Chapter 23

2.8K 115 4
                                    

GHOST

Primiere night ng pelikulang ginampanan nina Jason at Devine at nagpasya si Rhoda na magpunta sa mismong Prescon kung saan hahalo siya sa mga fans nito na manunuod sa gabing iyun.

Suot ang isang bullcap maliban doon hindi na niya tinakpan pa ang kanyang mukha. Hinayaan naman siya ni Constell.

Nasa labas ito at maghihintay sa kanya hanggang sa masatisfied siya na makita ang dalawang tao nagpasakit sa kanya.

Ngayon nga ay nagkakagulo na ang lahat ng magsimula na ang interview ng dalawa.

They are look so good to each other. Naging patok ang loveteam ng dalawa dahiL maganda raw ang chemistry. Alam na ng lahat na couple ang dalawa sa likod ng camera kaya naman mas lalo dumami ang tagahanga ng mga ito. Mapait siyang napangiti. Ni minsan hindi naging bulgar ang relasyon nila ni Jason.

Ni hindi naman niya alam na isa lamang pa lang pagkukunwari pero nakikita niya ngayon ay ang totoo. Ang katotohanan na isa siyang malaking tanga.

Naikuyom niya ang mga palad habang mariin na nakatitig sa dalawa na sweet na sweet sa isa't-isa. Wala na siyang ibang nararamdaman kundi pagkadismaya sa mga ito. Oo..masakit pa rin pero hindi na aabot sa punto na gusto niyang gantihan ang mga ito. Marahil naging malaking tulong si Constell para makapagmove on ng tuluyan.

Yeah,Constell is the reason kung bakit dapat na niyang patawarin ang mga ito.

Natanto niya na walang magandang maidudulot ang paghihigante. Hahayaan na lamang niya ang tadhana ang gumawa ng paraan na makaganti sa mga ito.

Napakislot siya ng magtama ang mga mata nila ni Devine. Nanlaki ang mga mata nito at agad na napabaling sa kasintahan.

Nakita niya ang pagkakunot ng nuo ni Jason ng mapuna ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Devine. Lumapit ito sa lalaki na kinatili ng lahat sa inaakalang naglalambing ang dalawa pero para lamang iyun ipaalam sa lalaki ang pagkakita sa kanya ni Devine dahil bigla na lamang ito tumingin sa gawi niya ang dating kasintahan. Hindi siya nag-iwas ng mga mata rito. Gaya ni Devine nanlaki din ang mga mata nito. Hindi niya alam kung napupuna iyun ng lahat!

May kung anong kasiyahan sa puso niya na makita ang naging reaksyon ng mga ito sa kanya.

Bago pa man muli sumulyap sa kanya ang dalawa mabilis siyang humalo sa mga nagkakagulong fans ng mga ito. Siksikan kaya madali niya naikubli ang sarili sa mga ito.

Agad na inalis niya ang suot na sumbrero at sumandal sa isang gilid. Napangiti siya. Malamang iisipin ng mga ito na isa siyang multo na nagpakita sa mga ito.

Napabuga siya ng hangin. She feel lighted now. Magaan na ang pakiramdam niya. Sapat na sa kanya na makita ang panghihiklabot ng nga ito mg makita siya.

Napangiti siya ng salubungin siya agad ni Constell at halikan sa mga labi niya.

"Okay ka na?"nakangisi nitong turan sa kanya.

Nakangiti na tumango siya agad rito.

"Yes..pinatawad ko na sila," aniya na magaan ang loob.

"Hmm..mabuti naman kung ganun..uwi na tayo?"pag-aaya na nito.

"Opo!"agad na tugon niya rito.

Natatawang inalalayan siya nito makasakay hanggang sa kotse nito.

Kinabukasan,naging balita ang biglaan pagsugod sa ospital ni Devine. Ayon sa manager nito ay naover fatigue daw ang dalaga.

Napabuga siya ng hangin. Sigurado siya sa pagkakita nito sa kanya ng nakaraan gabi ang dahilan kung bakit ito naospital.

"Hey, my beautiful ghost.." pukaw sa kanya ni Constell.

Natawa siya. Kinuwento niya rito ang nangyaring pagkakakita sa kanya ng dalawa..

"Hindi ko alam na aabot pa sa ospital ang pagpapakita ko sa kanila," aniya habang nakatitig pa rin sa umiereng balita tungkol rito.

Constell chuckled then hug her.

"Guilty proven.." anito.

"Basta napatawad ko na sila.." aniya.

Yeah,past is past. Ang importante sa kanya ngayon ay ang hinaharap..kasama si Constell..sa isang maiksing oras.

Ang tunay na pag-ibig.

Sakali man na magtagpo-tagpo muli silang tatlo wala na siyang sakit na mararamdaman o anupaman. Alam niyang wala siyang ginawang kasalanan sa mga ito at lalo na ikakasakit ng mga ito mula sa kanya.

Sa kanilang tatlo panigurado ang dalawang iyun ang makakaramdam lamang ng guilt.

Bigla tulog siya nasabik sa isipan na magtagpo-tagpo sila.

Sa isang eksena na hindi magagawa ng mga ito na makaimik habang namumutla ang mga mukha ng mga ito.

Pero ngayon tuluyan na siya nakamove on mula sa sakit na dinulot ng mga ito sa kanya. Wala na siyang ibang aalalahanin pa kundi ang magsisimula ng relasyon nila ni Constell.

Ang totoo at tunay na pag-ibig na nararamdaman niya na akala niya ay naramdaman na niya noong unang buhay niya.

Napangiti siya.

Ang lahat ng ito na nagbago sa kanya ay dahil kay Constell. Hindi lamang bagong buhay ang binigay nito sa kanya pati na rin ng bagong pag-asa at damdamin na tangi dito lamang niya ipapadama.

SSL Series 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon