Chapter 20

301 12 6
                                        

"Love, thank you so much for giving me a chance," turan ni Shenice at saka tumango na lang si Justin. Nilagok niya ang whisky na nasa baso at saka tumango. Nagtaka siya kung tama ba ang desisyon niya na magkaroon ng ugnayan kay Shenice? Hindi niya pa nakumpirma sa sarili niya na girlfriend niya ito, pero parang gano'n na nga ang tingin niya.

Ayaw niya lang kasi ma-disappoint ang family nito. Lalo na't magkaibigan ang pamilya ni Shenice sa mommy niya. Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili kung tama ba ito? Ito na rin kaya ang gawin niyang dahilan para mapalayo kay Joselle? Heck! His heart... he feels like his heart was cut into half. Napalunok siya at nagsalin muli ng Jack Daniel's. Tila tubig lang sa kaniya sa bilis niyang nilagok ito. Napangiwi siya dahil ramdam niya ang init na dumaan sa kaniyang lalamunan.

Ramdam niya naman ang pagpulupot ng braso ni Shenice sa leeg niya. Pilit niyang umiwas pero baka mahalata siya nito. Pinaulanan din siya nito ng halik sa pisngi, sa leeg at maging sa kaniyang labi. Tulala at malalim pa rin ang iniisip niya. Shenice is just being suicidal. Wala siyang nagawa kundi damayan ito. Ayaw niya namang mangyari ang nangyari rito noong high school sila. He also felt sorry for Shenice. Halatang gustong-gusto siya nito pero hindi niya kasi iyon masuklian ang gusto nito. Hindi niya kayang mahalin ito dahil may mahal siyang iba. 

Siya pa rin... si Joselle pa rin ang nasa puso niya. Niyukom niya ang kamao at saka sa lalagukin niya na sana ang baso ng alak nang pinigilan siya ni Shenice.

"Love..." pagsusumamo nito. He extend his arms as Shenice was rested her head on his chest. Hinagod-hagod niya ang likod nito saka nilagok ang alak.

"Kanina ka pa tahimik. What's wrong?" tanong nito at saka nilalaro-laro nito ang kamay niya na parang bata. Inangat nito ang tingin saka hinalikan siya sa pisngi. Kumawala naman siya ng buntong-hininga roon.

"Wala... I just can't imagine that my project was almost done." 

Umalis naman ang dalaga mula sa pagkakahilig sa dibdib niya at saka binaling nito ang tingin sa kaniya.

"What are your plans right after that? Babalik ka pa ng Amerika, remember? You have your plans on studying college, right? Next month na alis ko pabalik doon. Aasikasuhin ko pa mga papers ko for the interview sa TXST. Ikaw?" anito at saka nilaro-laro ang buhok nito. Puno na naman ng kolorete ang mukha nito kahit nasa condo lang naman sila. 

Pinasadahan ni Justin ang buhok gamit ang kamay saka nilapag ang baso sa center table. Umiling siya saka tinukod ang siko sa armrest. "Pinipilit ako ni mommy sa Williston State College. Pero ayaw ko naman ng kursong pinapakuha niya sa akin kaya nag-aalangan pa ako."

Umusog ito palapit sa gawi niya at saka hinaplos ang pisngi niya. "It's your decision, Justin. You're twenty-one, you should be the one to decide for yourself."

Tumango siya. Sa kabilang banda ay may punto rin naman si Shenice. 

"You have a point. But I will still think about it. I won't let my mom disappoint for that."

"I'm so happy for you, still," hinimas-himas pa nito ang kamay niya.

"Thanks," aniya't hinarap ito at saka ginawaran ng halik sa labi. 

"You smelled alcohol now! Get up at mamimili pa ako ng ipapasalubong ko sa mga kaibigan ko! Samahan mo 'ko, 'di ba?" Pinagsalikop nito ang mga kamay nila.

"I almost forgot." He chuckled.

"Take you time, love!" sigaw nito nang nilisan niya ang living room.

Uuwi muna siya para maligo at magkikita na lang sila ni Shenice sa exact place na sinabi nito. Malalim pa rin ang iniisip niya sa kaniyang naging desisyon. Siguro nga naman ay iyon naman ang tanging paraan para makalimutan na niya ang kaniyang nararamdaman kay Joselle. He took a cab then napped for a while. 

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon