Chapter 22

275 8 7
                                        

Weeks have passed and Justin has been alone in his life. No calls and texts from Shenice, and no presence of his sister, Joselle. Mula nang mangyari iyon ay sinimulan na siyang iniiwasan ni Joselle. Si Shenice naman ay hindi siya nito pinapansin. Mahirap sa kaniya ang mag-isa, hindi na rin siya nakakapagbisita sa project niya. Nakaupo siya ngayon sa sofa habang nakatingin sa kawalan. Sinulyapan niya ang kaniyang phone pero walang mensahe ni Shenice man lang siyang natanggap. Did he hurt her that much? Napabuga na lang siya ng hangin at saka hinigop ang tsaa na nasa lamesita.

He wants to go somewhere. He has to apologize to Shenice as well. But on the other hand, he just left his jacket on her. Ilang linggo na rin niyang pinag-isipan ang paghingi ng tawad sa dalaga. He just wants to start on something new with Shenice. Kahit na labag sa loob niya. He has to be careful. Pamilya na rin ang turing sa kanila ng pamilya ni Shenice. Kailangan niyang magkaroon ng utang na loob sa mga Ongpauco.

Naligo na siya at gagayak pa lang para puntahan si Shenice. Pero naisipan niyang daanan muna si Joselle sa dorm nito. Alam niya naman ang dorm nito kaso parang may pumipigil sa kaniya nang may narinig siyang katok sa pinto ng apartment. Napalingon siya roon. Nag-iisip siya kung sino iyon. Kunot-noo siyang lumapit at saka hinawakan ang seradura. Pinihit niya ito at saka hinila.

God, what a coincidence. Tumambad sa harap niya si Joselle na simpleng nakasuot ng dress at saka nakalugay ang buhok nito. Mayroon din itong kaunting make-up at saka simple lang ito. Napalunok siya at nagsimulang tumibok ang kaniyang puso. Napangiti siya at hindi siya makapaniwala. That was unexpected.

"P-Pasok ka," nauutal na turan niya at inilahad niya ang kamay para pumasok ito.

Napakagat-labi naman si Joselle at tiningnan si Justin sa kaniyang mga mata.

"Hindi naman po ako magtatagal, Kuya. I just want to say sorry sa mga nangyari and... sorry kung niyaya pa kitang samahan ako. Pero alam mo po ba ang tanging rason bakit ako nagpasama sa iyo sa mall?" 

Nanungot ang noo ni Justin at saka humalukipkip. Not to mention that he's only wearing his boxer shorts. Nakikita ang bumabakat sa kaniya. Huminga siya nang malalim at sinabing, "What?"

"Gusto ko sanang... samahan mo 'ko tumingin ng dress para sa... prom namin, Kuya? If you are free that time. Pero hindi ko rin inakalang may ibang lakad ka pala n'on."

"No, no, no," umiling siya. "I didn't expect it, too, Joselle. But... why are you saying these things right now?"

Napakagat-labi ito at saka nilalaro pa nito ang daliri. "I don't know... maybe because of your... girlfriend?"

Hinawakan niya ang dalaga sa magkabilang balikat nito. "Forget everything, Joselle. She's not my girlfriend,"

"Do you think I still have the right to get jealous, Kuya? Kahit na minsan nasa bar kayo... I saw you kissing her on a parking lot. To think I still have the right for that to get jealous? Kuya, you don't have to lie to me just to get my feelings. I, myself know to handle the situation. And," kumawala ito ng buntong hininga. Nakatitig lang si Justin na tila hinihintay niya ang susunod pang sasabihin ni Joselle.

"Kaya rin kita iniiwasan. Because at some point, I still felt a pound on my chest and I didn't know how to burst it out. The more I hold on for this, the more it become bigger." Nagsimula na itong naluluha sa mga sinabi. Justin was almost blown out on what she had said. Lalo na rin siyang nakonsensya sa mga ginagawa pa niya sa kapatid. Will he let this continue just to hide his identity to his sister? And even to hide his feelings for her for almost how many years?

"Joselle,"

"And my feelings for you are futile. Kuya," hinawakan nito ang kamay niya at pinadausdos para maipagsalikop nito. Huminga nang malalim si Joselle kasabay ng pagtulo ng mga luha nito.

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon