GUILT
Hindi maiwasan ni Rhoda ang makaramdam ng guilt ng malaman niya na mula ng piliin nito manatili sa tabi niya at siya ang piliin nito ay unti-unti nawala ang mga kakayahan ni Constell.
Ang mga kakayahan nito na isa-isa na ng nawawala at nagiging normal na lamang isang tao si Constell.
Naguguilty siya. Naging makasarili ba siya at hinayaan niyang siya ang piliin nito?
Pwede naman niya ito ipagtabuyan o pangakuan na kayang buhayin mag-isa ang kanilang magiging anak.
Na magiging matatag siya para sa kanilang anak kahit wala ito sa tabi nila.
Nakagat niya ang pang-ibaba labi ng makita na malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa kalangitan na nabubudburan ng mga bituin.
"Constell.."untag niya rito.
Agad na nilingon siya nito at masuyong inabot siya nito at hinila palapit rito para yakapin siya. Pinatakan nito ng halik ang nuo niya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya na kinatitig sa kanya nito.
"Para saan yun?"matiim ang mga mata nitong tanong sa kanya.
"N-nagiguilt ako..baka kasi pag--" agad na naputol ang sasabihin niya ng halikan nito ang bibig niya pagkaraan kinulong nito ang kanyang mukha sa pagitan ng mga palad nito at matiim na pinakatitigan siya.
"Hindi,Rhoda..wala akong pagsisisi na ikaw ang pinili ko..kayo ng magiging anak natin," matiim nitong saad mahihimigan ang sinseridad sa sinabi nitong iyun na talagang pinili sila nito.
Nakagat niya ang pang-ibaba labi niya at pinigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.
Ayaw man niya maging emosyunal pero hindi niya mapigilan marahil dahil na rin nagdadalang-tao siya.
"Sorry..ayoko lang kasi makaramdam ka ng lungkot at pagsisisi. Alam ko hindi madali para sayo na basta na lang talikuran ang pinagmulan mo.." mahina niyang saad pilit na pinipigilan na huwag bumigay sa harapan nito.
Napapikit siya ng mariin ng patakan nito ng masuyong halik ang pagitan ng mga kilay niya.
"Ikaw ang kasiyahan ko..ang langit ko..dito ako masaya..sayo," masuyo nitong saad.
Sa sinabi nito iyun hindi na niya tuluyan pang napigilan pa na mapaluha.
Isang mahigpit na yakap ang ginawad niya rito. Isang yakap na gusto niyang iparamdam dito na hinding-hindi niya ito iiwan. Iparamdam dito ang init ng pagmamahal niya para rito. Na ang mga bisig niya ang tahanan na nito..sa piling niya.
"Alisin mo na yang nararamdaman mong yan dahil kahit kailan hindi ko pagsisisihan na kayo ang pinili ko,"anito habang masuyong hinahaplos ang kanyang likod.
May ngiti sa mga labi na ninamnam niya ang masuyo nitong paghaplos sa kanya.
" Ngayon ordinaryo tao na lang ako..hindi na alien ang tawag mo sakin?"untag nito pagkaraan ng ilang sandali.
Alam niyang pinapagaan na nito ang nararamdaman bigat sa dibdib niya.
Natatawang tumango-tango siya."Hmm..isa ka na ngayon gwapong lalaki sa paningin ko,gwapong tao!"tugon niya rito.
Natawa naman ito ng mahina sa sinabi niya.
"Saan mo gusto manirahan?" bigla nitong pagtatanong.
"Hmm,hindi bang pwede dito na lang tayo? Ahm,pati ba ito mawawala?" marahan niyang saad sa huling katanungan niya.
"Hindi..sa palagay ko regalo na ito satin ng Hari at Reyna ng mga bituin..hindi nakasama sa pagkawala ng pagiging bituin ko," tugon nito.
Napatango-tango siya at may tuwang naramdaman sa nalaman iyun.
"Sana ayos lang sa kanila na pinili mo rito,"saad niya. Nararamdaman na naman niya ang pagbigat ng kalooban niya.
Masuyo itong ngumiti sa kanya na agad naman nagpagaan ng loob niya."Kasingliwanag at kasingningning ng mga bituin ang pang-unawa nila..hindi lamang ako ang gumawa ng bagay na ito sa amin,"pahayag nito na kinamangha niya.
"Talaga? Kung ganun..may mga nauna na sayo?"namamangha niyang tanong rito.
Kung ganun,totoo talaga ang mga tulad nito. Nakakamangha tunay!
Agad na tumango ito. "Oo..at gusto kong malaman mo na ng hindi pa ko pinabababa rito sa lupa. Iba ang paninindigan ko tungkol sa pag-ibig,Rhoda. Nanindigan ako na hindi ako tutulad sa kanila pero..kinain ko lamang ang sinabi kong iyun ngayon napakamakapangyarihan ng pag-ibig niyo mga tao.."pagsisiwalat nito sa bagay na iyun sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi nito. "Power of love.."aniya na sinabayan niya ng pagtaas-baba ng mga kilay niya.
Natatawang tumango sa kanya ang kasintahan.
"Nais kitang pakasalan,Rhoda.."mayamaya sambit nito.
Napasinghap siya sa sinabi nito. Tila ba tumigil sa pagtibok ang puso niya.
"H-ha?"
Natawa naman ito sa naging reaksyon niya.
"Hindi ba dapat ganun naman talaga? Magsasama tayo at bubuo ng pamilya at ang sagradong kasal ang magpapatunay ng isang pangako na kailanman ay walang magpapahiwalay satin," anito na kinabuo ng mga luha sa mga mata niya.
"Kainis ka..sige,papakasal ako sayo," naiiyak na niyang turan.
Tumatawang hinalikan siya ng binata at buong puso naman niya iyun tinugon.
Nawala na ng tuluyan ang pangamba at guilt sa puso niya. Ganun kalakas ang kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit na magkaiba kayo ng mundo pagbubukludin kayo ng isang pag-ibig.
At sa ngalan ng pag-ibig. Lahat gagawin ni Rhoda na iparamdam rito na hinding-hindi ito magsisisi sa pagpili nito manatili sa mundo niya.
Pasasalamatan niya ang nasa itaas na siyang may likha ng isang katulad ni Constell
Nasaktan man siya at nabigo hindi Siya nito pinabayaan. Binigay nito sa kanya ang isang pambihirang nilalang sa buhay niya. Sa pangalawang buhay na binigay sa kanya.
💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓
Two chapters left!Maraming salamat sa nagbasa nito! Kahit slow update siya balak ko talaga wag ng ituloy kaso sayang nasimulan ko na eh😂😂😂
Maiksing kwento na lang siya kaya haha finally matatapos ko na this!
Thank you ka-Series!
Love lots💓💓💓🌌🌌🌌🌌
CallmeAngge
![](https://img.wattpad.com/cover/159485002-288-k898709.jpg)