Chapter 1

6.7K 57 24
                                        

Williston High School, North Dakota
September 2008

"IS this seat taken?" Napaangat na lamang ng tingin si Justin sa isang boses ng babaeng nagtatanong. Napalinga muna siya sa paligid kung sa kaniya nga ba ito nagtatanong. Kakalapag niya pa lamang ng tray niya sa mesa at akmang ihanda palang sana ang kaniyang kakainin. At dahil wala namang ibang tao rito na malapit sa dalaga at siya lang naman iyon kaya pinansin niya na lang.

He was actually in his junior year now. Mabuti't na-process kaagad ang mga credentials niya sa school niya dati sa Pilipinas. Time flies so fast, tatlong taon na siya sa Amerika. Pero hindi pa rin mawawala sa isip niya ang kalahating parte ng pamilya nila, ang Daddy niya at si Joselle.

"Hey," tawag sa kaniya ng babae. Sa tingin niya'y asian ito kase mukhang medyo maputi, at mukhang pinay ito--nagpakulay lang ito ng buhok na light brown. Balingkinitan ito at mayroong chinitang mga mata. Kung hindi siya magkakamali baka half-chinese half-other asian race ito.

"It's available." Sagot niya naman dito. Nguminit naman ang babae at saka inilapag ang tray ng pagkain nito. Maganda ito kung tutuusin, sexy, chinita at mukhang pasok sa mga tipo niya. Kaso sa edad niyang disesais anyos pa lang ay mukhang hindi pa siya puwedeng pumasok sa isang relasyon. At bakit nga ba doon na napunta ang iniisip niya?

"Thanks. And by the way, it's Shenice." Turan naman nito sabay lahat ng kamay sa harap niya.

Tiningnan na lamang niya iyon. Kahit sabihing tatlong taon pa lang siya sa Amerika, nangangapa pa rin siyang magsalita ng Ingles dahil mas gusto niya pa rin ang bansang kinalakihan niya. Pero wala naman siyang magagawa dahil desisyon naman iyon ng Mommy niya.

Walang anuma'y tinanggap niya ang kamay ng dalaga. "Justin." pagpapakilala niya sabay tingin sa mga mata nito.

Malambot ang mga palad nito na sa tingin niya'y hindi ito gumagawa ng mga gawaing bahay. Ganoon nga naman siguro ang mga tao dito. Kaya nga karamihan sa kanila ay mayroong mga katulong sa bahay. Hindi tulad sa Pilipinas na mga may kaya lang sa buhay ang magkakaroon ng mga gano'n.

Hawak pa rin niya ang mga kamay nito at hindi niya rin maialis ang pagkakahawak niya sa kamay nito. He was mesmerized by her beauty. She seems beautiful especially with her long and shiny hair. And her dress that makes her more natural.

"Umm, Justin?" Pagpukaw nito sa kaniya. Agad niya na lamang hinawi ang kamay sa dalaga. Napangiti na lamang ito.

"You're shy, huh?" natatawang turan nito sa kaniya. Para namang gusto niya nang umalis sa harap no'n sa mga oras na iyon.

"I'm sorry. I mean I..." he didn't really express on what's on his mind because of the girl's chuckle. Natatameme na siya tuloy sa harap nito.

"It's okay, Justin. Ummm I'll see you later, then?" nakangiting turan nito.

Napalunok na lamang siya at nag-iisip ng isasagot sa dalaga. Para sa kaniya, oo. Dahil ilang taon na siya sa eskuwelahang iyon, wala pa siyang nakikilalang mga kaibigan. Una pa lang ito sa taong pag-aaral niya roon. At babae pa, na tipo niya rin.

"Sure." iyon na lamang ang sagot niya.

"So..." anito at tumingin sa wristwatch. "I guess I have to go. See you around, Justin." Tumayo ito at lumapit sa kaniya para halikan siya sa kaniyang pisngi. Nagulat naman siya roon at tila naghuramentado ang sistema niya.

That was just a kiss on the cheeks. Maybe it's normal to them. Hindi kasi siya nasanay roon. Ang alam niyang humahalik sa kaniya sa pisngi ay ang bunsong kapatid niya lang. And he found it cute... and sweet as well.

The bell rang and he just stood up on his table  and went to his designated classroom.

--

FIVE in the afternoon, he was leaning on the tree with earphones plugged in on his ears. Mag-isa na naman siya, as usual. Everytime he got bored, this is where his free time went -- under the tree. Ngayon naman siya nakapag-relax ng maayos dahil medyo okay ang panahon. Hindi masiyadong malamig, hindi rin masiyadong mainit. Para sa kaniya, ibang-iba ang klima rito kumpara roon sa Pilipinas.

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon