Concern
Tiim-bagang na pinagmamasdan ni Constell ang dalaga na si Rhoda na lumuluha habang nakatuon ang mga mata nito sa harapan ng telebisyon. Kasulukuyan,umiere pa rin ang tungkol sa biglaan pagkamatay nito at ngayon nga ay isang malaking isyu ang pagkakamabutihan nina Jayson at Devine..na napag-alaman niya na ang mga ito pala ang dalawa taong nanakit sa dalaga.
Bigla may umusbong na galit sa dibdib niya na malaman iyun. Hindi niya alam pero gusto niya ipaghigante ang dalaga sa dalawang iyun.
He just concern,alright? Anang ng isip niya.
Concern,huh? Anang ng puso niya.
Concern lang siya..ito ang tagalupa na binigyan niya ng pangalawang buhay kaya marapat lang na magkaroon siya ng concern rito..
Naikuyom niya ang mga palad. Hindi niya maintindihan kung bakit magkakontra ang isip at puso niya.
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan niya.
Bakit ba siya nakakaramdam ng ganito? Hindi ba ang misyon lang niya ay bumuhay? Hindi makaramdam ng ganitong banyagang emosyon?
Tss,kung pwede lang sana na iadvance niya na ang pagbalik niya sa Starry Temple. Ayaw niya ng nararamdaman niyang ito.
Napukaw siya ng tumayo ang dalaga. Nagpunas ito ng mga luha sa maputla pa rin nitong mukha.
But she's really beautiful.
Mas magandang pa nga sa bituin na nagugustuhan mo,dude! Anang ng isip niya.
Nangunot ang nuo niya sa isipin iyun.
Walang imik na umalis ito sa salas niya habang sinusundan lang niya ito ng tingin.
Tinungo nito ang kinaroroonan ng hardin ng bahay niya. Mabuti na lang kasama iyun sa nilikhang tirahan ng kanilang Amang-hari bituin.
Sa oras na bumalik na siya sa Starry Temple mawawala na rin ng parang bula ang bahay na ito.
Sinundan niya ito at nadatnan niya itong nakatayo lang at nakakuyom ang mga palad sa magkabila gilid nito.
She breath in...and slowly breath out.
Nilalanghap nito ang sariwang hangin.
Nanatili siya nakasandig ang isa niyang balikat sa gilid ng sliding door.
Hindi niya naiwasan pasadahan ang kabuoan ng dalaga. Kahit nakatalikod ito at nakasuot ng maluwang na kulay gray na pajama at v-neck white t-shirt. Kita pa rin ang maganda hubog ng katawan nito.
Naikuyom niya ang mga palad na nakahalukipkip sa tapat ng dibdib niya.
Ano ba itong nararamdaman niya?
Napatitig siya ibabang bahagi ng likod nito. Sa pang-upo nito. Bigla siya nag-init at may nabubuhay sa kanya!
Bigla humarap sa kanya ang dalaga at agad na napaayos siya ng pagkakatayo.
Wala ng luha sa mga mata nito.
"Paano mo ako matutulungan?" usal nito pagkaraan ng ilang sandali.
Napangisi siya.
"Step by step,my sweet Rhoda," aniya na nanatili ang ngisi sa mga labi niya.
Pero tama ba na kunsitihin niya ang galit nito?
Hindi ba dapat hindi na siya makielam sa bagay na yun?
Wala na siya dapat pakielam doon dahil buhay naman nito iyun at ang misyon lamang niya ay buhayin ito.
Pero sabi mo nga ayaw mong masayang ang buhay na binigay mo sa kanya kaya nga tutulong sa kanya,hindi ba,bituin?
Muli niyang tinitigan ang dalaga na tahimik lang na nakatitig sa harapan ng nakapatay na telebisyon.
Malalaman niya ang nilalaman ng isip nito pero...siya mismo hindi niya maintindihan kung bakit ayaw na niyang panghimasukan kung ano ang nasa isip nito.
Tahimik siyang napabuga ng hangin. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang kaapektado siya sa dalaga.