Nagising si Justin sa pag-vibrate ng kaniyang phone. Napabalikwas siya at nanatili pa ring nakayakap si Shenice sa kaniya. Wala siyang damit pang-itaas at naka-boxer shorts lang ang pambabang suot niya. Dahan-dahan niyang inalis ang braso nito umungol ito at akmang yayakapin na siya agad niyang nilagyan ng unan para yakapin nito. Mahimbing pa rin ang tulog ng dalaga kaya tumayo na siya sa kama nito at sinagot ang tawag.
Hindi nakarehistro ang numerong tumatawag at 'yong numero din na iyon ang tumawag sa kaniya ilang araw ang lumipas. Nagtaka siya kung sino ito at nang isinagot niya ang tawag ay tanging katahimikan lang ang nasa kabilang linya. Narinig niya ang pag-hinga ng tao sa likod ng tawag na iyon. Tila humihikbi ito sa hindi niya malaman na dahilan.
"Hello po?" wika niya at tumambay sa veranda. Madaling araw iyon at ang lamig ng hanging dumadampi sa kaniyang balat. Hindi niya alam bakit sa ganoong oras pa ito tumawag. Wala rin siyang alam kung saan nito nakuha ang kaniyang numero.
Tuluyan nang humagulhol sa iyak ang ginang. Naging seryoso ang mukha lalo ni Justin na may halong inis na nararamdaman.
"I want you to answer, woman. Whoever you are." Masungit na turan niya at saka rinig niya namang huminga nang malalim ang ginang sa kabilang linya.
"A-Anak?" Lalong nangunot ang noo ni Justin kaya tinanggal niya muna ang phone saka tinitigan niya ang mistulang numero. Hindi naman boses ng mommy niya ang nasa tawag. Labis siyang nagtataka kung sino ito ang tumawag sa kaniya? Ang tumawag sa kaniyang anak? Parang gusto niya nang ihagis ang telepono kung saan sa labis na inis. He's a private person and he didn't give his personal phone number that easily. Hindi niya mawari kung kanino nito nakuha.
"Wrong number po kayo."
"Anak..." humikbi ito.
"Levi, anak? Ikaw na yan? Kay tagal na kitang hinahanap. Diyos ko po!" humagulhol pa rin ito ng iyak. Kumunot lalo ang noo ni Justin sa narinig at tiyak wrong number nga ang ginang. Dahil unang-una, hindi Levi ang pangalan niya. Siya si Justin. Pero labis na lang na pagtataka kung saan nito nakuha ang kaniyang numero.
"Mali po kayo ng tinawagan," aniya pero nagpumilit naman ang ginang.
"Anak ka ni Josie, hindi ba?"
Gulong gulo na ang isip ni Justin sa mga oras na iyon. Napakamot na rin siya ng ulo sa lito. Nagtataka siya bakit kilala nito ang mommy niya? Bakit Levi ang tawag nito sa kaniya? Sino ang taong ito na labis nagpapagulo ng isip ni Justin?
"Pasensya na ho pero mali ho kayo ng numerong tina--"
"Levi, anak. Pakinggan mo naman ako. Matagal na kitang hinahanap. Hinanap kita kay Josie..."
"Ma'am hindi Levi ang pangalan ko," rinig naman niya ang pagbagsak ng phone sa kabilang linya. Nag-hysterical ang babae sa kabilang linya. The other line becomes inaudible. Alam niya lang ay humahagulhol sa iyak ang ginang at paulit-ulit sinasabi ang pangalang Levi.
What's weird is that woman knows his mom, Josefina. Hindi niya alam o baka nagkataon lang siguro iyon. Agad niya nang binaba ang tawag at saka napatitig sa phone nang matagal. Nagkaroon muli ng katanungan sa isip niya. Sana nga, nagkataon lang iyon. Kasi naalala niya ang hindi magandang trato sa kaniya ng amang si Eduardo. Hindi maalis sa isip niya iyon. Lagi na lang sinasabi ng mommy niya ay intindihin na lang ito.
Nagulat na lamang siya nang may yumakap sa kaniya mula sa likod--it was Shenice.
Hinarap niya naman ito at lalo siyang niyakap nang mahigpit ng dalaga. Wala naman siyang nagawa kundi haplusin ang buhok nito saka niyakap na rin. Malalim ang kaniyang iniisip sa tawag na iyon. Imposibleng nagkataon lang kasi ang huling beses niyon ay noong papunta siyang site. Tumawag din ito, parehas na numero. Iwaksi niya na lang muna sa isip ang tawag na iyon at iisipin niya na lang ang papatapos niya nang project. Estimate kasi ng engineer niya ay baka bago matapos ang taon ay puwede niya nang i-launch ang The Alchemist Hut. Pero bago niya gawin iyon ay kailangan niya munang umuwing Amerika para kamustahin ang mommy niya roon at ang business din nito.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...
