Dinner
Sa templo nila hindi siya nagluluto para sa kakainin niya. Isang kumpas mo lang may nakahain ng pagkain sa harapan mo. Pero ngayon gusto niya siya mismo ang magluto niyun. Hindi niya alam pero mukhang napahiya siya sa sinabi ni Rhoda ng maghapunan sila at ginamit nga niya ang kakayahan niya para sa kakainin nila.
"Alam kong alien ka pero mas masarap pa rin kung sarili mong sikap na ihanda ang mga pagkain mas masarap kainin kasi yun,"
Napabuga siya ng hangin. Napakalaki ng epekto ng dalaga sa buo niyang sistema. Ang mga bagay na madali para sa kanya at tila kailangan niyang paghirapan ngayon. Hinayaan na lang din niya na tawagin sya nitong Alien. Natutuwa pa nga siya kapag tinatawag siya ng ganun ng dalaga.
Napakakomplikado talaga ng mga tao.
Hindi,Constell,mali ka. Ginagawa mo yan kasi gusto mo maimpress sayo si Rhoda!
Napakunot siya ng nuo. Totoo ba yun? Bigla na lang siya kinakausap ng isip niya?
Gusto mo siya..nagkakagusto ka sa babaeng taga-lupa!
Napaawang ang bibig niya at nasapo niya ang dibdib kung saan gumagalabog ang puso niya.
"Anong niluluto mo?"bigla pagsasalita ng babae iyun na siyang gumugulo sa isip niya at...puso.
Tila huminto sa pagtibok ang puso niya ng marinig ang boses ng dalaga. Awang ang bibig na humarap siya rito.
"Bakit?" nagtataka nitong puna. "Ahm,may..may sakit ka ba sa puso?" puna nito sa pagkakasapo niya sa dibdib niya.
Doon lang siya natauhan. Agad na umiling siya at natatawang napabuga siya ng hangin.
"Uh,nagluto nga pala ako," aniya.
Nagtaas ito ng kilay. "Magic na naman?"anito na tila hindi kabilib-bilib ang kakayahan niyang iyun.
Siya naman ang napataas ng kilay. "Hindi ko minagic,kumukulo pa nga eh," sarcastic niyang sagot rito at nilahad ang tinutukoy niya.
Lumapit ito at sinilip ang kaldero na nakasalang pa rin sa kalan. Napatitig lang siya sa dalaga. She's really beautiful!
"Hmm,mabuti marunong kang magluto?" anito ng sumulyap sa kanya.
Napangiti siya. Naimpress na ata niya ang dalaga.
"Oo naman..natural na yun sa isang tulad ko na maraming kakayahan at dahil espesyal akong nilalang madali na samin ang matuto kaagad ng ganun kabilis," proud niyang saad.
Tumango-tango ito. "Ahm, gutom na ko,luto na 'to?"baling nito sa niluluto niya.
"Oo naman,sige na,maupo ka na isasalin ko lang sa lagayan," aniya.
Mabilis naman itong tumalima at mabilis din ang kilos niya na ihain ang niluto niya sa harapan ng dalaga na hindi ginagamitan ng pagkumpas ng kamay niya.
"Paborito mong sopas," aniya ng mailapag niya sa harapan nito ang isang bandehado na puno ng sopas.
Namamangha napatingin sa kanya ang dalaga.
"Hindi ko na tatanungin kung paano mo nalaman pero salamat,Constell..ikaw lang ang nagluto ng paborito ko sa buong buhay ko,"anito na mahihimigan ang lungkot sa boses nito.
"Naimpress ba kita?"pukaw niya rito upang mawaglit ang lungkot na nakikita niya rito.
Natawa ito sa sinabi niya.
"Well,effortless,weakness ko ang ipagluto ako ng isang lalaki...ng alien na rin," natatawa nitong saad.
Napatitig siya sa magandang mukha ng dalaga. Mas tumitingkad ang ganda nito kapag masaya at may ngiti ito sa mga labi.
"Huwag ka ngang tumitig sakin ng ganyan,baka bigla ako maglaho na parang bula,nagmamagic ka pa naman," pukaw nito sa kanya.
Natawa siya ng mahina sa sinabi nito. "Nagagandahan kasi ko kaya napatitig ako sayo," aniya na kinailang nito bigla na kinangisi naman niya.
"Tss! Dinner na nga tayo,gutom lang yan!" sikmat nito na tinawanan lang niya .
Having dinner with her is making him so happy and so content that will never exist on his entire life.
Hindi rin niya inaakala na mararanasan niya ang isang bagay na yun sa isang taga-lupa.
Na habang nakakasama ito ang lahat na bagay ay nagiging importante sa kanya. Pinapahalagahan niya gaya na lang pagluluto niya na hindi niya ginagamitan ng mahika.
Pagpapaimpress lang ba talaga ang pakay niya o may iba ng dahilan iyun?
Pinakiramdaman niya ang sarili habang nakamasid sa dalaga na abala sa pagkain nito. Hindi nito napapansin ang ginagawa niya.
Sinusundan ng mga mata niya ang bawat galaw at kilos nito. Ang pagbuka ng mapupula nitong mga labi. Ang pagsasalubong ng makurba nitong kilay ang pagtaas-baba ng makakapal at mahahaba nitong pilik-mata.
Lahat ng parte ata ng mukha nito ay tinandaan na niya.
Saka lang ito nakaramdam marahil ng makita na hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.
Kunot ang noo nito na nag-angat ng mukha sa kanya.
"Lalamig ang pagkain mo?"pukaw nito sa kanya.
Saka lamang siya natauhan sa sinabi nitong iyun.
"Pinapalamig ko pa,"pagpapalusot niya.
Nagtaas ito ng isang kilay. "Pwede mo naman hipan saka mo isubo,"sabi nito.
Natawa siya.
Oo nga naman,bituin!
"Ang sarap kasi ng kain mo kaya pinanuod muna kita,"aniya.
Bigla ito nag-iwas ng mukha at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pamumula nito.
"Ewan ko sayo,kumain ka na nga,"sabi nito na lalo niyang kinatawa.
She's so adorable and yet so beautiful.