Napabuga muli siya ng hangin ng kumulo na naman ang tiyan niya.
Umalis siya sa dining area baka kapag nanatili siya dun hindi na niya mapigilan ang sarili na kumain mag-isa.
Pabagsak siya umupo sa mahabang sofa.
"Nasaan na kaya yun?"usal niya sa kawalan.
Isinandal niya ang likod sa sofa at napapikit na lang ang mga mata niya hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Naalipungatan lang siya ng may tumapik sa pisngi niya. Agad na namulatan niya ang gwapong mukha ni Constell bago pa man lumiwanag ang mukha niya na makita ito agad na nalukot ang ilong niya ng maamoy ang alak rito.
Agad na namuo ang inis sa dibdib niya.
"Bakit dito ka natutulog?" kunot ang nuo nitong tanong sa kanya.
Padarag siyang tumayo. "Amoy alak ka," bulalas niya. Nakaismid na hinarap niya ito.
Wala na siyang pake kung mukha siyang asawa na galit sa kakahintay sa pag-uwi ng mister niya.
Marahas na bumuga ng hangin ang binata at umupo sa sofa.
"Yeah,kunti lang.."
"Bakit?" nakasimangot niyang tanong agad.
Napatitig ito sa kanya. "Naisipan ko lang," sagot nito.
Marahas siyang napahilamos sa mukha.
"Nakalimutan mong maghahapunan tayo ng sabay at hinintay kita hanggang sa makatulog na lang ako habang kumukulo ang sikmura ko," inis niyang saad.
Natigilan ang binata at bumadha ang guilt sa gwapo nitong mukha. Tumayo ito para lapitan siya pero umatras siya.
"Ayos lang ako..sino ba naman ako para sitahin ka at magalit sayo," mapait niyang saad na sinamahan niya ng pagtawa.
Napatiim ng bagang ang binata.
Humigit siya ng hangin. "Sige na,magpahinga ka na,kakain lang ako,"dismayado niyang turan.
Nagbabadya ng tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Sheyte naman oh! Bakit ganito ang pakiramdam ko?! Bakit parang mas masakit sakin ito kaysa sa ginawa sakin ng dalawang hudyo na yun?!
Hindi pa man siya nakakarating sa dining area ng bigla may yumakap sa kanya mula sa likuran niya.
Nanigas siya sa kinatatayuan at bigla huminto ang pagtibok ng puso niya.
" I'm sorry..."usal ng binata sa gilid ng ulo niya. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya. Inis na pinalis niya ang mga luha sa pisngi niya.
"I'm sorry," muli nitong saad.
Humugot siya ng hangin bago niya ito tinugon. Sa higpit ng yakap nito alam niyang nagsisisi ito.
"Ahm,okay na..pinapatawad na kita," mahina niyang usal.
"Hindi pa ko kumakain,"usal nito.
" Okay,sabay na tayo,"aniya.
Hindi siya agad nito pinakawalan mahigpit pa rin ang yakap nito sa kanya.
Nabura na ng parang bula ang inis at sama ng loob niya rito dahil sa higpit ng yakap nito sa kanya.
"Ah,Constell..let me go,iinitin ko yung pagkain," sita niya rito.
"Okay," tila napipilitan na pinakawalan siya nito.
Nangingiti naman na tinungo niya ang kinaroroonan ng hapunan nila.
Ano nga yun nangyari?
Niyakap siya ni Constell?
Umiiyak siya kasi nadismaya siya?
Pagkatapos ng kadramahan iyun at aarte-arte pa siya at heto kahit sobrang late na magdidinner pa rin sila ng sabay?
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya.
Nakuha sa hug si Rhoda na marupok!
Matapos ang late dinner nila. Hindi siya kaagad nakatulog sa silid niya.
Ramdam na ramdam pa rin niya ang yakap ni Constell sa kanya.
Nagtaklob siya ng kumot ng maalala ang eksena iyun.
Agad na inalis niya ang pagkakataklob ng kumot at sumandal siya sa headboard ng kama niya.
Tulog na kaya siya?
Bakit mo tinatanong,Rhoda?
Napasimangot siya.
"Wala lang..masamang bang isipin kung tulog na ba siya o hindi?"usal niya.
Agad na natakpan niya ang bibig ng maalala baka naririnig siya ng binata.
Alien pa naman ito at malakas ang pakiramdam.
Jeez.
Padarag na humiga siyang muli sa hinihigaan niya.
Matulog ka na,girl.
Mariin niya ipinikit ang mga mata. Pero sa pagpikit niya muli nakita niya sa likod ng isip niya ang eksena kanina.
Impit na napatili siya.
Kinabukasan,pinilit niyang bumangon ng maaga. Pero wala si Constell marahil maaga ito nagjogging.
Minsan nga makapagjogging din siya kasama ito.
Talaga ba?
Agad na tinungo niya ang kusina para maghanda ng almusal nila para pagkadating nito iyun nakahanda na ang pagkain nila.
Wow ah,feeling asawa lang ang peg.
Halos sikat na ang araw pero hindi pa nakakabalik si Constell.
Naiinip na siya kakahintay rito at baka lumamig na din ang niluto niya.
Muli niya sinulyapan ang wall clock na nakasabit sa may sala.
Alas siete y media na ah.
Nang hindi na siya makahintay lumabas na siya ng bahay at doon na lamang niya ito hihintayin.
Baka napalayo lang ito at pabalik na.
Ilang minuto rin siya naghintay sa labas. Hindi na nga siya mapakali. Panay na nga ang lingap niya na baka sa ibang dereksyon ito dumaan hanggang sa matanaw niya ang paparating na bulto nito.
Agad na kumabog ang dibdib niya ng tuluyan ng matanaw ang papalapit na si Constell.
Hindi niya maialis ang mga mata niya rito.
Bakit ba ang gwapo ng Alien na ito?!
Agad na binati siya nito pagkahinto nito sa harapan niya.
"Good morning!"