Chapter 7

474 18 13
                                        

Ilang linggo ang lumipas mula nang nagkrus ang landas nila ni Joselle. Hindi na niya nakita ito pagkatapos. Napagtanto niya rin na kinalimutan na siya nito. Pinagpatuloy niya na lang ang kaniyang pag-iinvest habang nandito pa siya sa Pilipinas. Lagi naman niya nakakausap ang Mommy niya sa Skype at kinakamusta niya na rin ito. Hindi niya na lang binanggit sa ina na nakita niya si Joselle sa isang hotel.

His jaw clenched when he remembers everything. Masaklap at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay nagkaroon din siya ng oportunidad para makapagbukas ng negosyo. At pumatok nga iyon hindi lang sa Amerika kundi maging sa Europa din. Napag-isip isip niya nang magbukas din dito ng negosyo sa Pilipinas. Subalit nang maisip niyang anim na buwan lang ang kaniyang pamamalagi rito. Hindi na rin niyang naisip na bisitahin ang mga kamag-anak sa Benguet. Tiyak hindi na siya maalala ng mga pinsan at mga tiyuhin niya.

Laking Amerika na kasi siya kung tutuusin. But he spent more of his childhood in Benguet. Sina Trish, Savannah, Shaun at Karlo ang lagi niyang nakakalaro n'ong maliit pa siya. Hindi naman siya umaasa na nandoon pa ang mga iyon. Tiyak, may kaniya-kaniya na sigurong pamilya 'yong mga pinsan niya.

Mag-isa sa coffee shop ay agad niyang binuksan ang kaniyang Macbook para mag-check ng emails. Maraming mga proposals siyang natanggap para sa pakikipagsosyo sa kaniyang negosyo. Pero lahat ng iyon ay nilagay niya sa kaniyang archive folder. Ayaw niyang makikipagsosyo dahil gusto niya lamang masolo ang kaniyang pera. Pinaghirapan niya iyon kaya dapat kailangan niya rin maging madamot.

Few distance away from his table, he heard a familiar voice of a girl. Idinukot niya ang kaniyang pocket notebook at saka kumuha ng lapis sa attache case niya.

Sa ngayon ang ginagawa niya ay brainstorming. Kung paano ang takbo ng negosyo niya rito, at kung saan ang target niyang location. May nakikita na siyang puwesto roon sa Taguig ngunit pinag-iisipan pa niya.

"Oo, as you can see heto lang ang mao-offer kong gift sa kaniya. Girl hindi ko alam kung ano ang ibibigay, e nasa kaniya na ang lahat, 'di ba?" Napalingon siya sa pamilyar na boses na iyon at doon napako ang paningin niya.

Damn, she's still beautiful. Naisaloob niya. Agad naman siya lumipat ng puwesto para masilaya  ang dalaga. Napangiti siya at kasabay no'n ay ang pag lapat niya ng lapis sa kaniyang pocket notebook.

Gently, he strokes the pencil to start his artwork. Aside sa pagiging abala niya sa kaniyang business, ito ang kaniyang past time--ang pagdo-drawing. Minsan, nagluluto rin siya gawa ng trabaho niya noon sa isang Mexican restaurant.

"'Di ba magugustuhan niya naman 'to? I can't afford Swarovski which is the one she likes. Uni Silver lang ito." Tumawa ito. Umangat naman ang labi ni Justin sa ngiti ng kaniyang kapatid.

Am I really attracted to her? Naguguluhang tanong niya sa isip. Bahagyang iniling niya ang ulo at saka tinuloy ang pagguguhit. Alam niyang mali pero kung maaga pa naman ay puwede niyang maiwasan ito.

Nakita niyang tatayo na ang dalaga para um-order ng maiinom nito. Tumayo na rin siya. Nakalimutan niyang magsuot ng contacts pero hindi naman ganoon kaliwanag ang ilaw. Sinundan niya ang kapatid niya. Ngayon ay nasa likuran na siya nito.

"Can I have one dark mocha in grande, blended whip cream na lang." turan nito sa counter. Napaangat muli ang labi niya nang marinig ang boses nito. He's been longing to see her. After how many years, ay nagkita na rin sila ngunit tila hindi na talaga siya naalala nito.

"Name na lang po, Ma'am?" sambit ng barista.

"Sel," matipid na turan ng kapatid niya.

"Sa side na lang po, wait n'yo na lang po tawagin 'yong name n'yo." Agad na itong pumunta sa gilid habang sinusundan niya naman ito ng tingin.

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon