Chapter 28

3K 125 5
                                    

SILENCE

Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila ni Rhoda pagkagaling nila ng hospital.

Aaminin ni Constell na nabigla siya sa kaalaman iyun. Oo. Nawala sa kaisipan niya na posible niyang mabuntis ang kasintahan..pero..hindi naman siya nagsisisi na may nangyari sa kanila ng maraming beses.

Hindi lamang niya inaasahan na iyun ang mararamdaman niya.

Natatakot ka,bituin?

He loves her and she love him,too. Natural lang sa pagitan ng magkasintahan ang bagay na yun pero..paano?

Paano ang magiging anak nila kung..kung iiwan niya ang mga ito?

Isang malaking responsibilidad iyun sa kanila ni Rhoda. Isa iyung responsibilidad na hindi dapat tinatalikuran!

Ngunit malapit na siyang bumalik sa Starry Temple.

Naguguluhan na siya. Ano na nga ba ang dapat niyang gawin ngayon?

Tila ba naiipit siya ngayon sa pagitan ng dalawang nagkikiskisan bato.

Marahas siyang napabuga ng hangin at sinaid ang hawak na kopita na may laman na alak. Nagtungo siya sa isang maingay na lugar pagkabalik nila ng bahay nagpaalam siya rito pero wala ito naging tugon.

Naging tahimik si Rhoda at agad niyang naramdaman na ayaw muna nitong pag-usapan ang tungkol dun..pero bakit?

Marahil iniisip niya na baka hindi mo pa matanggap,Constell Uno!

Oo..dahil hindi manhid at tanga si Rhoda para hindi magets ang inaakto mo ngayon,bituin!

Muli siya nagsabi sa bartender na salinan muli ang baso niya ng alak.

Paano na,Constell?

"Isang bituin mula sa Starry Temple.."untag ng bartender na siyang nagsalin ng alak sa baso niya.

Napaangat siya ng paningin sa nagsalitang iyun na siyang nagsalin ng alak sa baso niya. Nangunot ang nuo niya sa sinabi nito.

Ngumisi ito sa kanya.

"Kamusta satin?"tanong nito habang eksperto nito sinasalinan ng alak ang baso niya.

"Isa ka din.." hindi na niya tinuloy ang nasa isip. Malamang isa ito sa mga bituin na piniling manatili sa mundong ito para sa pag-ibig?

Kalayaan?

"Oo..pinili ko rito dahiL dito ako masaya...kapiling ang kalahati ng buhay ko,"saad nito na halatang masaya nga ito sa pinili. Mahihimigan ang totoong nararamdaman nito na naging tama ang desisyon nito na talikuran ang pagiging bituin nito.

" Kapalit niyun ang pagkawala ng lahat sayo,"saad niya sabay simsim muli sa baso niya pagkatapos masalinan iyun ng alak.

Nagkibit ito ng balikat. "Atleast may kabuluhan ang maiksing buhay ko ngayon..hindi ko sinasabi na walang kabuluhan ang buhay natin ng walang hanggan..yun nga lang sa mundong ito dito mo mararanasan ang tunay na ibig sabihin na masaya,kalayaan...at pag-ibig," anito na may masayang ngiti sa mukha nito.

Sumimsim siya sa baso niya. May punto ito pero..

"Pinagdaanan ko yang kinakaharap mo ngayon..ang hirap mamili hindi ba?"sita nito sa kanya.

Napaangat siya muli rito ng paningin.

"Isipin mo ng ilang beses o milyon beses at timbangin kung sino ang dapat mong piliin,kung pipiliin mo rito..maniwala ka hindi mo pagsisihan dahiL ang kapalit naman niyun ay kaligayahan at walang hanggan na pag-ibig," payo nito na umukilkil sa isip niya hanggang sa makabalik siya sa bahay.

Mahimbing na natutulog si Rhoda sa kama nila at maingat na tumabi siya rito.

Tama..kailangan na niyang mamili bago pa man dumating ang araw ng pag-alis niya.

Nangibabaw ang katahimikan sa isip niya. Kailangan niyang pag-isipan ng maraming beses ang magiging desisyon niya.

Niyakap niya ang kasintahan.

Mahal na mahal niya si Rhoda..

Ang kanilang magiging anak.

Pero may takot siyang nararamdaman.

Natatakot siya na baka kapag bumalik na siya sa kanyang pinagmulan hindi na niya magawa pang makita ang mga ito.

Hindi magiging sapat sa kanya ang tanawin lamang ito mula sa itaas.

Paano siya magiging masaya?

Paano niya mararamdaman kung paano maging masaya kapiling ang dalawang tao na nagpapasaya sa kanya ngayon.

Ang siya ng nagbibigay ng liwanag at kislap sa kanyang buhay.

Nakikini-kinita na niya na mawawalan na ng kinang at kislap ang pagiging bituin niya sa oras na kailangan na niya iwan ang mga ito.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon