"Great... just... great!" Napalingon si Justin sa gawi ni Shenice. Nanginginig ang labi nito habang nakatingin sa kaniya. What he did was a total mess.
"Shenice," tawag niya,
"Don't come near me, Justin." Garalgal ang boses nito. Humikbi ito at saka lalapit para hilahin niya ito palapit sa kaniya. Winaksi naman nito kaagad ang kamay niya. Basang-basa na ang pisngi ng dalaga sa nakikita niya. Hindi niya rin alam kung paano niya ito maaayos na. Lalo na't pinagbigyan niya si Shenice. Pero mali talaga naman ang ginawa niya.
Pinunasan nito ang luhang dumaloy sa pisngi. "Is that her? Siya ba ang tinutukoy mong matagal mo nang mahal? Kaya napilitan ka lang sigurong mahalin ako kasi may puwang pa rin ang babaeng 'yan sa puso mo! Am I right, Justin?"
Napahilamos na lang ng mukha si Justin at saka tumingin sa gawi ni Joselle. Nanatili lang itong nakatingin sa kaniya. Pero ang mga mata nito ay tila nasasaktan. Hindi naman namalayan ng dalaga na lumandas ang luha nito sa pisngi. Napamura na lang sa isip si Justin at maging siya ay hindi niya na alam ang gagawin. Binaling niya muli ang atensyon kay Shenice.
"I can't believe you..." saad nito habang humihikbi.
"I'm sorry," pabulong pero nanginginig din ang boses niya na tila kakawala ang luha sa kaniyang mga mata.
Huminahon ito at nagtungo sa gawi ni Joselle. Umigting ang panga ni Justin sa nakita. Kinuyom niya ang kaniyang kamao sa galit at inis na nararamdaman. Nakita niyang tinaasan nito ng kilay si Joselle at saka inangat ang kamay.
"You..." umiling-iling pa ito bago dumapo ang sampal sa pisngi ng dalaga.
Nanlaki ang mata ni Justin kaya dali-dali siyang rumisponde para mailayo si Shenice sa gawi ni Joselle. Nakita niya kung paano natulala ang kapatid habang hawak-hawak nito ang pisngi. Nanginginig din ang labi nito at saka napaupo sa sahig. Hindi niya inaasahan na magagawa iyon ni Shenice kay Joselle--sa taong pinakamamahal niya. Dinaluhan niya si Joselle at saka pinaharap niya ito.
Namumula ang mga mata nito sa luha at sa ekspresyon ng tsokolateng mga mata nito, labis itong nasaktan sa nangyari. Umiling siya at saka niyakap niya nang mahigpit si Joselle.
Ramdam niya naman ang matigas na bagay ang tumama sa likod niya. Hinampas siya ni Shenice ng bag nito.
"I hate you! I fucking hate you!" Namaos pa ang boses nito sa sigaw.
"You don't need to hurt her, Shenice,"
Itinaas nito ang kamay na nanginginig sa galit. "How can I? You just kissed another woman in front of me! How could you! How could you do this to me, huh?!"
Tumayo si Justin at inilapit niya ang sarili sa gawi ni Shenice. Malapit at tila gahibla na lang ang pagitan nilang dalawa. His jaw clenched while glaring at Shenice. Nakita niyang kumalat ang mascara nito dahil sa pag-iyak. Madiin niyang hinawakan ang dalaga sa magkabilang balikat.
"Hindi mo siya dapat sinaktan! I want you to stay away from me starting today. Don't you ever hurt her or even touch a single strand of her hair!" Pinandilatan pa niya ang dalaga. Nakatikim din siya ng sampal nito.
"You know what?" Shenice glared as she wiped her tears away. "Fuck you!"
At lumabas ito ng apartment niya. Pabagsak din na sinara nito ang pinto. Patay ang ambiance sa kanilang dalawa ngayon ni Joselle. Napalunok siya at saka tiningnan si Joselle. Tulalang nakatitig ito sa pinto. Pinaharap niya ito at saka pinunasan ang luha ng dalaga. Hinaplos niya ito ang pisngi pagkatapos.
"Joselle," tawag niya. Inangat naman nito ang tingin sa kaniya. Her eyes were bloodshot because of tears that she's been holding on for too long.
"K-Kuya, you shouldn't have done that. Because of me... that girl was broke. Nasaktan siya dahil sa 'kin. I don't want to be the reason of anything. Sana hindi mo na lang ginawa iyon. It's fine for me because I'm... nothing." She shrugged, then wiped her tears away.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...