Hindi makatulog nang maayos si Justin sa pangyayaring iyon. Lumipas ang isang araw nang mangyari ang eksenang iyon. Iyong Nana Zena na tinatawag ni Karlo... hindi maaari ang kaniyang iniisip. Gusto niya man mabigyan ito ng linaw, pero parang hindi pa niya kaya--hindi pa siya handa. Ilang araw na ring hindi niya kinakausap ang ina na si Josefina. Maging si Karlo ay hindi niya na rin kinausap no'ng araw na iyon. Ngayon ay narito siya sa 108 Session Road Cafe, dito kasi siya dinala ng kaniyang mga paa. Hindi na siya umuwi sa bahay nina Karlo mula nang mangyari ang lahat ng iyon.
Sariwa pa rin sa isip niya ang mga ito.
"L-Levi... anak ko..." tuluyan nang humagulhol ang ginang at saka hindi na binitawan si Justin. Hindi niya alam kung ano ang umudyok sa kaniya para makarating doon--dahil na rin siguro sa kyuryosidad na malaman ang tungkol sa ginang.
Ani Karlo sa kaniya, bente anyos lang daw ito nang mabuntis ito ng isang foreigner. Nagta-trabaho kasi itong waitress sa isang bar. Wala na siyang ibang nasagap pa na impormasyon. Agad siyang lumabas ng gusali at saka tumakbo. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman sa sitwasyong iyon. Tila nakaramdam siya ng lukso ng dugo?
"No, no, no! This can't be!" pasigaw na turan niya sa kawalan. Patuloy na dumaloy ang luha niya sa kaniyang mga mata. Sa halip ay marami na siyang katanungan ngayon. Nais niya sanang kausapin ang mommy niya tungkol dito. Hindi niya na rin alam kung sino talaga siya. Labis siyang naguguluhan sa mga nangyayari.
If it's all true, he will pursue his feelings to Joselle. Habang tumatakbo siya, patuloy rin sa pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi na rin mawari ang kaniyang nararamdaman. And about Shenice? He didn't know where she went. Napahinto siya sa bar nang papakagat na ng dilim. Sapat pa naman siguro ang pera niya para pang-inom at kapag bubukang-liwayway na, puwede na siyang bumalik ng makati.
Napapunas ng luha si Justin nang maalala ang lahat ng iyon. Ang lahat ng iyon na hindi pa niya makumpirma kung totoo. Paano kung gumagawa lang ng kuwento ang ginang? Paano kung hindi siya ang Levi na tinutukoy nito? Paano kung nagkataon lang ang lahat na maging siya ay may balat doon sa bandang tiyan? Paano kung ang lahat ng iyon ay nagkataon lang?
Gulong-gulo si Justin dahil sa mga nangyayari. Tila naging isang flashback na lang sa kaniya ang mga naging samahan nila ni Joselle.
Hindi niya alam kung gaano siya nahuhulog lalo sa dalaga sa tuwing tinititigan niya. Walang sinumang makaputol ng titig na iyon dahil alam niya sa sarili niya na iba ang nararamdaman niya rito.
Napasabunot na lang siya ng buhok habang humahagulhol sa iyak. Hindi niya alam pero labis na sakit ang nararamdaman niya sa kaniyang puso ngayon. Sana hindi niya na lang ginawa iyon. Nagsisi siya sa lahat ng kaniyang nagawa. Napatingin na lang siya sa screen ng kaniyang phone at saka tinitigan ang litrato ng kapatid. Napakabigat ng kaniyang nararamdaman sa mga oras na ito. Napatutop siya ng bibig sa labis na pagsisisi.
Nakasandal siya ngayon sa isang bar stool. Inaalog-alog niya lang ang alak na nasa harap niya. Ni hindi niya pa ito ginagalaw. Dahil labis na lumalandas ang kaniyang luha sa mga mata.
"S-Sir?" biglang pukaw sa kaniya ng bartender. Babae ito at nahalata niya rin na kanina pa ito nakatitig sa kaniya. Napalunok siya at saka umayos ng upo.
"Don't worry about me. I'm fine," matabang na aniya sa babae.
Nagulat na lang siya nang inilahad nito ang panyo sa kaniya. "Oh,"
Pilit siyang ngumiti at saka tinanggap ang panyong iyon. Napalinga siya sa paligid na tila may hinahanap. Kahit imposible, ay nais niya pa rin masulyapan si Joselle kahit sa huling pagkakataon dahil ilang araw na lang ay uuwi na rin siya ng Amerika. Nilagok niya na ang alak at saka um-order pa ng isa ulit.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...
