Simula
Sa gitna ng kalawakan may isang templo na namumuhay ang libong-libong bituin. Ang mga bituin na binigyan ng physical na anyo. Sila ang tinatawag na 'Star of life'. Tuwing ika-tatlong daan taon may isang bituin na pinapadala sa mundo ng mga tao,sa kalupaan.
Ang bawat bituin ng buhay ay may misyon na bigyan ng pangalawang buhay ang isang tao na mamatay na o namatay na dahil ang mga taong iyun ay hindi pa nararapat na mamatay kaya nilikha ang mga 'Star of life'
Ang bawat isang bituin ay may pagpipilian. Ang bumalik sa starry temple pagkatapos ng tatlong buwan sa kagustuhan panatilihin ang walang hanggan buhay niya bilang isang bituin na nilalang o piliin ang buhay na nagtatapos sa kamatayan dahil pinili nito manatili sa kalupaan at mawawala na sa kanya ang wala hanggan na buhay magiging isang ganap na rin siyang tao na may katapusan ang buhay.
Sa libong-libong bituin na nilalang na naninirahan sa Starry Temple ay may sampung bituin na namumukod tangi sa lahat. Sila ang sampung bituin na kakaharapin ang walang hanggan na buhay o ang katapusan ng buhay.
Maikling buhay kapalit ng pag-ibig o wala hanggan na buhay kapalit na mananatiling isa siyang bituin ng buhay.
Lahat na malalapit kay Constell ay nakapalibot sa kanya at naghihintay sa kanyang pagbaba sa kalupaan. Ang mga kaibigan niya. Isa siya sa sampung bituin ng buhay na may mataas na posisyon pero may misyon sila kaya naman kinailangan niyang isakatuparan iyun at bumalik muli sa templo nila upang makasama niya muli ang mga ito.
"Mabilis ang takbo ng oras,hindi natin namalayan na malalagasan tayo ng isa," anang ng isa sa bituin sa siyam niyang kaibigan.
"Kinakabahan ako sa mga salita binibitawan mo pakiramdam ko hindi na siya babalik dito,"bulalas ng isa pa.
" Ano sa palagay mo? Babalik ka kaya rito o pipiliin mo manatili sa kalupaan at mawala sayo ang wala hanggan na buhay?"saad naman ng isa pa.
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi naman ako katulad ng mga bituin na pinili ang kamatayan,"saad niya.
" Iyun ay dahil sa tinatawag ng mga tao na Pag-ibig,"anang ng isa naman.
Napangisi siya. "Pag-ibig? Meron naman dito nun," aniya sabay tingin mula sa isang panig ng templo. Tinanaw niya ang isang napakagandang bituin.
"Ahh,.bakit hindi ka muna magtapat bago ka umalis?"
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ng kaibigan.
"Sa pagbabalik ko na lang,mga kaibigan..mas matagal ko siya makakasama bago muli ako makababa sa mundo ng mga tao,"aniya.
" Sabagay nga naman,"anang ng mga ito.
"Handa ka na ba,Constell?" pagsulpot ng kanilang Amang-Haring bituin katabi nito ang nakangiti na inang-Reynang bituin.
Agad na tumango siya pagkaraan niya yumukod sa mga ito.
"Nakapagpaalam ka na ba sa mga kaibigan mo?"
"Opo,inang bituin," tugon niya rito.
"Eh sa magandang bituin na iyun" magiliw nitong saad na tinanaw ang magandang babaeng bituin.
Naulinigan niya ang tawanan ng mga kaibigan niya.
"Batid niya na aalis ako ngayon,inang-Reyna bituin ," aniya.
"Nahihiya lang siya magpaalam,inang-reyna bituin,"panunukso ng mga kaibigan niya.
Napailing na lang siya.
" kung ganun bumalik ka pagkaraan ng siyamnapu't na araw ,Constell at sa oras na makabalik ka rito maaari mo ng ipabatid sa kanya ang damdamin mo at susuportahan namin iyan ng inang-Reyna bituin,"anang ng amang-Haring bituin sa kanya.
Isang nangangakong pagtango ang tinugon niya na babalik siya at sa pagbabalik niya ipapaalam na niya rito ang tunay niyang damdamin.
Bago pa man siya tuluyan umalis nilingon niya ang kinaroroonan nito at nakatanaw na ito sa kanya, ngumiti sa kanya habang kumakaway sa kanya bilang pamamaalam nito para sa kanya.
Isang tango at ngiti ang tinugon niya rito.
💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜
Hinahagilap ko pa sa utak ko yung susunod na eksena haha di ko taLaga siya mapalawak pero sana naitawid ko sa pang-unawa niyo😂😂😂
Take note:
Slow update siya,guys hehe✌✌✌
Pokus ako sa werewolf at vampire eh 😂😂😂Itong series na to bigla lang sumulpot sa utak ko haha kaya dyaran! New series!
Si Constell ang unang lalaking bituin na titibok sa puso niyo(I mean,dun sa bidang babae haha)