“Ma,” ani Justin nang nanginginig ang boses. Namumuo ang kamao niya habang ang kabilang linya naman ay tahimik lang. Hindi mapigilan ni Justin ang luha at nakita niya naman si Shenice na nasa tabi niya.
“Paano mo—”
“Sagutin mo muna ako, Mommy!” Umalingawngaw ang kaniyang boses sa loob ng ward. Napatayo naman si Shenice ngunit sinamaan ito ng tingin ni Justin.
“A-Anak... Makinig ka...” Nanginginig ang boses ng Mommy niya sa kabilang linya.
“Kanina ko pa kayo tinatanong, Mommy. Is it hard to answer my question for you? Sino si Zenaida Gaviola?!”
“Kakilala ko...” narinig niya namang huminga nang malalim ang kaniyang ina at tuluyan na itong umiyak.
Napabuga na lamang ng buntong hininga si Justin nang marinig ang iyak ng Mommy niya. Hindi na rin siya makapagsalita. Oo kakilala nito ang Nana Zena na tinutukoy ni Karlo pero ano ang papel nito sa pamilya nila? Ano ang kinalaman ni Levi sa kaniya? Ang tanging tanong na naglalaro sa kaniyang isip ay kung sino si Levi? Ano'ng papel nito sa buhay niya?
Napasigaw siya sa inis dahilan para mapatayo si Shenice para daluhan siya. Nasapo niya ang noo saka niya pinasadahan ng kamay ang buhok. Naguguluhan na siya sa buhay niya. Gulong-gulo na siya sa mga oras na iyon.
“Anak patawarin mo ako... I didn't expect this—” pinutol niya muli ito.
“Well expect the unexpected, Mommy. Kaya pala ganoon na ka ayaw sa akin ni Daddy noong bata ako? Kaya pala lagi niya akong pinapahirapan... Kaya mo rin siguro ako dalhin sa Amerika noon dahil ayaw mo ako ipakilala kay Zenaida Gaviola, 'no, 'Ma?” Mistulang parang rumaragasang tubig ng ilong ang kaniyang mga luha. Wala nang sasakit pa sa matagal nang lihim ng mommy niya tungkol sa kaniyang pagkatao.
“J-Justin... Let me explain...” nanghihina ang boses nito sa kakaiyak. “Pakinggan mo muna ako, anak,”
“But I don't believe them that fast. Ikaw pa rin ang nanay ko. Paano ko malaman na ako ang hinahanap ni Zenaida Gaviola kung nagkataon lang na parehas kami ng balat ng anak niyang si Levi, at nagkataon lang na magkakilala kayo noon, 'di ba?” Mahabang sambit niya. Hindi niya na alam ang kaniyang mararamdaman sa mga oras na ito. Tanging inis at galit ang kaniyang nararamdaman sa mga nangyayari sa buhay niya. He didn't know how to get rid of this situation. Lalo na't pabalik na siya ng Amerika mga ilang araw na lang.
Na-move kasi ang dapat na alis nila dahil hindi niya rin alam—ang alam niya lang ay gusto niyang masilayan si Joselle sa huling pagkakataon bago umalis pero tila imposible nang mangyari iyon. Napapunas na lang ng luha si Justin at saka huminga ng malalim. Humahagulhol pa rin ang mommy niya sa kabilang linya.
“Since malayo pa naman ang uwi ko papuntang Amerika, I'm thinking about having a DNA test with Zenaida Gaviola. What do you think, 'Ma?" turan niya pero tila umurong naman ang dilang kaniyang ina sa sinabi. He lifted his lips as smirking. Napailing siya kahit hindi naman siya nito nakikita.
“I can't believe this on how you hide this to me, Mom. All my life I'm living in lies. Everything on me is just a lie. Right, Mom?”
“Justin... Anak...”
“Don't call me anak if you are not my mother. Lumaki ako sa kasinungalingan and what's worse is hindi ko rin sinabi sa iyo na nahuhulog na ako sa anak ninyo mula noong trese anyos pa lang ako, Ma!” Tulala siyang nanghihina sa kawalan habang si Shenice naman ay nakaalalay sa kaniyang braso at hinahawakan nito ang dextrose na nakakabit sa kaniya.
Biglang tumahimik ang kabilang linya. Hindi na nakaimik ang mommy niya sa kaniyang sinabi. Is it too late to say that? He doesn't even care anymore because he will still pursue his feelings to Joselle. Kahit na nasaktan na niya ito, mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa bunsong kapatid.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...
