Chapter 29

2.9K 120 3
                                    

GOODBYE

Ilang beses na huminga ng malalim si Rhoda bago siya lumabas ng silid. Alam niyang nasa salas lang si Constell at tahimik lang ito nakaupo roon. Mula ng makompirma niya na nagdadalang-tao nga siya. Nakaramdam siya ng takot. Alam niyang kahit malaman nito na magkakaanak na ito hindi pa rin niyun mapipigilan ang pag-alis nito. At natatakot siya para sa kanyang sarili.

Baka..baka hindi niya kayanin. Agad na humugot siya ng malalim na hininga ng magbabadya na manikip ang dibdib niya sa nababantang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Kailangan nila makapag-usap ni Constell. Nakapagdesisyon na siya at sa palagay niya ito na ang oras para..matapos na ang lahat. Mas madali niya matatanggap kung maaga na siyang magpapaalam rito. Uunahan na niya ito bago pa ito ang maunang magpaalam sa kanilang dalawa.

Tumikhim siya para kuhanin ang atensyon nito. Tahimik na nag-angat ng paningin sa kanya si Constell.

Kinakabahan na umupo siya sa pahabang sofa na katabi lang na inuupuan nitong single sofa.

"Constell.." usal niya sa pangalan nito at lakas-loob na sinalubong ang matiim nitong titig sa kanya.

"A-alam kong..binabagabag ka ng sitwasyon ko ngayon,Constell.."pagsisimula niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago muling nagpatuloy sa pagsasalita." H-hindi kita oobligahin sa bagay na ito..alam ko naman na hindi ka permanente dito..kaya a-ayos lamang sakin..kung..kung mag-isa kong aalagaan ang..ang baby,"paglalahad niya.

Nanatiling nakatitig lamang sa kanya ito at lalo lamang siya kinakabahan pero hindi..kailangan na nilang magdesisyon dalawa.

Mariin na magkasalikop ang mga kamay niya na nasa ibabaw ng kandungan niya.

"I..I..I want to say goodbye to you,Constell..bukas ng umaga aalis na ko," sa wakas saad niya.

Doon lamang niya nakitang nagreak ang binata. Naguguluhan na napaawang ang mga labi nito at bahagyang pagsingkit ng mga mata nito.

Napaiwas tuloy siya ng mga mata rito. Hindi niya alam pero mukhang hindi iyun nagustuhan ng binata. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Tinitigan niya ang mga kamay na mariin na magkasalikop.

"Anong sabi mo?" mahina pero mariin na saad nito na kinaangat niya muli ng paningin rito.

Napalunok muna siya bago muli nakapagsalita. "Ahm,magpapaalam na ko sayo..m-mas madali sakin kung..ngayon pa lang dapat na kong lumayo sayo..hindi..na ko mahihirapan pa," aniya na pinipilit na kalmahin ang sarili dahil naiiyak na siya.

"Bakit?"tila naguguluhan pa ito sa mga sinasabi niya.

Napakurap-kurap siya sa tanong nito dahilan upang umurong ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

"D-dahil mas madali sakin kung mauuna na kong magpaalam satin dalawa..Constell,mahal na mahal kita at..hindi ko kakayanin na makita kang umalis kaya..kaya uunahan na kita," agaran niyang tugon. "Ayokong..ayoko papiliin ka..kung magtatagal pa ko rito," dugtong niya.

Nanatiling nakatitig sa kanya si Constell at hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito.

Napabuntong-hininga na lamang siya pagkaraan na hindi na ito kumibo pa.

"Huwag mo ng alalahanin ang tungkol sa baby..ako na bahala sa kanya..sa..sa anak natin," aniya at pilit na nginitian ito upang pagaanin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Isang tensyon na pareho silang nababagabag.

"Aalagaan ko siya gaya ng..pag-aalaga mo sakin,pangako..palalakihin ko siyang maayos at mabait," aniya na may ngiti pa rin sa mga labi kahit na pilit lamang niya iyun ginagawa. Gusto ipilit rito na okay lang siya.

Nanginginig siya na tumayo pero kinalma niya ang sarili at natagumpayan naman niya iyun.

"Ito na ang huling pagkikita natin. Bukas bago sumikat ang araw ang alis ko..and please..don't stop me,Constell..kung may plano kang gawin yun," aniya at agad na tinalikuran ito.

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha niya ng makapasok siya sa silid nila.

Nanghihina na napaupo na lamang siya sa likod ng pintuan.

"Bakit ba kasi..kailangan pa humantong sa ganito ang lahat.." umiiyak niyang saad.

Hinaplos niya ang impis pa niyang tyan.

"Don't worry,baby. Magiging masaya pa rin tayo kahit wala na ang Papa mo kasi..isa siyang bituin makikita at mababantayan pa rin niya tayo,"usal niya habang umiiyak pa rin.

Ang pag-iyak na nauwi sa paghagulhol.

Goodbye,goodbye,my star.

Ito ang tunay na masakit dahil totoong pagmamahal na ang pinadama niya. Ngunit hindi na niya iisipin pa na kitilin ang buhay dahil may isang alaala na maiiwan sa kanya si Constell na siyang magiging sandalan niya at kakapitan na minsan ay may inibig siya kahit na magkaibang mundo ang pinagmulan nila.

Hinding-hindi niya ililihim sa kanilang anak ang tungkol sa ama nito. Ang ama nitong nagbigay ng buhay sa kanila.

Ikukwento niya rito ang lahat-lahat na magagandang katangian ng ama at ang masasayang alaala na binuo nila ng ama nito.

Hindi niya hahayaan na makaramdam ng unlove ang anak nila dahil wala sa tabi nila si Constell. Gusto niya mahalin ito ng kanilang anak kahit sa pagtanaw na lamang sa kalawakan ang tanging magagawa nila mag-ina upang makita ang isang bituin na siyang nagbigay ng kislap ng buhay sa kanila mag-ina.

Tahimik na patuloy pa rin siya sa pagluha pero ng makaramdam na siya ng pagod saka lamang niya kinagalitan ang sarili. Hindi siya dapat mastress kung ayaw niyang mapahamak ang anak nila ni Constell. Ayaw niyang mangyari iyun. Ito na lamang ang alaala na maiiwan sa kanya ni Constell.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon