Chapter 14

3.2K 132 3
                                    

APPRECIATE

Hindi niya malubos maisip ang ginawa niyang pag-aya na makipag-date sa kanya si Rhoda. Ganito ba ang naranasan ng ibang bituin na pinili na mamuhay dito dahil sa damdamin iyun?

Constell Uno..babalik ka pa sa Starry Temple. Nangako ka sa kanila na babalik ka at hindi mo gagayahin ang mga bituin na pinili ang mundong ito para lang sa panandalian pag-ibig!

"Wow..ang ganda dito!"manghang bulalas ng dalaga.

Napukaw siya sa namamanghang dalaga habang siyang-siya pinagmamasdan nito ang buong paligid.

Nasa may bangin sila at mula sa kinatatayuan nila kitang-kita ang maberdeng paligid at ang paghampas ng alon ng dagat mula sa paanan ng bangin.

Nakangiti na sinulyapan siya ng dalaga. Kumikinang ang magaganda nitong mga mata habang mabining tinatangay ng hangin ang ilang hibla ng buhok nito. Mabilis na tumibok ang puso niya. Hindi niya iyun naramdaman kay Venus. Tanging sa dalaga nasa harapan niya ang nakagawa niyun sa kanya.

"Sa sobrang busy ko sa buhay hindi ko kailanman naappreciate ang ganda ng kapaligiran,salamat sayo dahil dinala mo ako rito," nasisiyahan at sinsero nitong saad.

"Walang anuman," aniya na nakatitig pa rin sa magandang mukha nito. "Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng mas maganda sa kahit anupang magandang bagay na nakita ko," usal niya na nanatiling nakatitig sa mukha nito.

Napaiwas ng mukha ang dalaga. Alam nito na ang tinutukoy niyang maganda ay ito.

Naiilang na tumawa ito na hindi alam kung saan titingin. "M-maganda talaga dito tumambay," kimi nitong saad na kinangiti niya.

Inabot niya ang braso nito at malakas ito napasinghap sa ginawa niyang paghila rito. Nanlalaki ang mga mata nito na napatingala sa kanya habang magkadikit ang kanilang mga katawan. Dumantay ang isang braso niya sa beywang nito at hinapit pa padikit sa kanya.

"C-constell.."mulagat nitong usal.

"Masarap pakinggan kapag binabanggit mo ang pangalan ko,"nakangisi niyang saad.

"G-ganun ba,"kandautal nitong usal.

" May walongpu't na araw na lang ako dito mananatili sa lupa,Rhoda.."sambit niya.

"B-babalik ka na sa inyo,tama?"tugon nito na pinipilit na maging kalmante pero hindi maikakaila ang malakas ng kabog ng dibdib nito.

Tumango siya habang magkahinang pa rin ang mga mata nila.

Nagbaba ng tingin ang dalaga. Bigla lumungkot ang mga mata nito. Gamit ang isang daliri niya iniangat niya muli ang mukha nito.

"Marami pang araw na magkakasama tayo,Rhoda.." matiim niyang saad.

"Pero parang...ang hirap,"malungkot nitong saad.

Nararamdaman na niya na unti-unti na ito bibigay sa kanya.

"Ang importante naging parte ako ng buhay mo," aniya. Hindi niya alam kung bakit naninikip ang dibdib niya na isipin na iiwan din niya ito.

Matagal siya tinitigan ng dalaga bago itong nagpaskil ng pilit na ngiti.

"Tama ka..ikaw ang naging pangalawang buhay ko..k-kaya talagang parte ka ng buhay ko," usal nito na mahihimigan ang lungkot roon.

Bakit bigla siya nakaramdam ng lungkot at pangungulila rito hindi pa man dumadating ang araw na pagbabalik niya sa Starry Temple.

Naningkit ang mga mata ni Constell ng makita kung paanong titigan ng isang lalaki na kasabayan nilang umuorder sa may counter si Rhoda. Nasa isang coffee shop sila at hindi niya nagugustuhan ang nakikitang paghanga ng lalaki para sa dalaga.

Bago pa man siya mairita ng lalaki agad na pumagitna siya at inakbayan ang dalaga na kinatigil nito. Umuklo siya at bumulong sa tapat ng tainga nito.

"Ako lang dapat makaappreciate ng ganda mo,my sweet Rhoda," anas niya sa tainga nito.

Oo siya lang dapat.

Sabihin na possessive ang dating pero habang nandito pa siya sa mundo ng mga tao sa kanya muna ang dalaga.

Pero kapag kinailangan mo ng umalis,bituin. Hindi ba parang dehado siya?

Mahihina ang mga tao pagdating sa pag-ibig at alam niya na..hindi lamang ang pagkagusto ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya.

Paano kung ulitin na naman nito ang ginawa nito dahil sobrang nasaktan ito?

Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag nangyari yun.

Anong gagawin mo,bituin?

Iwasan siya?

Pero hindi niya magawa ngayon. Ngayon pa nga lang mas gusto niya sa kanya lang ang dalaga. Nasa kanya lang ang atensyon nito. Ang oras nito. Ang ngiti nito.

Ang lahat ng iyun ay sa kanya lamang.

Siguro..pagbibigyan muna niya ang sarili. Saka na muna niya iisipin ang susunod niya gagawin kapag malapit na niya itong iwan.

May pagpipilian ka naman,bituin.

Pero ganun nga ba kalalim yun para piliin niya ito.

Talikuran ang pinagmulan niya?

Ang pag-ibig na hindi nga niya alam kung panandalian lamang ba iyun o hindi?

Wala permanente sa mundong ito. Lahat naglalaho. Lahat nawawala.

Pero kung kakapit ka at maniniwala may posible naman sa mundong ito,bituin.

Makapangyarihan nga ba ang pag-ibig?

Darating ba ang pagkakataon na kailangan niyang mamili sa dalawa?

Ang pag-ibig o pagbabalik niya sa pinagmulan niya.

Nang makasakay na sila sa kotse at pauwi na agad na nakaisip siya ng ideya para makasama pa niya ito sa labas.

"Gusto mo mamasyal pa sa ibang lugar naman?"untag niya rito.

Agad na nilingon siya nito mula sa pagtanaw nito sa labas ng bintana ng kotse.

"Bakit? Gusto mo pa mamasyal?"balik-tanong nito.

"Gusto pa kita makasama dito sa labas lagi na lang tayo nasa bahay eh,"agad na pagtugon niya.

Tumango-tango ito. Hinintay niya ang sunod nito sasabihin.

"Sa grocery store,pwede?"maya-maya saad nito.

Bahagya siyang natawa. Sa dami naman na pwedeng pasyalan doon pa talaga nito naisip pumunta.

"Sure ka?"natatawa niyang tudyo rito.

"Paubos na stock natin sa bahay..saka nandito na rin naman tayo mamili na tayo,"nakahalukipkip nitong turan sa kanya.

Napakamot siya sa ulo niya. "Okay,akala ko naman sa amusement park tayo pupunta,"natatawa niyang saad.

"Gusto mo ba dun?"agad na tanong nito.

Nginitian niya ang dalaga ng makitang tila napahiya ito.

"Okay ako sa grocery store tayo..sunod na lang tayo mamasyal dun,"aniya.

"Sure ka?"paniniguro nito.

Agad na tumango-tango siya rito.

"Yes,my sweet Rhoda,"mabilis niyang tugon sa dalaga.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon