Patalbog na binabato ni Justin ang tennis ball sa dingding ng apartment. Ilang araw na siyang hindi nakalabas. Hindi na rin niya natingnan ang gusali sa Taguig. Tumubo na rin at balbas niya. Hindi na niya naalagaan ang sarili nang maayos. Humaba na rin ang buhok niya dahil wala siyang panahon para pumunta ng barbero. He looks so devastated. Mula nang mangyari ang gabing iyon, hindi na niya nakita pa si Joselle. Sinubukan niyang abangan ang dalaga noon sa tapat ng dorm nito pero umabot na ng alas dose ng madaling araw, at walang Joselle siyang nakita roon.
Napasabunot siya ng buhok dahil ilang beses niya na rin pinuntahan si Shenice sa condo nito pero sampal at binabato lang naman siya ng kung anu-ano nito. Nang magsawa siya sa kakabato ng bola sa dingding ay agad naman niyang niyakap ang throw pillow. Biglang umilaw ang kaniyang phone kaya napalingon siya. Huminto na lamang siya nang mapansin ang wallpaper nito. It was Joselle. Ito 'yong kinuhanan niya ng palihim na litrato ang dalaga sa coffee shop. Hinaplos niya na lang ang litrato ng dalaga at saka na lang lumandas ang luha sa kaniyang mga mata.
Seems like everything became a flashback to him, the dance, the kisses. All of it he missed it the most. Kumawala siya ng buntong hininga at umupo. Sinuot niya na rin ang t-shirt niya at saka naglakad patungong ref. Boxer shorts naman ang suot niyang pambaba. Binuksan niya ito at mabuti't may heineken pa siyang natira rito. Pero hindi iyon ang gusto niyang inumin. Binuksan niya naman ang pantry at naghanap ng chamomile tea. Mas gusto niyang magtsaa na lang muna sa ngayon.
Agad siyang nagpainit ng tubig sa electric kettle at saka naghilamos.
Mayamaya pa'y may kumatok sa pinto. Napalingon siya sa direksyon na iyon. Nagtataka siya dahil wala naman siyang inaabangan na dumating.
Mukha siyang basahan sa hitsura niya lalo na't kakahilamos niya lang. Pakiramdam niya mukha na siyang taong grasa sa hitsura niya. Kumatok muli ang ang nasa labas ng pinto kaya agad niya naman pinihit at seradura saka niya ito hinila para bumukas.
Nagulat na lang siya sa nakita niya. It was Shenice holding a cake with a blue candle on it. It's his twenty second birthday today. He almost forgot it because of the things that he's thinking.
"Happy birthday!" She cheerfully said. Pilit naman napangiti si Justin at saka tinitigan ang cake. Hindi niya alam ang kaniyang magiging reaksyon pero ang alam niya lang ay nadagdagan na naman ang edad niya.
"Make a wish, love," turan nito at napatitig muli si Justin sa mukha nito.
Naging maamo na ang mukha nito at hindi na gano'n kakapal ang make-up na nilagay. Ang buhok nito'y kulay itim na. Hindi na ito tulad ng dati na nagmukha itong Asian-American. Suot nito ang plain na white t-shirt at saka ripped jeans naman ang pang-ibaba. She also wearing peep toes heels. Hindi naman kasi ganoon katangkad ang dalaga. Sa tingin niya'y hanggang dibdib niya lang ito, dahil mga nasa 5'4" ang height nito pero dahil nakatakong ito, tila magkasintangkad lang silang dalawa.
He still can't believe that this is Shenice. Ang laki ng pinagbago nito.
Agad niya naman inagaw ang cake at saka siniilan niya ng halik ang dalaga. Hindi naman naging matagal ito humiwalay siya at saka tinitigan si Shenice. Hinagkan niya rin ang pisngi nito saka umigting ang panga niya. Napailing siya na tila hindi makapaniwala.
"I'm sorry for everything." aniya habang hawak ang baywang nito.
Pinapasok niya naman ang dalaga sa loob ng apartment at hindi niya na pinansin ang mga kalat niya sa loob. Dapat mahiya siya sa dalaga dahil mukhang ewan na ang buong apartment pero pinaupo niya pa rin ito sa sofa.
Napansin niyang nilinga nito ang kabuuang apartment niya.
"God, Justin. Are you that broke?" At tumawa ito. "You know what? I'm sorry too for doing those things to you before."
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...
