Prologue

8.3K 67 13
                                        

La Trinidad, Benguet
May 20, 2005

NANATILING nakatitig si Justin sa bunsong kapatid na si Joselle na siyang umiiyak dahil sa nangyari sa kanilang pamilya. Ilang metro ang distansiya niya mula sa kapatid kaya wala na siyang nagawa't tinitigan niya na lamang ang umiiyak na kapatid. Napapitlag siya nang hilahin bigla ng Mommy nila iyong braso niya.

"Let's go, Justin," mahinang usal ng Mommy nila. Napatingin muli siya sa ina at saka binaling muli ang tingin sa kapatid na siyang umiiyak. Narinig niya namang kumawala ng hininga ang Mommy nila at binitawan iyong braso niya. Lumapit ito sa bunsong kapatid niya at saka niyakap nito ang kapatid.

"I'm sorry, baby. We will settle things first. Kukunin ka rin ng Mommy if everything's well." Umiiyak na turan nito.

Sa senaryong iyon naramdaman din ni Justin ang pagtulo ng luha niya mula sa kaniyang mga mata. Bilang nakakatandang kapatid at mayroon nang isip, naiintindihan niya na ang nangyayari at naaawa siya sa kaniyang bunsong kapatid. Agad na lamang bumalik ang Mommy nila sa kaniya at hinigit siya.

But before he go away, he mouthed out those words to her. "I'll be back, Joselle. We'll be back for you."

Saka na sila lumabas ng Mommy nila ng kuwarto. Bumuhos na lalo ang luha niya nang malaman niyang sira na ang pamilya nila at hindi na maibabalik pa ang kahapon.

**

NAPALINGA siya sa paligin habang hinihintay niya ang kaniyang ina na may kausap na isang abogado. Masinsinang pag-uusap ang sa tingin niya'y pinag-uusapan ng Mommy niya at ng abogado. Napabuntong hininga na lamang siya kasabay ng pagtingin sa sahig.

Labis siyang naiinis sa sarili dahil sa pagsusungit niya sa kaniyang bunsong kapatid. Hindi niya rin kasi inasahan na ganoon ang mangyayari sa kanilang pamilya--sa Mommy't Daddy nila. Tahimik na lamang niyang dinukot sa kaniyang bag ang gameboy at naglaro na lamang.

Sa loob-loob at isip-isip niya'y nais niya na lang kalimutan ang kalahati ng pamilya nila--ang Daddy at ang kapatid niya. Pero hindi niya magawa.

Hindi niya kaya.

Alam niya sa sarili niya kung gaano siya kalapit sa Daddy niya at kay Joselle. Mariin siyang naglaro ng gameboy na tila masisira na ito dahil sa inis na nararamdamam niya.

Naiinis siya.

Naiinis siya dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa kapatid niya.

Agad niyang ibinato ang gameboy sa dingding at nasira ito. Mga tao sa loob ay napatingin sa gawi niya. Wala siyang pakialam sa iba bagama't nainis lang naman siya. Pero bata pa lang, at bilang trese anyos na binatilyo, hindi puwede at hindi maaari ang nararamdaman niya.

"Justin," maawtoridad na tawag ng Mommy niya. Napasabunot na lamang siya ng kaniyang buhok nang biglang tumulo ang luha niya. Inangat niya ang tingin sa Mommy niyang nang may tumutulong luha sa kaniyang mata.

"Get in the car and don't go out! Control your feelings, son!" agad na lamang siyang napayuko ulit.

"I can't. I can't fight my feelings!" sigaw niya sa namamalat na boses.

"I didn't say fight your feelings, just control it! Alam ko naman na mabilis ka mairita at magalit, anak," at lumuhod itong Mommy niya, pinunasan nito ang mga luha niya.

"Mom," turan niya habang umiiyak.

"Justin, one month. We'll wait for a month before we leave the Philippines." Kalmadong wika nito sa kaniya.

"How about Joselle and Dad?"

Ngumiti na lamang ito ng mapakla sa kaniya lumandas na rin ang luha nito. Sa nakikita niya, hindi rin ginusto ng Mommy nila ang nangyari ngunit nakapagdesisyon na kasi ito na lumayo na muna at isama siya. Para naman malaman niya--nila kung maaayos pa ba ang nasirang pamilya nila o hindi na.

"I will do anything to make our family as a whole again. Kukunin ko rin si Joselle kapag okay na ang lahat." Pinunasan na nito ang luha at saka tumayo na.

"Mom, are you sure about that? Ayokong mapalayo sa kanila, lalo na kay bunso." Humupa na ang inis niya kaya kalmado na rin niyang tinanong ito.

"Yes, Justin."

Napatango na lamang siya.

"Now, get in the car and don't go out okay? Malapit na itong matapos." Ngumiti ito sa kaniya at saka umalis na sa kinauupuan niya. Agad niya na lamang dinampot ang gameboy na nasira na at saka lumabas.

Tulala lamang siyang nakatitig sa kawalan nang may napansin siyang nakapatong sa upuan ng kotse nila. Isang larawan. Isang family picture. Agad niya namang dinampot iyon at tinitigan.

Nakangiti silang apat sa birthday mismo ng bunso niyang kapatid, si Joselle. Hinaplos na lamang niya ang larawan na kung saan nakatayo ang mga nasa limang taong gulang na si Joselle at siya naman ang nasa tabi nito. Agad niyang inilapit ang mukha niya sa litrato at hinalikan ito.

"I will do everything to see you again very soon, bunso."

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon