Chapter 13

329 14 11
                                        

Isang linggo na ang lumipas muli nang magkita sila ni Joselle. There's nothing new in his day instead checking the updates on his business. Ulat ng kaniyang engineer ay mga nasa sixty percent na raw ang gusali. Natuwa naman siya sa magandang balitang natanggap niya. Other than that is his plans on how he promote his business. Mahirap iyon para sa kaniya lalo na't ayaw pa niyang magpakilala sa publiko.

Naisip niyang gusto niya magliwaliw muna sa probinsya. Ngunit hindi niya alam kung makikilala pa siya ng mga pinsan na siyang mga kababata niya. He's longing to that place, too. Alam niyang malamig ang klima roon at sanay rin siya sa malamig na lugar dahil sa tinitirhan niya roon sa Amerika. His place there was near strawberry fields it's just few steps away from their house before. Pero hindi niya na alam kung ano na ang nangyari sa bahay nila kung saan siya lumaki noon. Iniisip niya kung ang bahay ba nila na iyon ay kanila pa o mayroon nang nagmamay-ari nito. 

Biglang lungkot ang kaniyang naramdaman nang maalala ang malungkot na nakaraan ng kanilang pamilya. Hindi niya rin alam ang buong istorya ngunit labis siyang nalungkot sa mga nangyari noon. For him, it's not that easy to grow up in a broken family. Paano pa kaya si Joselle?

Naalala niya bigla n'ong tumawag ang Mommy niya na gusto siyang papuntahin doon sa mga kaanak nila dahil wala naman siyang kakilala sa Metro Manila. Ngunit ang target location niya naman kasi ay nasa Taguig, Metro Manila. Kaya napilitan din siyang umupa ng maliit na boarding house na puwede ang lalaki. Masuwerte rin siya dahil mabait ang landlord sa tinutuluyan niya.

"Huy," bumalik naman siya sa ulirat nang mapukaw siya ni Karlo. Nagpi-facetime silang dalawa ngayon at nangalumbaba naman siya saka nilagok at natira sa canned beer niya. Napahilamos siya ng mukha at saka napaisip.

"I don't know, man. Wala pa kasi akong budget para pumunta r'yan, e. Akala ko nasa Makati ka kasi," nakita niya naman tumango ito at saka may tumabi rito na babae saka niyakap nito ang pinsan niya.

"Sus, ikaw pa ba mawalan ng budget, galing ka ngang Amerika?"

Napakamot naman siya ng ulo. "Hindi naman pag galing Amerika marami ka nang pera, e."

"Uy, kamusta roon si Tita Josie? Baka binibigyan mo ng sakit ng ulo si Mommy mo, a." umiling naman siya saka tumawa rito sabay ng pagdukot ng sitsirya.

"Gago hindi,"

"May punto ang gago mo, bro. Para ka nang hilaw." Tumawa ito at saka sinenyasan nito ang kasama kaya naman umalis ito bigla.

"Sira ulo ka talaga."turan niya at tumayo naman ito bigla kaya tinanong niya ang pinsan.

"Tuwa'y dagwan mo, bro?"

Nakita niya naman ang gulat sa mukha nito nang magsalita siya. Hindi pa rin naman talaga nawawala sa kaniya ang dialekto ngunit hindi rin siya sigurado kung tama ito. Mas nasanay kasi siya sa Filipino language kumpara sa dialekto nila. 

"Ulitemman ti imbagam, p're?" natatawang tanong nito sa kaniya. Napakamot na lang siya ng ulo na tila naubusan na siya ng salita.

"Ewan ko sa 'yo, Karlo. Alam mo naman na kaunti lang ang alam ko sa salita natin diyan," tumango-tango naman si Karlo sa kaniya bilang pagsagot. 

"Hindi ka pa rin talaga nakakalimot. Baka may time ka, pasyal ka rito. Maraming bakanteng kwarto sa bahay, p're." Tumayo ito at nagtungo ito sa kusina ayon sa nakikita niyang background ng pinsan. 

"Oo, kapag okay na budget ko," at tumawa siya kasabay ng pag-ubos niya sa natirang sitsiryang kinakain niya. Agad niya nang ibinaba ang tawag at saka tinapon ang mga kalat niya sa mesa. Mainit na naman ang panahon at parang gusto niyang maligo kung saan nang malaman niya na si Shenice ay may unit doon sa condo sa Buendia ay agad niyang tinawagan ito sa facebook.

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon