IN LOVE WITH HER
Agad na gumuhit sa mga labi niya ang isang ngiti ng lumabas na ng silid nito si Rhoda. Suot ang isang simpleng bestida na hanggang tuhod. Kulay pink na bumagay rito. She's look more innocent and so feminine!
Kumabog ang dibdib niya..ganun na ganun ang nangyayari sa dalaga kapag nasa harapan niya ito.
"Ready?" aniya pagkalapit niya rito. Hindi maialis-alis ang mga mata niya sa mukha nito.
Inilahad niya ang isang palad rito at agad naman nito iyun inabot.
Mahigpit na hawak-hawak niya ang malambot nitong kamay. Iyun ang pinakapaborito niya ang laging hawakan ang malambot at mainit nitong kamay. Tila ba hindi na siya mapapakali kapag hindi niya ito nahahawakan.
Possessive ka lang,bituin.
Sa isang mall silang nagpasyang mamasyal. Wala naman nakakakilala sa dalaga sa lugar na iyun kaya hindi na nito kailangan magdisguise pa gaya ng unang lumabas sila.
"Nood tayo ng sine?"untag nito sa kanya.
Agad na tinanaw niya ang kinaroroonan ng cinema.
" Gusto kong mapanuod yun!"turo nito sa isang foreign movie na nakadisplay sa labas ng sinehan. Mababanaag ang kagustuhan nito na manuod.
Napangiti na hinila na niya ito patungo roon. Last full show na ang palabas kaya mailan-ilan na lang ang nanunuod niyun.
"Bakit hindi ko naisip na magdala ng jacket o sweater man lang.." saad nito na kinabaling niya rito.
Bahagya siyang umuklo para itapat sa tainga nito ang bibig niya.
"Wala naman kasi sa plano natin na manunuod ng sine,"anas niya sa tapat ng tainga nito. Naningkit ang mga mata niya kahit madilim kitang-kita niya pagtatayuan ng balahibo nito sa batok. Napangisi siya sa nakita niyang iyun.
Napanguso ito na nilingon siya. Na agad naman niyang sinamantala. Mabilis na pinatakan niya ng halik ang bibig nito na kinabigla nito.
"Constell!" mahina nitong saway sa kanya na kinatawa lang niya.
Kinindatan niya ito na may ngisi sa mga labi niya. Hinubad niya ang suot na jacket at pinasuot niya rito. Saka niya ito inakbayan at hinapit pasandig sa kanya.
"Mangangawit ka niyan," tingala nito sa kanya.
"Ayos lang..basta hindi ka lang ginawin,"aniya sabay patak ng halik sa nuo nito.
Nang matapos ang palabas agad na naghanap sila ng makakainan. He still hold her hand so tightly. It's like no one take her away from him.
Ganun na ba talaga siyang kapossessive sa dalaga?!
Yeah,Constell..she's in love with you at hindi mo maitatanggi na ganun ka na din sa kanya.
Lihim siyang napabuntong-hininga.
Siguro nga.
Mataman na pinapanuod niya ang dalaga habang kumakain ito.
"Kanina ka pang nakatingin sakin kaya yang pagkain mong walang bawas," sita na nito sa kanya na sinabayan ng paniningkit ng mga mata.
Napangiti siya. "Mas masarap ka kasi kaysa sa pagkain na ito," pilyo niyang saad.
Nanlaki ang mga mata nito na kinatawa niya sabay sara niya sa bibig nito na napanganga sa sinabi niyang iyun.
Nang makabawi ito. Naningkit ang magaganda nitong mga mata.
"Ngayon ko lang nalaman na may pagkapervert ka bukod na alien ka," saad nito na may diin na natiling masama ang tingin sa kanya.
Gustong-gusto niya talaga nakikita ito napipikon sa kanya.
He chuckled. Inabot niya ang kamay nito na nasa gilid ng plato nito at dinala niya sa bibig para halikan ang likod ng palad nito.
"Nagbibiro lang ako..you are so beautiful,My sweet Rhoda..kaya hindi ko maalis-alis ang mga mata ko sayo," matapat niyang saad.
"Ahm,k-kain na nga lang tayo,"anito na hindi makatingin sa kanya.
Realization hit him that he's really in love with her,too!
Oo..wala ng duda at wala ng tanong-tanong.
Ito pala ang sinasabi nila pag-ibig.
Masarap sa pakiramdam at para kang nakalutang sa tuwing kasama mo siya at nakikitang masaya ito.
Kapag hindi niya ito nahahawakan parang may kulang..malungkot.
Ito na nga talaga ang sinasabi nilang pag-ibig.
Hindi niya binibitawan ang kamay ng dalaga habang tinutungo nila ang parking area. Malayo-layo pa naman ang pinagparadahan kaya ng bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan.
Napatili ang dalaga sa biglaan pagbuhos ng ulan. Agad na hinapit niya ang dalaga sa beywang nito upang hilahin sa lugar na pwede nila masilungan muna.
Mabuti na lang bakante ang isang waiting shed at doon sila sumilong.
Nabasa na sila pareho at ng lingunin niya ang dalaga pinupunasan nito ang magkabilang braso na nabasa ng ulan gamit ang mga palad nito. Kahit ang buhok nito ay nabasa na din gaya niya.
Agad na umangat ang kamay niya upang hawiin ang basang hibla ng buhok nito na tumatabing sa kalahati nitong mukha.
Natigilan ang dalaga at napalingon sa kanya.
"Basang-basa ka,"anas niya.
Sumimangot ito. "Bakit hindi ka nagmagic ng payong?"
Natawa siya sa sinabi nito.
"Hindi naman ako genie eh,"nakangiti niyang turan.
Nakasimangot pa rin ito. "Basang-basa tuloy ako.."tila bata na maktol nito habang abala pa din sa pagpupunas ng basa nitong braso.
"Suutin mo nga ito,"aniya habang hinuhubad niya ang suot na jacket.
"Wait lang,patutuyuin ko muna mga to..baka mabasa jacket mo,"anito na mas concern pa sa jacket niya kaysa ang lamigin ito.
Hindi niya ito pinakinggan. Pumuwesto siya sa harapan nito at siya na nagsuot rito ng jacket niya.
"Matutuyo din yan kapag sinuot mo ito,lalamigin ka oh,"aniya habang sinusulot niya ang isa nitong braso sa kabilang sleeve ng jacket niya.
Tahimik lang na nagpaubaya ang dalaga sa ginagawa niya.
Agad na isinara niya anh zipper niyun.
"Hindi na malamig?"untag niya rito na nakamasid lang sa kanya.
Umiling ito. "Ikaw? Paano ka?"mahihimigan ang pag-aalala nito sa boses nito.
Nagkibit siya ng balikat sabay paikot niya sa mga braso niya sa balikat nito.
Napasinghap ito sa ginawa niya.
"Yayakapin kita para hindi ako ginawin,"nakangisi niyang turan rito habang nakatunghay siya sa maganda nitong mukha.
"Tsansing ka lang eh,"sita nito na kinatawa niya.
Mabilis na pinatakan niya ng halik ang noo nito.
"Sarap mo naman yakapin,"pilyo niyang saad.
Mahina nitong hinampas ang likod niya na lalo kinatawa niya.