FOREVER
He's so happy. Kasingningning ng mga bituin ang kasiyahan niya habang pinagmamasdan ang papalapit ng babaeng na siyang mas nagbigay ng ningning sa buhay niya. Napakaganda nito sa suot nitong puting bestida na may simpleng disenyo na may mga burdang hugis bituin.
Mas lalo nangningning ang kagandahan nito sa ilalim ng maliwanag ng buwan at ng mga bituin.
Ito ang gabi ng kanilang pag-iisang dibdib sa tulong ng isang judge na nakausap nila ni Rhoda mula sa bayan. Wala man saksi bukod sa judge na kinuha nila. Alam niyang saksi ang kapwang-bituin niya ng mga oras na iyun.
Napukaw siya ng hawakan nito ang kanyang kamay. "Constell.."
Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang kamay nito.
"Napakaganda mo,my sweet Rhoda.."
"Salamat..ikaw naman lalo kang gumwapo sa suot mo," ganting tugon nito.
Isang halik ang tinugon niya rito ng maalala na may naghihintay sa kanila para simulan ang pag-iisang dibdib nila ay pinutol niya agad ang halik. Makakapaghintay pa naman siya.
He made love with her,later.
Magkayakap sila ng asawa na niyang si Rhoda na nakaharap sila sa papasikat ng araw mula sa silangan. Nakasandig ito sa harapan niya na tanging kumot lamang ang takip sa mga katawan nila.
"Ang ganda talaga ng sunrise," bulalas nito habang pinagmamasdan nila ang papasikat ng araw.
Mahigpit niya itong niyakap. "Mas maganda ang asawa ko kaysa dyan,"anas niya sa tapat ng tainga nito.
Natawa ito at bumaling sa kanya. Nakangisi siya rito.
"Asawa mo na ako kaya hindi mo na kailangan mambola pa..saka magkababy na tayo,"may panunudyo saad nito sa kanya.
Natawa siya ng mahina sa sinabi nito.
Agad na hinaplos niya ang papaumbok na nitong tyan sa ilalim ng kumot. Buong suyo. Maingat na pinakiramdaman niya iyun. Nasasabik na siyang tunay na masilayan ang kanilang magiging anak ni Rhoda. Sabik na sabik na siya makita ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Ang kanyang kasiyahan.
"Excited na nga kong makita ang baby natin," aniya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa tyan nito. Dinantay naman nito sa ibabaw ng kamay niya ang kamay nito.
"Ako din naman..sino kaya kamukha niya?"matamis ang ngiti nitong sabi sa kanya.
He smiled at her,too. "Sigurado ako yan,"may pagmamayabang niyang tugon rito.
"Paano kong babae,syempre ako ang kamukha," anito na sinabayan naman ng pagtaas ng kilay nito.
Kung magiging babae man ang kanilang anak hindi na siya magtataka kung mamana nito ang kasupladahan ng ina nito.
He chuckled. "Totoo yan,"saad na lang niya. Ayaw niyang kontrahin ito lalo pa alam niyang bawal mastress ang isang babaeng nagdadalang-tao.
He learn many things about it. Nagresearch siya at inalam kung paano alagaan ang isang nagdadalang-tao at marami siyang nalaman. Lahat gagawin niya para lang maging maayos ang kalagayan nito habang hindi pa nito isinisilang ang kanilang anak.
Tumawa ito at muling humilig sa kanya. "I'm sleepy now.."anas nito sabay pikit na ng mga mata nito.
Agad na inayos niya ang posisyon nito. Patagilid na ito na nakasandig sa kanya.
"Pahinga ka na..panunuorin ko muna ang maganda kong asawa matulog,"masuyo niyang sabi rito.
Natawa ito habang nakapikit. "Thank you,asawa ko.."anas nito at sumiksik sa katawan niya.
Hinaplos niya ang pisngi nito at pinatakan ng halik ang nuo nito.
"Sweetdreams,my sweet Rhoda.."anas niya ng makitang nakatulog na nga ito.
Pinagmasdan niya ito habang nasisikatan ito ng araw. Isang matamis at maligayang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya habang nakatitig pa rin sa babaeng nagpasaya at nagbibigay sa kanya ngayon ng liwanag at kislap sa kanyang buhay.
Nawala man sa kanya ang lahat. Nasa mga bisig naman niya ang kanyang ningning..ang kanyang langit.
Ang kanyang walang hanggan na pag-ibig.
His forever.
His star of his life.
The end
💓💓💓💓💓💓💓💓
Muli,salamat sa mga nagbasa nito!Thank you!
Love lots💓💓💓💓