"Feel at home ka lang, bro," anang pinsan niyang si Karlo na abala sa kaka-init ng pagkain sa ref. Niyaya siyang dito muna mamalagi dahil ilang araw lang naman sila roon sa Baguio. Maganda ang bahay nito na animo'y para lang siyang nasa Amerika. Gawa sa kahoy ang ito at maging ang sahig din ay tila first class pa na wood flooring ang nilagay rito. Nakita niya naman kung gaano ka-organize ang buong gamit ng bahay. May fireplace din ito dahil malamig dito kapag madaling araw.
Nakita niya namang mag-isa lang ang pinsan dito sa bahay. Agad na rin itong gumawa ng tsaa at saka siya tinawag.
Hindi ganoon kalaki ang bahay nito pero sapat na ito para sa hindi gaanong kalaking pamilya. Balita niya rin dito kasi, nagpaparenta rin ang pinsan niya ng mga kuwarto para sa mga turistang pumupunta ng Baguio. For him, Baguio is the best place to unwind. Wala nang iba pang masabi si Justin doon.
And on the other hand, kasama niya rin si Shenice papunta sa bahay ng kaniyang pinsan. Ayaw niya kasing mawala ito sa paningin niya lalo na't malaki ang tiwala ng pamilya nito sa kaniya. Nasa shower ngayon ang dalaga at naliligo. Dahil kakatapos lang maligo ni Justin kaya naman ay pinahiram muna siya ni Karlo ng mga damit na susuotin. Gano'n kasi siya ka handang pumunta ng malalayong lugar nang walang dalang damit.
Tumungo na siya sa dining area at sinimulang kumain ng lasagna.
"Nga pala, bakit mo naisipang mag-Baguio, bro? Hindi mo ba alam kapag kasama mong mag-Baguio girlfriend mo ay maghihiwalay kayo?" Napatigil naman si Justin sa pagsubo ng lasagna at kunot-noong napatingin kay Karlo. Seryoso pa naman ang mukha nito.
Bigla naman nitong pinatay ang ambiance at tumawa. "Joke lang! Masiyado kang seryoso. Nga pala, girlfriend mo kasama mo, 'no?"
Umiling siya, "childhood friend."
Oo nga naman, wala namang bago roon. Sinabi niya na lang childhood friend kahit naman hindi. Luminga siya sa paligid tila may hinahanap na mga kasama nito sa bahay. "Ikaw lang mag-isa?"
"Hindi. Si Mama nasa trabaho. Nagwo-work siya roon sa BIR. Mamaya pa uuwi iyon. Actually, hindi ko pa nasabing nandito ka, e."
Napailing na lang siya sa sinabi ng pinsan. Alam niya bata pa lang ito si Karlo ay maagang nawala ang ama nito. Hindi niya na matandaan pa ang buong detalye dahil noong sa La Trinidad pa ito nakatira ay nakasama rin ito ni Justin sa paglaki. Maging sa pagbibinata nila hanggang sa tinuli sila ay magkasama silang dalawa no'n.
Kumawala siya ng buntong hininga at rinig niyang may papababang yabag. Napalingon siya kay Shenice na siyang nagpapatuyo ng buhok nito.
Ramdam naman niya ang pagtapik ni Karlo. "Sus! Sino maniniwala sa iyo, 'insan? Iyan? Childhood friend mo? Baka nga may nangyari na sa inyo iyan, e. Sa ganda ng babaeng iyan?"
Agad niya naman binatukan ito. "Siraulo ka talaga!"
Umiling na lang ito at saka tinawag si Shenice. "Miss, kain ka muna."
"No need." malamig na turan nito at saka sinampay ang tuwalya sa terrace. Sinundan na lang ng tingin ni Justin ito hanggang sa lumabas na lang ito ng bahay. Agad naman siyang napatayo para sundan ang dalaga pero hinawakan naman siya ni Karlo.
"Bro, hayaan mo muna iyan. Babae, e," at umiling-iling ito. "Ikaw talaga kahit kailan hindi ka marunong tumingin ng instinct ng babae."
Binatukan niya muli ang pinsan. "Pinagkatiwala sa akin iyan ng family friend namin sa States. Baka mapa'no kasi,"
"Aba, yaya ka pala, bro?" at tumawa ito. "Nga pala, nagkita na kayo ni Tito Ed?"
Nailapag niya na lang ang tinidor sa mesa nang in-open ito ng pinsan niya. Nagkita, oo. Pero nag-usap hindi. Hindi niya alam pero tingin niya alam nito na siya si Justin pero binalewala niya na lang. Ilang segundo rin siyang napatahimik habang nakatitig sa kamao niyang namuo. Tinapik naman siya ng pinsan.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...
