Chapter 13

3K 109 1
                                    

FIRST DATE

Marahas na napabuga ng hangin si Rhoda habang pinapanuod ang pelikulang na ginanapan ng dating nobyo at Devine.

She sighed. Magaling naman ang dalawa umarte dahil natural na may chemistry ang dalawa na hindi niya nahalata ng mga panahon na magkarelasyon pa sila ni Jason.

Mapait siyang napangiti. Third wheel lang pala ang peg niya! Ginamit lang siya ng mga ito para makilala ng lahat!

Ang tanga-tanga niya.

To hell with them!

Napapiksi siya ng may biglang umagaw sa hawak niyang remote.

Napabaling siya sa kumuha niyun. Tumawa ito na kinagabog ng dibdib niya ng masilayan ang gwapong mukha ng Alien na si Constell.

"Muntik mo ng masira ang remote ko,my sweet Rhoda,"amuse nitong saad na sinasabayan ng pagtaas-baba ng mga kilay nito.

Bigla siya nakaramdam ng pagkahiya dahiL doon. Mukhang nasaksihan na naman nito ang kabitter-an niya.

Marahas siyang napabuga ng hangin. " Wala pa kong maisip ulit na plano para sa kanila,"aniya ng makabawi mula sa pagkapahiya niya rito.

Patagilid na umupo sa katabi niya si Constell at bigla siyang nailang dahil matiim itong nakatitig sa kanya.

Damang-dama din niya ang init ng katawan nito.

Ano ba nangyayari sayo,Rhoda?

"Gusto mong lumabas tayo?" untag nito sa kanya na kinabaling niya rito.

"H-ha?"saad niya kasabay ng pagkabog ng dibdib niya.

"Labas tayo..kahulugan ng salitang date?" anito na lalong kinamaang niya.

Date? Inaaya siya nitong mag-date sila?

"Date..pero ginagawa lang yun ng magkasintahan o ng nagliligawan pa lang kung may ideya ka sa salitang yun,Constell.." aniya ng makabawi siya sa sarili.

Alam kaya nito ang malalim na kahulugan ng salitang yun?

Umangat ang isang dulo ng mga labi nito.

"Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng date sa inyong mga babae," anito na may amuse sa mga mata nito.

Hindi siya agad nakareak. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya sa kinikilos nito.

"Friendly date?" bigla niyang saad.

Ito naman ang natigilan at agad din nakabawi mula sa sinabi niya na bahagyang pang natawa.

"So,friendly date talaga ang iniisip mo," amuse nitong saad.

Malakas na gumalabog ang dibdib niya. Ano bang gusto nitong isipin niya?!

Ugh,ang hirap mag-assume! Naging tanga na siya sa pag-ibig at nasaktan lang siya sa huli.

Napapitlag siya ng pisilin nito ang nakakuyom niyang kamay.

"Makakamove on ka na kung makikipag-date ka muli,Rhoda.." anito na seryoso na ang anyo.

Napakurap-kurap siya sa sinabi nito.

"A-ano bang gusto mong ipahiwatig sakin,Constell?" nakatitig niyang tanong rito.

Matiim na nakatitig din sa kanya ang madidilim nitong mga mata.

"Gusto kita,Rhoda..gusto mo rin ako,hindi ba?"tahasan nitong untag sa kanya.

Wala sa sarili na napatango siya agad. Napangiti ang lalaki.

"Halika,may alam kong lugar na pwede tayo mag-date," anito sabay hila sa kanya.

"Wait..nakapambahay kaya ako!" bigla niyang pigil rito sa paghila sa kanya palabas ng bahay.

"Hindi na kailangan..maganda ka pa rin kahit anong suutin mo," anito na kinapula ng pisngi niya.

Kalokang alien na'to! Lakas magpakilig!

Dinaan niya sa pagsimangot ang sinabi nito na pinagtawanan lang siya.

Hinayaan niyang ito kung saan siya nito dadalhin.

May alam ba ang isang tulad nito tungkol sa pakikipagdate?

Well,malalaman din naman niya.

Bigla niya naalala. Mabibilang lang sa daliri na nagdate sila ng dating kasintahan niyang si Jason.

Date nga ba iyun o isang palabas lang para masabi lang na boyfriend niya ito?

Nang mga oras bang iyun ay napilitan lang ba ito na i-date siya?

Napilitan lang ba ito na dalhin siya sa isang romantikong lugar?

Doon din ba nito dinadala ang stepsister niya kapag abala siya sa pagsusulat?

Bakit ba hindi niya napansin noon pa na kahit anong busy niya at halos mawalan na siya ng oras sa dating kasintahan ay ayos lamang rito?

Akala niya labis lang siya nito naiintindihan sa klase ng trabaho niya.

Iyun pala akala lang pala.

Mapait siya napangiti sa sarili.

Siguro ng mga oras na busy siya palihim na nagkikita ang dalawa at nag-eenjoy sa isa't-isa.

Ganun siya katanga. Kamanhid.

Masyado siyang nagtiwala sa mga ito!

Wala siyang kaalam-alam na sinasaksak na pala siya ng mga ito sa likuran niya.

Wala siya ideya kung saan siya dadalhin ni Constell. Nako-conscious pa siya sa suot niya!

Maluwag na tshirt at jogging pants ang suot niya at tsinelas naman ang sapin niya sa paa.

Paano kung dalhin siya nito sa mataong lugar?

E di mukha siyang tanga nun!

Sinamaan niya ng tingin ang binata. Nakangiti ito habang nagmamaneho tila ba hindi apektado sa talim na titig niya rito.

"Saan ba tayo pupunta?"untag niya rito.

Nakangiti na nilingon siya nito.

"Basta,surprise!"tugon nito.

"Talagang masusurprise ako kung sa matao mo ko dadalhin na ganito ang suot ko? Nakakahiya!"reklamo niya rito.

Tumawa ito ng malakas at sinamaan niya ito ng tingin.

Humagod ang nakangiti nitong mga mata sa kabuoan niya at agad na nakaramdam siya ng pagkailang sa ginawa nitong iyun.

"What?"sikmat niya rito.

"Kahit ano pa suot mo bagay sayo kahit nga basahan pa maganda ka pa rin eh,"pamumuri nito sa kanya.

Hindi siya nakaimik rito.

Malakas ang kabog ng dibdib niya. Compliment ba yun o...binobola lang siya nito para hindi na siya mag-inarte pa?

Napakislot siya ng hawakan nito ang kamay niya. Mas lalo bumilis ang tibok ng puso niya.

"Totoo ang sinabi ko,my Sweet Rhoda..You are beautiful in and out,remember that..iyang ang ganda na binalewala ng ex mo,"matiim nitong sabi sa kanya.

Napaawang ang mga labi niya. Tila may kung anong mainit na bagay ang bumalot sa puso niya sa sinabi nito.

"Saka don't worry tayo lang dalawa sa pupuntahan natin,okay?"pagsasalita muli nito na kinapukaw niya.

Tumikhim siya at nag-iwas ng mukha rito. Bigla na lamang nag-init ang magkabila niyang pisngi sa kasinseridad na sinabi nito.

Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan at doon lang niya natanto kung saan siya dinala ni Constell.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon