Heartbeat
Sapo-sapo pa rin niya ang dibdib na pinakikiramdaman ang mabilis na pagtibok at malakas na pagkabog ng puso niya.
Nang iwan siya ng lalaki para daw ipaghanda siya ng makakain muli siya nahulog sa pag-iisip. Sa mga katanunga. Pagtataka.
Hindi siya makapaniwala. Sa bawat tibok ng puso niya gumagapang sa sistema niya papunta sa utak niya na talagang buhay pa siya!
Napakaimposible! Alam niyang hindi na siya mabubuhay ng mga oras na iyun. Ang sakit ng tinamo niya..ang mga sugat niya..mga bubog ng salamin na bumaon sa balat niya..ang mga bali niyang mga buto sa katawan.
Bakit? Bakit ni bakas ng gasgas wala siya makita ngayon?
Napakaimposible!
Kumabog ang dibdib niya ng muli maramdaman ang presensya ng lalaking nagligtas sa kanya..ang bumuhay sa kanya?
Bumilis ang tibok ng puso niya ng magtama muli ang mga mata nila. Ang mga mata nito na kaylalim kung tumitig.
Agad na nakaramdam siya ng pag-iinit ng mukha ng maalala ang paghalik nito sa kanya kanina. Halik na nagpatunay na buhay pa siya? Marami naman paraan para patunayan nito iyun talagang sa halik pa nito dinaan?!
Napaigtad siya ng bumukas ang pintuan at niluwa niyun ang lalaki na may bitbit na tray at sa ibabaw niyun may isang mangkok na umuusok pa.
Kumabog ang dibdib niya habang papalapit muli ito sa kanya. Lihim na humugot siya ng hininga upang pakalmahin ang sarili niya.
Ipinatong nito ang tray sa may paanan ng kama. Bigla tuloy siya natakam.
Ngumisi ito ng magtama ang mga mata nila ng lalaki. "Patawarin mo ako kung iyun ang naisip kong paraan para patunayan sayo na buhay ka pa nga," saad nito na kinalaki ng mga mata niya.
Kailangan ba na ipaalala muli nito ang ginawa paghalik nito sa kanya kanina?!
"Yes,I can read your mind," may angas nitong saad.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
Ano raw? Nababasa nito ang nasa isip niya?!
"S-sino ka ba talaga? A-anong klase ka bang tao?" satinig niya sa mga katanungan iyun ng mahamig niya ang sarili.
Lumaki ang pagkakangisi nito. "Gusto mo ba talaga malaman?"
"Alam kong hindi ka Diyos para bumuhay ng namatay na," usal niya na binuntutan niya ng maikling tawa.
"Tama,hindi nga ko diyos..pero sabi ko nga nilikha kami para bigyan ng pangalawang buhay ang isang tagalupa na hindi pa niya oras para mamatay,"saad nito na tila akala mo madali lang para sa kanya maintindihan ang sinabi nito.
Patuloy pa rin sa mabilis na pagtibok ang puso niya.
"Bakit? Bakit pa?" usal niya sa sarili.
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan nito.
"Bakit nga ba? Bakit nga ba na gusto mo mamatay na lang? Marami ang nagdalamhati sa pagkamatay mo,alam mo ba yun?"tila ginigiit nito sa kanya na isang pagkakamali na isipin na lamang niya na mamatay na lang siya kaysa ang mabuhay pa.
Bakit hindi rin nito iyun maunawaan?
Mapait siyang umiling sa sarili.
"Makakalimutan din nila ako..pero ang sakit na dinulot sa akin ng dalawa taong espesyal sakin...wala ng silbi pang mabuhay pa muli ako," aniya na puno ng kapaitan at sakit.
"Dalawang tao espesyal sayo?"kuryuso ang mahihimigan sa tono nito.
Wala sa sarili na tumango siya.
"Niloko nila ako..ginamit pala, para marating nila ang narating nila ngayon.."puno ng kapaitan niyang sabi.
Tumahimik ang lalaki. Pinakikiramdaman ang namuong emosyon na bumabalot sa paligid nila.
"Mamatay ka nga pero magiging masaya naman ang mga taong nanakit sayo,Rhoda..para mo na rin pinatunayan sa kanila na mahina ka at...isang talunan," matiim nitong saad na siya nagpatanto sa lahat sa kanya.
"Am I loser and weak?" usal niya sa sarili. To ask herself.
"Pwede mo ipanalo ang laban..sa pangalawang pagkakataon,Rhoda..nandito ako,may walonapu't dalawang araw ako para tulungan at suportahan ka," anito na kinatitig niya rito.
Mataman niya ito pinakatitigan. Malaking katanungan pa rin sa kanya kung sino at ano nga bang klaseng nilalang ito.
"Ako si Constell Uno,magiging guardian angel mo ako hanggat matapos ang taning ng pananatili ko rito sa mundo niyo," nakangiti nitong turan.
And her heart beat so fast.
Is he really a human?
A superhero?
Isang malalim na tawa ang pumukaw sa kanya.
"I'm human,yes in physically but I'm not a hero,Rhoda..nilikha ako ng kilala mong Diyos para makilala mo ako at bigyan ka ng pangalawang pagkakataon na mabuhay muli at...magsimula ulit na wala ng sakit at lungkot,"matiim nitong sabi sa kanya.
Paano siya nakakasiguro na hindi na niya mararamdaman ang sakit ngayon na buhay pa siya?
Hindi madali yun gawin lalo na kung sariwang-sariwa pa iyun.
Iyun ang hindi alam ng Constell Uno na ito.
"Hindi naman ikaw ang nakakaramdam ng nararamdaman ko ngayon,Constell.."
"Tama ka..pero hahayaan mo na lang ba na maging talunan ka na lang? Naisip mo ba sa ginawa mong iyan para na rin pinakita sa kanila na isa ka ngang mahina,madaling lokohin,"wika nito na siya nagtumining sa isip niya.
May katotohanan ang mga salita na binitawan nito sa kanya.
Mapait siyang ngumit sa kawalan.
"May mga tao na masaya sila na may nasasaktan sila,"anas niya.
"Tama ka dyan..pero may tao din magpaparamdam sa kanila ang sakit na dinulot nila sa taong yun.."
Unti-unti siya bumaling rito.
"Masaya sila na nasaktan ka nila,Rhoda...pero kaya mo yun iparamdam sa kanila ang sakit na nararamdaman mo ngayon,"seryoso nitong wika.
He's right.
Is she going to revenge them?
Ang paghihiganti ang sagot upang maibalik niya ang sakit na dinulot sa kanya ng dalawang iyun sa kanya?
Nagtatalo ang isip at puso niya kung tama ba na gawin niya iyun?
"Mabuti pa higupin mo muna itong sabaw para makapag-isip ka ng mabuti,"pukaw ni Constell sa kanya.
Dahil sa sinabi nito naramdaman niya muli ang pagkagutom. Sinulyapan niya ang umuusok pang sabaw na nasa mangkok.
"Don't worry wala akong nilagay na kahit ano dyan o kahit gayuma,"may panunudyo nitong sabi sa kanya na kinamaang niya.
Natawa naman ito.
"Sige na. Kumain ka na. Iiwan mo na kita rito para hindi ka mailang habang kumakain ka,sa labas lang ako,"paalam na nito sa kanya.
Napabuga na lamang siya ng hangin pagkaalis nito.
Saka niya inabot ang tray at humigop ng sabaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/159485002-288-k898709.jpg)