Chapter 4

3.5K 141 3
                                    

Kiss

Hindi maalis-alis ang mga mata niya sa magandang mukha ng dalaga na puno ng kaguluhan at katanungan.

Pinigilan niya ang matawa ng marinig ang pagkalam ng sikmura nito pero hindi naman kumibo ang babae. Marahil naguguluhan pa ito at wala pa sa sarili.

Pero natuwa rin siya ng mabasa ang nasa isip nito kanina.

Nagugwapuhan ito sa kanya. Ipinilig niya ang ulo. Hindi ito oras para..pagkatuwaan ang dalaga. Nagising na ito at dapat na niyang ipatindi rito ang pagkabuhay nitong muli.

Umalis siya sa pagkakasandal niya sa nakasarang pintuan at lumapit sa kinaroroonan ng dalaga. Agad na napadako ang tingin nito sa kanya.

Napupuno ng kalituhan at pagtataka ang masasalamin sa mga mata nito.

Nakaluhod na ang isang tuhod niya sa sahig. Hindi niya alam dahil kusang kumilos ang katawan niya palapit dito at haplusin ang maputla nitong pisngi. Hindi niya napigilan ang sarili na gawin iyun.

Aminado siya na nasasabik siya na magising na ito at makilala ang babaeng taga-lupa.

"P-paano nangyari...na..buhay pa ko?"shock nitong usal na pumukaw sa kanya mula sa pagkakatitig niya rito.

"H-hindi ko maunawaan.."dugtong nito.

"Ang importante buhay ka pa,Rhoda,"saad niya na kinatitig nito sa kanya.

" Bakit?"tanong nito na tila hindi na mahalaga rito na mabuhay ulit ito.

Tumiim ang mga mata niya rito. Hindi niya alam kung bakit tila gusto nitong mamatay na lang.

May kung anong hindi pamilyar na damdamin ang umuusbong sa dibdib niya habang tinitigan ang dismayado na nakaguhit sa maganda nitong mukha.

"Dahil hindi pa oras para mamatay ka,ganun kasimple," aniya sa matiim na tono.

"Pero..imposible mabuhay pa ko," usal nito sa sarili. Hindi magawa paniwalaan ang bagay na iyun.

He sighed.

"Patay na ko,sigurado ako dun," muli nitong usal.

"Paano kung buhay ka pa talaga?" pukaw niya rito.

Umiling ito. Hindi naniniwala na buhay pa talaga ito.

"I-imposible talaga," saad nito.

"Gusto mo mamatay na? Sayang marami pa naman nagmamahal sayo,"saad niya rito ng sa ganun ay matanto nito ang bagay na yun.

Umiling ito at nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.

"Hindi lahat ng nagmamahal sakin ay totoo," mahina nitong usal na may kaakibat na pait at poot.

Hmm,malalim ang pinaghugutan.

"Maraming gusto mabuhay pero ikaw,ganun na lang ang kagustuhan mong mamatay na lang," matiim niyang saad. Hindi niya nagugustuhan ang gusto talaga nitong mangyari.

She want to die!

"Alam kong patay na ko," wika nito na hindi sinagot ang sinabi niya.

Naikuyom niya ang mga palad.

Naiinis siya sa taga-lupang ito!

"Buhay ka pa,"mariin niyang saad.

"Hindi,patay na ko," giit nito.

Nagsalubong na ang mga kilay niya rito.

"Gusto mong patunayan ko sayo na buhay ka pa?" mariin niya pa rin saad. Naiirita na siya sa inaakto nito at hindi niya alam kung bakit?!

Tumitig sa kanya walang buhay nitong mga mata.

"Hindi..hindi ka naman Diyos para sabihin mong buhay pa ko," anito na lalo nagpairita sa kanya.

Marahas siya bumuga ng hangin.

"Hindi nga ko Diyos para sabihin yan..pero nilikha kami ng Diyos para bigyan ka ng pangalawang buhay at sa palagay ko sinayang ko lang ang oras ko dito sa lupa dahil mukhang gusto mo naman taLagang mamatay na," iritado niyang saad.

Napakurap-kurap ang mga mata nito. Saka lang siya natauhan ng makita ang pagbukas ng pagkabahala sa maganda nitong mukha dahil sa inakto niya.

Marahas siyang bumuga ng hangin.

"Buhay ka pa,Rhoda..and I can and will prove that," aniya sa mahinahon na boses.

"H-how?"bigla pagkakuryuso nitong tanong.

There,mas mainam na unti-unti nito matanggap nito ang nagawa niya para rito.

Ngumisi siya. Saka walang ano-ano nilapat niya ang sariling bibig sa nakaawang na mga labi ng dalaga. Marahas ito napasinghap sa bibig niya at sinamantala niya iyun. Idiniin niya pa lalo ang pagkakalapat ng mga labi nila.

Damn,napakalambot ng mga labi nito! Hindi niya alam pero ang tamis sa pakiramdam niya na magkalapat ang mga labi nila.

Hindi ito gumagalaw. Kaya naman napipilitan na pinutol niya ang halik.

Damn,gusto pa niya palalimin ang halik na yun!

Nanlalaki ang mga mata nito.

Ngumisi siya rito. "Ang lakas ng kabog ng dibdib mo...is it your heart beat?"usal niya.

Sinapo nito ang sariling puso.

"B-buhay ako..." wala sa sarili nitong saad.

"Yes,my sweet Rhoda.."nakangisi niyang sabi.

Maang at nanlalaki ang mga mata nito na tumitig sa kanya.

"Imposible.."

"Gusto mo ulit patunayan ko sayo?"panghahamon niya rito.

Naningkit na ang mga mata nito sa kanya sa sinabi niyang iyun. May kung ano katuwaan siyang naramdaman na makita ang ekspresyon sa mukha ng dalaga.

"Kailangan ba halik ang gawin mo para lang patunayan sakin na buhay pa ko?"mahihimigan ang mataray na tono roon.

Hindi niya inaasahan ang sinabi nito iyun kaya isang malakas na tawa anģ kumawala sa mga labi niya.

Hmm,mukha may pagkasuplada ang dalaga. Nakakamangha.

"Pinadali ko lang para mabilis mong maunawaan ang sinabi ko,"saad niya pagkaraan na makabawi siya mula sa pagtawa niya.

Nag-iwas ito ng mga mata at hindi nakatakas sa paningin niya ang pamumula ng mga pisngi nito.

Dahil doon nagkakakukay na ang maputla nitong pisngi.

"Where's my Thank You,sweetheart?"panunudyo niya rito.

Hindi niya alam kung bakit natutuwa siya na tudyuin ito na hindi naman niya ugali lalo pa at isang babae ang kaharap niya.

Mailap ang mga mata nito na sumulyap sa kanya.

"Mauunawaan mo rin kapag handa ka na tanggapin ang sinabi ko,Rhoda,"pukaw niya rito at hindi na ito muli umimik pa.

Hindi ito umimik nanatili ang mga mata nito sa sahig.

Bumuntong-hininga siya bago niya ito muli kinausap.

"Ipaghahanda kita ng makakain mo. Ilang araw ka din walang malay. Kailangan mo bumawi ng lakas ngayon,"untag niya rito.

Bahagya itong sumulyap sa kanya.

Tumayo na siya na hindi inaalis ang mga mata niya rito.

"Kakain ka..susubuan kita kung gusto mo,"may panunudyo niyang untag rito.

Marahas ito nag-angat ng mukha sa kanya.

Nginisihan niya ito. "Namumula kà na..atleast hindi ka na maputla,"aniya sabay talikod niya rito.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon