Lilingunin na sana ni Justin si Joselle nang may narinig siyang humintong sasakyan sa gawi nito. Napatingin na lang siya sa gilid at nakita niyang may bumaba rito. Hindi niya na rin nakita kung nakatingin pa rin ba si Joselle sa gawi niya kaya nanatili lang siyang nakatayo.
"Joselle, get in," isang boses ng lalaking may edad ang kaniyang narinig. Nilingon niya ang mga ito at nakita niyang nagtungo na ito sa driver's seat. Naglakad patungong passenger seat si Joselle at hinawakan nito ang pinto. Lumingon muli ito sa gawi niya at saka nagtama ang paningin nila. Napalunok si Justin dahil tanging tibok ng puso niya lang ang naririnig niya nang nagtama ang mga mata nila sa huling pagkakataon.
Napangiti siya at itinaas niya ang kamay niya para magpaalam. Ginantihan naman siya nito ng ngiti ngunit naudlot iyon nang magsalita ang lalaki--ang daddy nila.
"Joselle, pumasok ka na ng kotse." maawtoridad na turan nito kaya naman naputol na lang ang tingin nito sa kaniya saka pumasok na ng kotse. Nang umandar na ito ay sinundan na lang ng tingin ni Justin ang paglisan ng kotse ng daddy nila. He clenched his jaw as he formed his fist. Hindi niya alam pero may poot din siyang nararamdaman sa daddy nila -- o sa daddy nito, he must say.
Napasuntok na lang siya sa hangin at saka naglakad papuntang coffee shop. Habang naglalakad siya'y nakatanggap siya ng tawag galing sa kaniyang engineer. Binalita lang naman nito sa kaniya ang tungkol sa building doon sa Taguig. Malapit na raw ito matapos. Kaya naisipan niya na ring magtungo muna sa ATM Machine para makapag-withdraw ng pera. Mukha siyang taong bahay sa suot niya. Isang plain na puting shirt at saka khaki shorts lang suot niya pang ibaba. Magulo rin ang buhok niya at ang bendahe sa kamay niya ay namumula pa rin pero hinayaan niya na iyon.
Napadaan siya sa Mini Stop at saka bumili ng isang kahang sigarilyo. Nagsindi siya ng isang stick saka niya hinithit iyon. Bigla namang may nag-flash sa cellphone niya na hindi kilalang numero. Nagtaka siya sa mga oras na iyon. Hindi naman niya pinapamigay ang numero niya ngunit bakit may tumawag na unregistered number?
Hindi niya na lang pinansin sa halip ay nag-abang na lang siya ng taxi para makapunta sa BGC. Doon na rin siya mag-withdraw ng perang pambabayad sa kaniyang engineer. Inaantok siya pero hindi siya dapat magpapatalo rito baka kung ano pa'ng mangyari sa kaniya. Maiging binuksan niya muli ang kaniyang cellphone. Naroon pa rin ang tumatawag na unregistered number. Walang anu-ano'y sinagot niya ito.
"Hello?" naiinis na turan niya. Tahimik lang ang kabilang linya na tila nakikinig lang ito.
"Hello? Who is this?" tanging katahimikan pa rin ang nasa kabilang linya. Hininga lang ang naririnig niya. Nangunot na lang ang noo niya at saka tiningnan muli ang cellphone screen. Naka-on call pa rin ito kaya sa huling pagkakataon ay inilapat niya muli sa tainga ang cellphone.
"Hello? Anybody there?" turan niyang naiinis na. Bigla niya na lang narinig ang pag-iyak ng babae sa kabilang linya. Humagulhol na ito. The voice seems so inaudible so he just ended up the call. Hindi niya alam, nangunot ang noo niya sa hindi malaman na dahilan. At hindi niya rin alam kung saan nito nakuha ang kaniyang numero.
Napakamot siya ng ulo at nang may nakita na siyang taxi ay pinarahan niya ito. Saka siya sumakay. Ayaw pa niyang bumili ng sasakyan dahil hindi pa niya kayang mag-settle down sa Pilipinas. Ayaw niya rin naman iwanan ang Mommy niya sa Amerika. Nabalitaan niya na rin dito na lumalago na ang business nitong sinimulan. Gumagawa na rin ng souvenir ang Mommy niya. Ang bar niya roon sa iilang county ay lumalago na rin. Kaya kampante siyang magpatayo rito ng isang branch sa bansa.
Napatingin lang siya sa gilid ng kalsada habang naka-headset. Pinapakinggan niya ang Science and Faith na kanta ng The Script. He tapped his fingers on his lap while listening. Napatingin siya sa kamay niyang may bendahe at tinanggal niya ito. Nairita siyang makita ito na dumudugo kanina pa. Kung hindi lang sana ugat niya ang napunit sa pagkakatumba ng dextrose ay ayos lang sana sa kaniya. Tinalian niya na lang ito ng panyo na sobrang higpit para maibsan ang pagdurugo nito.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...
