Chapter 23

287 10 9
                                        

Para silang magkasintahan sa kanilang ginagawa. Patakbong hinawakan ni Joselle ang kamay ni Justin at saka hinila kung saan. Kakatapos lang nilang sumakay ng SM MOA Eye. Ang oras ngayon sa tingin nila'y mag-aalas otso na. Hingal na hingal ay napasandal si Joselle sa seawall habang napapangiti. Tumingin sa gawi niya si Justin na magulo na ang buhok dahil sa mahanging puwesto nila roon. Napapangiti ang dalaga sa taglay na kaguwapuhan nito. Tulalang nakatitig lang siya at nais niyang patigilin pa ang oras. Masaya siya, hindi niya alam pero tipong lumulutang siya sa malambot na ulap habang nakatingin kay Justin.

Imagine having a date on your crush? That's what she felt right now. 

"Shoes untied," turan niya at saka lumuhod para ayusin ang sintas nito pero yumuko rin si Justin kaya bumangga ang noo nila sa isa't isa. The world turns into slow motion scene. Pinasadahan niya ng tingin ang binatang nakatitig din sa kaniya. Ang mga nangungusap na mga mata nito at tila hinahaplos siya sa malalim na titig nito. Napakagat siya ng labi at saka nang makita niyang inayos na ng binata 'yong sintas at tumayo na ito.

Nakaharap muli sila sa Manila bay. 'Yong cruise ship ay umiilaw at nagsisilbing liwanag ito sa gitna ng karagatan. Kanina pang malagkit ang balat niya dahil sa hangin mula sa dagat. Kalmado ang alon na tila nagbibigay ng romantic ambiance. Tumabi na rin siya matapos niyang pinagpag ang dress. 

Naamoy niya pa rin ang manly na pabango nito. Nakita niyang pinasadahan nito ang magulong buhok at saka lumingon ito sa kaniya. She blushed. Ramdam niya kasi ang pag-init ng kaniyang pisngi at maging ang tainga niya rin. Lihim siya napangiti sa sulyap na iyon.

"I want to spend more hours with you, Kuya," turan niya saka suminghap ng hangin. Diretso lang ang tingin niya sa cruise ship na nasa laot. How she wish to go to Corregidor Island someday. Pero wala naman siyang sapat na pera para roon at isa pa, nag-aaral pa siya. She's now a fourth year high school. Mabuti't hindi siya naabutan ng K to 12 program dahil mas maraming taon pa ang gugugulin niya sa pag-aaral.

"Hindi pa naman tayo uuwi, a?" anito at saka inakbayan siya. Hindi niya maitanggi na nilalamig siya kahit hindi naman. Napayakap na lang siya sa sarili. Pero ang pisngi at tainga niya at umiinit. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamaman ngayon habang kasama si Justin. Hindi niya dapat nararamdaman ito kung nagpapanggap lang silang dalawa na magkapatid, 'di ba?

"Nilalamig ka?" He said as he rubbed his palm and then he just put it on her ears. Hindi niya na napansing umiinit ito dahil ramdam niya na ang katawan nito sa likod niya. Napalunok siya at tila lumulundag sa tibok ang kaniyang puso sa senaryong iyon. Tinanggal nito ang palad sa tainga ni Joselle at saka naramdaman niya ang pagyapos nito sa kaniya. Alam niyang hindi siya nito mahahalata, pero nanlaki na lang ang mga mata niya kasabay ng pagkagat ng kaniyang labi.

Napalunok na rin siya sa kilig. Gusto niyang hawakan ang braso nitong nakapulupot sa kaniya pero nahihiya siya. 

Puwede na siyang mamatay sa oras na iyon.

Ramdam niya rin ang pagpatong ng ulo nito sa balikat niya. Hindi niya alam pero tingin niya tumataas na balahibo niya at hindi na siya mapalagay. Lunok siya nang lunok sa mga oras na iyon. That feeling is somewhat unusual to her.

Bigla na lang silang nagulat nang nagputukan ang mga fireworks. Nanlaki ang mata ni Joselle at ginawang sandalan ang katawan ni Justin. Lihim siyang napangiti sa ganda ng fireworks.

Pumorma ito ng iba't ibang hugis at iba't ibang kulay. Mayroon pa ngang hugis puso. Wala namang espesyal sa araw na iyon alam niya. It's a typical Friday night. Kaya siguro gano'n. Ang alam niya kasi nagpa-fireworks ang SM kapag Biyernes ng gabi, e. Pero tila late naman ang fireworks display nila? Samantala kadalasan alas siyete ito nag-uumpisa?

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon