Tulala lang nakatitig si Justin sa kawalan. Simula kasi nang kinompronta niya si Joselle ay tila parang may nabawas na sa kaniya. He's now on his fifth bottle of heineken. Pero kahit ano'ng dami ng alak ang iinumin niya hindi pa rin ito mawala sa isip niya. At hindi rin mawala ang mga sinabi niyang masasakit dito. Nasaktan din siya pero kailangan. Lalo na't ilang linggo na lang ay uuwi na siya ng Amerika. May ilang araw pa siya sa Pilipinas para makapag-relax pero maging ang isip niya kasi ayaw din mag-relax.
Tanging iniisip niya lang hanggang ngayon ay si Joselle. Kamusta na kaya ito? Tiyak hindi na ito umuuwi ng dorm dahil sa nangyari. Gusto niya rin sanang kitain muli ito at humingi ng tawad pero ayaw niya na rin kasi pahabain pa ang pagkikita nila. Lalo lang itong mahulog sa kaniya at ayaw niyang mangyari iyon dahil kasalanan iyon. Ano na lang kung pinagpatuloy niya at nalaman ng magulang nila? That is not good. Nagtungo siya sa ref at kinuha ang isang can ng heine. Animo'y parang tubig lang iyon sa kaniya dahil mabilis niya lang naubos ito. Niyupi niya rin ang lata gamit ang isang kamay.
That's how disappointed he is on his decision. Napabuga na lang siya ng hangin at saka nagpalit ng damit. Kikitain niya ngayon si Shenice dahil may nais daw itong sabihin. Pero kung ano man iyon at kung tungkol ito sa nararamdaman ng dalaga ay maiging iwasan niya na muna ito. Ayaw niyang ma-commit pa sa isang tao. Lalo na't nasasaktan pa rin siya sa kaniyang ginawa kay Joselle.
Tila naging flashback sa kaniya mula nang una niyang makita ang kapatid nang pagtungtong niya ng bansa. Alam niya kung gaano siya nito sinungitan mga unang panahon na nagtagpo ang landas nila. Hindi niya na namalayan na tumutulo na pala ang luha niya sa kaniyang iniisip. He's broke--not just broke but he feels like he's now useless. Hindi niya alam sabihin ng iba, babae lang iyon but heck! His feelings for Joselle is not really as a brother. Higit pa roon ang nararamdaman niya.
Matapos niyang gumayak ay agad niyang inayos ang buhok. Tinatamad pa rin siyang mag-ahit at humahaba na ang balbas niya. Imbes na mukha siyang beinte dos anyos, ay tumanda siya tingnan ng kaunti. Wala naman saysay para mag-ayos siya ng kaniyang sarili, e. Suot niya ang long sleeve na sweatshirt dahil maulan na ang panahon at malamig na rin ang paligid. Naisuot niya na rin ang relo niya sa kanang pulsuhan. Hindi niya alam, mas sanay siya magsuot ng relo sa kanan kaysa sa kaliwa. Nakasanayan niya na rin kasi mula noong high school siya.
Umaambon sa labas kaya hindi niya na lang iyon pinagtuunan pa ng pansin. Sa Lawson sa Ayala Avenue naman sila magkikita ni Shenice, e. Rinig niya sabi niyon sa telepono ay tila gusto nitong mag-relax. And so is he? Gusto niya rin magliwaliw at saka makalimot. Nangangamoy alak pa siya dahil sa rami ng ininom niyang heine. Hindi naman siya lasing sa lagay na iyon.
Isinalpak niya sa tainga ang earphones habang naka-play ang It's Not Over ng Daughtry na banda. Bawat lyrics nito ay tila tinatamaan siya. Dahil sweater lang ang suot niya at pantalon saka chucks, tila unti-unting lumalakas ang ambon. Wala na siyang pakialam pa kung magkakasakit siya sa kagaguhang ginagawa niya. Mayamaya pa'y tuluyan nang lumakas ang ulan kasabay ng pagtugtog ng chorus ng kanta.
This love is killing me, but you're the only one. It's not over.
It's not over... yes it's not over to them yet. Napayuko na lang siya at ramdam niya ang pagtulo ng tubig-ulan sa kaniyang buhok. Ang bawat patak din nito ay tila nag-uudyok sa kaniya na tuloy niya lang--tuloy niya lang ang kaniyang sinimulan. Pero hindi puwede, hanggang doon na lang muna ito.
Napabuga na lang siya ng hangin at saka sumilong sa Ayala Triangle. Tinakbo niya lang mula sa kaniyang apartment papunta roon sa Ayala Triangle. Dinukot niya ang cellphone at saka tinawagan si Shenice. Mga ilang ring pa bago nito sinagot.
"Justin? Saan ka na?" Rinig niya sa kabilang linya at maging ang buhos ng ulan ay naririnig niya rin. Hindi pa rin tumitila at tila ayaw na nitong tumitigil. Gusto niya na lang magpakabasa sa ulan kaysa intindihin ang mga nasa isip niya. Dahil sa tuwing iniisip niya ito ay lalo na lang siyang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
Ficción General"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...