A/N: Now Playing Nothing by The Script -- dito huhugutin ang chapter na ito ngayon! Enjoy reading at salamat sa 3k followers! love lots! x
Seryoso ang pinukol ni Justin na tingin kay Joselle. Hindi pa rin ito nakabigkas ng kahit na anong salita mula nang sabihin niya iyon. Naalala na kaya siya nito? Nanatili pa rin sila sa posisyon. Napalunok si Justin at nilapit niya nang paunti-unti ang mukha kay Joselle hanggang sa gahibla na lang ang pagitan nila.
"Joselle," nang malapit nang magtagpo ang mga labi nila ay umiwas si Joselle. Napakagat labi ito at pinunasan ang luhang tumulo. Napayukom naman ng kamao si Justin na parang gustong manuntok ng kung ano.
"Kuya..." umiling ito. "Ayoko pa pumasok sa isang relasyon," seryoso na turan nito at saka pinagpag ang tuhod. Lumingon ito sa gawi niya na naluluha pa rin ang mga mata.
"I understand," he whispered. Tumayo na siya at inilahad niya ang kamay sa kapatid. Tiningnan naman ni Joselle bago nito tanggapin bago tumayo. Ngunit na-out balance ang dalaga sa suot nitong heels kaya naman muntikan na itong matumba nang masalo ito ni Justin. Nagkatitigan silang dalawa. Pakiramdam ni Justin ay bumagal ang takbo ng mundo nang magtagpo ang mga tingin nila. Masuyo niyang inalalayan para makatayo nang maayos si Joselle.
But he feels his heart beating so fast. Was it normal? For him it seems to be pretty unusual. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya dahil ilang taon niya nang nararamdaman sa kapatid niya--sa mismong kapatid niya. Nang maramdaman niyang nanunuyo na ang contact lenses niya ay nagpaalam siya kay Joselle. Napapikit siya at napahawak sa kaniyang mga mata. Nakalimutan niyang maglagay ng solutions.
"K-Kuya okay ka lang?" may bahid ng pag-aalala ang tanong nito. Ramdam niya ang paghawak nito sa braso niya. Umiling siya at tumalikod.
"Umuwi ka na." matabang na sabi niya kay Joselle. Kahit labag sa loob, ay nasabi niya pa rin iyon. Iniiwasan niya ba talaga si Joselle? Pero ayaw niya lang na malaman ito na siya talaga si Justin. Hindi niya alam pero nakukonsensya na siya sa ginagawa niya. Para na kasing niloloko niya ang kapatid sa ginagawa niya. Pero lagi niyang tanong sa sarili niya kung tama nga ba ang ginawa niya?
"H-Hindi ka okay, e." garalgal ang boses nang sinabi ni Joselle.
"Masakit 'yong mata ko, please umuwi ka na, Joselle." Walang kasing lamig ng yelo na sabi niya. Humikbi naman si Joselle kaya narinig iyon ni Justin. Hinarap niya muli ito at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Pumasok ka sa loob. Don't follow me." Wika niya saka pumasok sa loob ng apartment. Rinig niya naman ang tunog ng sapatos nito na sinusundan siya. Pinaupo niya na rin si Joselle sa couch at saka siya dumiretsong kuwarto. Hinanap niya ang solutions sa contact lenses niya at saka niya pinatakan ang mata nguni tila kumapit ang contact lenses kaya ang ginawa niya pinilit niyang tanggalin ito sa kaniyang mata.
Napadaing siya sa sakit pero kalaunan ay natanggal na rin. Naghilamos siya sa banyo at saka nagpunas ng bimpo. Kaharap ang repleksyon ay yumukom ang kamao niya. Sinuntok niya ang pader ng banyo at saka na lang lumabas ang luha sa kaniyang mga mata. Umigting ang panga niya sa kaniyang ginagawa. Kailan pa? Kailan pa siya magpapakilala kay Joselle na siya si Justin? Kailan pa siya magpapakita sa daddy niyang hindi anak ang turing sa kaniya? Kailan pa siya magpapakita sa mga kamag-anak niya? At higit sa lahat, kailan pa niya itatanong sa kamag-anak niya ang tungkol kay Levi? Sino nga ba si Levi?
Bigla na lang nag-vibrate ang kaniyang cellphone at 'yong numero na naman na iyon ang tumatawag. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa telepono na tila mababasag ito. Galit siya, hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung bakit namumuo ang poot sa puso niya. Naging guilty rin siya dahil sa kaniyang pagsisinungaling sa kapatid. Pero ayaw niyang hayaan na mahulog pa siya lalo dahil mali iyon--maling-mali.

BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
Fiksi Umum"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...