Chapter 26

223 8 6
                                    

Nagising na lang siya sa tapik ni Shenice. Kinusot-kusot niya ang mga mata at saka napalinga sa paligid. Malapit na sila sa bus station na kung saan sila bababa. Nasa Baguio na sila at nakita niya ang taglay na ganda ng naturang lugar. Medyo mahamog pero nakikita pa rin ang mga puno roon. May mga transient din siyang nakikita nang 'di kalayuan. Sa pagtigil ng bus ay agad na niyang isinara ang zipper ng jacket bago sila bumaba. Si Shenice naman ay tila wala lang dito ang taglay na lamig ng Baguio. Mataas ang lugar kaya naging malamig ito. Wala rin siyang alam sa kung ano'ng gagawin nila rito sa lugar. Pinauna niya si Shenice na umalis ng upuan bago siya sumunod. Nakita niyang sobrang gulo ng tali ng buhok nito. Dahil na rin siguro sa kakaidlip sa biyahe.

Agad silang sinalubong ng mga nagtitinda ng taho. Maaga at hindi pa gaanong tumitirik ang araw roon. Tingin niya mga nasa alas sais o ala sais y medya pa lang ngayon. Hindi man siya lumaki rito, pero tingin niya wini-welcome siya ng naturang lugar.

Nakita niyang huminto si Shenice para bumili ng strawberry taho dahil tamang-tama at medyo mainit-init pa raw ito. Bagay sa klima ng lugar. Hindi naman ganoon kalamig sa kaniya ang lugar, pero sa mga taong nasanay sa mainit na lugar ay tiyak lalamigin dito. Nakita niya na lang si Shenice na may dala-dala nang dalawang baso ng strawberry taho at may straw pa ito. Hindi tulad ng tinitinda lang doon sa Maynila.

"Twenty five pesos isa niyan," anang dalaga at saka sinipsip ito. Napatingin na lang siya rito na tila ninanamnam ang lasa ng taho habang siya naman ay nanatili lang hinahawakan ang naturang inumin. Hindi pa kasi siya nag-aagahan sa mga oras na ito at tingin niya gusto niya munang magkape dahil wala siyang maayos na tulog mula n'ong umalis ang bus n'ong gabing iyon.

Umangat ang ngiti niya at saka sinipsip ang taho. Medyo matamis sa kaniyang panlasa at ang nakakatuwa pa ay kulay pink ang taho rito sa Baguio. Iyon nga lang medyo matamis at ramdam niya agad ang pananakit ng lalamunan dahil dito. 

"Kape tayo at almusal na rin. Gutom na ako, e." turan niya at tumango naman ang dalaga bilang pagtugon. Nag-abang sila ng taxi at saka sumakay. Natuwa rin siya dahil ang mga taxi rito ay walang mga aircon. Open window pa ito kaya hindi ito magastos sa battery.

Ibinaba sila ng taxi sa Forest House Bistro and Cafe.

Namangha siya sa exterior nito. Ito ang gusto niya maging hitsura ng kukunin niyang condo sa Makati sa susunod na uuwi siya. Sa labas pa lang ay bubungad sa iyo ang menu book at saka may nakabantay rin na server. Maraming halaman at mga bulaklaking disenyo ang nasabing cafe. May faux grass din na animo'y nasa ibang lugar ka. Pumasok na silang dalawa pero pinauna niya si Shenice. Maganda ang naturang cafe dahil maging ang interior nito ay napaka-nature friendly. Sa loob nito ay may nakasabit na art na tila inukit pa ito. It seems like you're entering the log cabin in the middle of the forest. For him, it was surreal. Kasi hindi naman siya masiyadong gumagala sa Amerika noon at tanging bar o 'di kaya house party lang ang kaniyang pinupuntahan. Hindi pa siya nakatungtong sa cabin na nasa gitna ng gubat. Kaya na-amaze siya rito. 

The center of it is the living room-like area that has fireplace to keep you warm in a cold night. Umupo na sila sa bakanteng puwesto at um-order na rin sila ng makakain doon.

"Hi," pabalik bati niya roon sa waiter at tumingin siya roon sa menu. "I want this Forest House Bouillabaisse, sorry if I said it mistakenly. And also, chili con cheese fries." 

"Noted, Sir. Thank you." 

Tumingin naman siya sa gawi ni Shenice. At sinabi na rin nito ang order kaya naman lumisan na kaagad ang waiter pero nakalimutan niya ang hot beverage niya. Kaya tinawag niya ulit ang waiter.

"Can I add this Forest House Blend and Chamomile Tea for her?" Tumango naman ito at saka lumisan na ulit.

Luminga siya sa paligid at saka tumingin kay Shenice. "I love this place. It feels like home."

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon