Nakatanggap naman ng tawag si Justin mula sa kaniyang Engineer. Kakatapos niya lang mag-research at magmeryenda ng tumawag ito. Iniisip niya muna kung ano'ng meron bakit tumawag ito ng 'di inaasahan. Tumikhim siya at tiniklop niya ang kaniyang manggas saka sinagot ito.
"Engineer Rendon," bungad niya sa tawag saka nagsalin ng tubig sa kaniyang baso. Sumandal siya sa pantry habang hawakhawak ito.
"Sir, may kaunting problema po tayo rito sa site," dinig niya ang panlulumo ng engineer sa kabilang linya. Napabuga muna siya ng hangin saka nilapag sa kitchen counter ang baso.
"Ano?" Hindi siya makapaniwala at mukhang dito pa siya sasablay sa Pilipinas. Okay ang mga naging investment niya sa States at sa ibang bansa pero ang hindi niya inakala ay dito pa siya sa Pinas mahihirapan. Minasahe niya ang sentido, "akala ko ba okay na 'yong site? You have found the right place there, hindi ba? Bakit nagkaganiyan? Engineer, ipinagkatiwala ko sa 'yo 'yong plano ko. What is this then?" Asar na wika niya sa telepono.
Rinig naman niyang bumuntong hininga ito.
"Ano po kasi, Sir. May nauna na palang kumuha ng lote rito. Wala na rin po ako--"
"Fuck! Gawan mo ng paraan iyan. Nailakad ko na lahat ng papeles, pumunta na rin ako sa bangko para r'yan. Then this is what I found?! Damn it!" Kinalas niya ang butones sa kaniyang long sleeve polo. Pinagsadahan na rin ng mga daliri niya ang buhok sa inis.
"Pasensya na po talaga, Sir. Sinubukan ko naman po magha--" pinutol niya muli nang binagsak niya ang kamao sa kitchen counter dahilan para mag-crack ito.
"Engineer, I trusted you. Please, do anything possible. Anything. Maghanap ka ng ibang site diyan. I won't let that happen because this is my home and I want to start my fucking business here! Sino ba 'yong nakauna riyan sa site?" Nakayukom pa rin ang kamao niya habang umiigting ang kaniyang panga.
He was so stressed out. For sure he will go to the gym right after this.
"Si Maria Pia Delgado po 'yong nakauna. Sige po, Sir Montalban, pasensya na po. Balitaan ko na lang po kayo ulit kung may nahanap na kaming available space," matapos ay binaba niya na ang tawag. Inis siya at sirang sira na ang araw niya. Dumiretso siya sa kaniyang bar ref at saka humugot ng dalawang can ng heinekken.
Gusto niyang uminom muna bago pumunta sa gym para makapagpalamig ng ulo. Nakailang mura na siya sa isip dahil sa problema sa site. Ang plano niya kasi ay kapag nasimulan na 'yong The Alchemist Hut, ay maghahanap na rin siya ng condo na puwedeng i-rent to own. Dahil sapat lang naman kasi ang pera niya para sa pagpapatayo ng bar at 'yong matitira niyang allowance ay 'yon na ang magiging pamasahe niya pauwi ng Amerika.
Hindi pa naman siya uuwi kaya maiging susulitin niya muna ang kaniyang pamamalagi sa bansa. Umilaw ang kaniyang phone at nakita niya ang notification. Hindi niya pinansin ang notification na iyon sa halip ay ang wallpaper nito. Umangat ang ngiti niya na tila nawala ang inis niya kani-kanina lang. Si Joselle kasi ang ginawang wallpaper niya. Naka-stolen shot pa 'yong dalaga habang nasa isang coffee shop. Sayang nga lang at hindi na niya natapos pa ang paguguhit niya rito.
Nilagok niya ang can ng alak at sinunod na niya ang isa. He's perfectly fine now and he's now free to go to the gym.
--
Tagaktak ang pawis niya habang nagli-lift. Buti at naisipan niyang magpa-member sa gym na ito. Nakasalpak sa tainga niya ang earphones at saka tinuloy tuloy ang pagdi-deadlift. Matagal-tagal na rin kasi siyang hindi nakapag-gym dahil abala na siya sa business niya. Mabuti't pati 'yong Mommy niya ay lumalago na rin ang business nitong flower shop. Sa pagkakaalam niya ay nagma-manage na lang din ito ng store nila roon at may mga tauhan na rin ang Mommy niya.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
Fiksi Umum"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...
